9- Didn't Belong

1K 81 13
                                    

Hindi makatulog si Fenris nang gabing 'yun. Lage niyang naiisip ang mga mata ni Knight Blood.

Aqua blue eyes. At nakakakilabot itong tumitig. Parang ang lalim ng penetration ng titig nito. Tagos hanggang kaluluwa.

And his lips. Red, sexy lips. Parang bagay lang na doon lumalabas ang sexy nitong boses.

"Ugh! Ano ito? Bakit ang landi-landi ko? Teka, malandi na ba 'yun? Malandi na ba ako dahil naiisip ko ang mga bagay na 'yun? Wala naman sigurong masama sa naiisip ko," sabi niya sa sarili.

Ang hirap naman kasi nang walang experience sa paglalandi kaya hindi niya alam kung saang level na ang kalandian n'ya.

O baka naman normal lang 'yun sa isang teenager na makaisip ng admiration sa isa pang...

Wait... ilang taon na kaya si Knight Blood? Naku, baka mas matanda pa ito sa papa n'ya.

Tsaka, paano kung mga mata at labi lang ang gwapo rito? Kapag nagtanggal ito ng hood baka ang noo nito ay kasing laki ng plato at ang ilong nito ay dalawang butas lang, as in 'yung walang bridge. As in butas lang talaga.

Na-imagine niya iyun.

"Eww," aniya saka nayakap ng mahigpit ang sarili.

Nakatulugan na lang niya ang pag-iisip kung ano talaga ang itsura ni Knight Blood. Nanaginip tuloy siya na hinahabol siya ng higante nitong lips.

—-

Kinabukasan, suot ang kanyang training clothes, kasali na si Fenris sa physical training ng ibang Apprentices. Ang sikip ng dibdib niya sa sobrang saya. Halos hindi siya makahinga dahil sa sobrang pagka-overwhelmed. Kahit isang braso lang ang pwedeng gamitin ay hindi siya papipigil.

"I'm going to be the first female Knight in history," bulong niya sa sarili sabay suntok sa ere dahil iyun ang ginagawa nilang lahat.

"One more frontal kick," anang isang Knight na naka-assign na training nila.

Frontal kick!

"Aray," mahinang bulong ni Fenris. Ang sakit sa singit.

"Kick!"

"Sabi ko nga kick pa," aniya saka muling nag-frontal kick.

Ang sakit ng katawan ni Fenris dahil hindi nagtatapos doon ang kanilang physical training. May stretching pa, may jogging, may push-ups. Bagsak siya sa lahat pero sisiw na sisiw lang sa kanyang mga kasama.

"Sabi na nga ba eh. Ang hina ng mga babae," anang isang Apprentice na nakatayo sa likuran n'ya. Nilingon n'ya ito at sinamaan ito ng tingin pero ngumisi lang ang damuho.

The Apprentices didn't wear their hoods today. Tutal naman ay walang media at isa na rin siyang Apprentice kaya no need nang magsuot n'on.

And this Apprentice behind her, mocking her, was Elliot. Kilala niya ito dahil ito ang lageng maingay sa living quarters. Malaki ang pangangatawan nito at may katangkaran din. He wasn't handsome but he wasn't ugly either. Tamang tao lang ang itsura.

"I'm not good in physical activities. At least not yet. I'm a beginner in this so don't use me as your basis for a woman's strength," sagot niya sa lalaki.

"Tsk. Ang sabihin mo, talagang puro salita lang kayo. I'm strong. I'm brilliant. We are equal to men," he mocked using a high pitched voice. "Pero kapag sinabing patunayan n'yo, then you can't show your physical strength."

"Physical strength is not all the strength in the world. There's brain, character..."

"Blah, blah, blah. This is the Order. We are soldiers. Physical strength is the most important kind of strength for us," putol ni Elliot sa kanya.

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon