"Maraming salamat sa lahat ng blessings," napansin ni Fenris na matigas na ang boses ni Knight Hood. Parang naiinis na ito.
Bakit? Dapat pa nga ay matuwa ito dahil sa dami ng mga prutas at gulay na natanggap nito. It would feed all of them in the castle for a few days.
"Apprentice! Apprentice!"
Huli na para magtago. Namataan na siya ni Knight Hood at kumaway ito para lumapit siya. Walang nagawa ang dalaga kundi ang lumapit sa crowd. Agad naman siyang binigyang-daan para makalapit sa Knight.
"Listen, my beloved Narguillians. We are so thankful for the gifts you offered. Sobrang laking tulong ng mga ito sa amin," anang Knight sabay abot kay Fenris ng mga basket kaya wala siyang nagawa kundi uugud-ugod na binuhat niya ang mga 'yun at inilagay sa loob ng van na halos ay mag-overflow na.
"Ang sarap naman nitong saging," sabi niya sa sarili nang makitang halos kuminang na ang yellow na balat ng saging.
"Get in," sa isang iglap lang ay nasa likuran na niya si Knight Hood. Isinara nito ang pinto ng van at patakbo na itong nagtungo sa driver's seat.
Mabilis namang sumakay sa front seat ang dalaga habang naririnig pa rin nila ang palakpakan ng mga tao.
"Dammit!" ani Knight Hood saka mabilis na lumayo sa lugar na 'yun. Napatingin na lang si Fenris sa side mirror kung saan kita niyang kumakaway pa rin ang mga tao.
"Ang generous naman ng mga tao. Sila pala ang nagbibigay ng mga pagkain natin sa castle?" aniya.
Ibinaba ni Knight Hood ang hood ng cloak nito at nakita niyang nakatiim-bagang ito.
So, tama nga ang naisip n'ya kanina na naiinis ang boses ng Knight habang kausap ang mga mamamayan.
"It's such a nuisance," naiiling nitong sagot.
Tinanggal na rin ni Fenris ang kanyang hood at sinulyapan siya ni Knight Hood. "Bakit naman?"
"Ano nga pala ang ginagawa mo sa bayan? And alone?" tanong nito, avoiding her question.
"Isinama ako ni Knight Blood. He settled a conflict sa Tang family. Bakit ka pala nainis na binigyan ka ng mga pagkain ng mga mamamayan?" he could avoid all he wants but she wouldn't let this one go. Masyado kasing nakapagtataka.
"Ah, the Tangs. I heard about them," tanging sabi nito.
"Knight Hood-."
"Reid," putol nito sa kanya.
"Fine. So, bakit ka naiinis?"
"You're not letting this go, are you?"
Umiling siya. "Nope." Sumilip siya sa partition window na nagse-separate sa driver's area mula sa likuran ng van at nakita ang napakaraming baskets ng pagkain. Kung siya ang binigyan ng ganito karaming pagkain, tiyak magtatatalon siya sa tuwa. Hindi maiinis.
Narinig niya ang pagbuntung-hininga ng Knight. "The Order has its own farm in the province."
Alam ni Fenris 'yun. May rancho rin ang Order.
"We catch and produce our own food. We have people for that, people that the Grand Knight trusts. He doesn't eat food from random people."
"You mean..."
"He doesn't accept these gifts. I've been throwing them away for years," nakatiim-bagang na sagot ng Knight. Deretso lang ang tingin nito sa daan at tila biglang tumamlay.
Hindi makapaniwalang napatitig ang dalaga sa Knight na halatang hindi makatingin sa kanya.
"Alam kong mataas ang tingin mo sa Order kaya ka sumali," pagpapatuloy nito. "We have a dark side too, Fenris. That's why we are able to continue to exist for centuries."
BINABASA MO ANG
The Knights of St. Harfeld
VampirosMula pagkabata ay gusto nang mapabilang ni Fenris sa Order of the Purple Lily, ang elite military force ng continent ng Narguille. Pero merong isang problema. She was a girl. And girls were not allowed in the order. Pero paano kung nagkaroon siya n...