1- Fenris

2.9K 136 14
                                    

One o'clock in the afternoon. The church bell rang and everyone stopped whatever they were doing. The cars halted, even the birds seemed to forget how to fly.

Kasama sa tumigil sa ginagawa ay si Fenris at ang kanyang buong pamilya na kasalukuyang kumakain ng tanghalian sa kanilang dining area.

For five minutes, everyone kept still and silent. It was meant to honor the three gods of Narguille.

Fenris kept her eyes shut. Taimtim siyang nananalangin at nagpapasalamat sa kanilang magandang buhay. Not everyone in the continent was living comfortably like them. They were not rich but they were not struggling. Para sa kanya, maganda na iyun.

"Huh!" pabagsak na muling naupo ang ama niyang si Juy sa upuan nito at muling kumain.

Nanlaki ang mga mata nina Fenris at ng ina niyang si Warin. May tatlong segundo pa kasing natitira bago matapos ang Moment of Silence.

"Let the gods continue to bless us," sabay na turan ng mag-ina habang tahimik lang at tila walang pakialam ang nakakatandang kapatid niyang si Maryan. Hindi ito naupo pa pero panay naman ang kalikot sa hawak nitong hand phone.

Nang natapos ang five minutes ay agad na muling naupo ang mga babae.

"Juy, naman, 'wag na 'wag mong gagawin 'yun. Baka may makakita sa'yo," nag-aalalang turan ni Warin.

"Sarado lahat ng bintana natin, Mahal. Walang makakaalam na hindi ko tinapos ang five minutes. Paborito ko kasi itong niluto mong sinabawang gator meat. May ginseng pa. Ayokong lumamig."

"Pa, naman. Alam n'yong bawal ang ginawa n'yo. Istrikto ang batas natin d'yan. If the Church found out they would execute you," nag-aalalang sabi ni Fenris. Her heart was beating so fast she could barely breathe.

"Sweetheart, sino naman ang magsusumbong sa kanila? Ikaw?" her father teased and she shook her head immediately.

"Of course not," aniya. Oo, devoted s'ya sa simbahan at sa batas nila pero mas mahal n'ya ang pamilya n'ya. Hinding-hindi n'ya ipapahamak ang mga ito. Kaya, tumingin siya kay Maryan na agad nagtaas ng kilay.

"Oh, bakit kayo nakatingin sa akin? Materialistic lang ako. Hindi ako traydor," anito saka nagpatuloy sa pagkain habang nakatingin pa rin sa phone. Mukhang may ka-text ito.

"Basta mag-iingat ka lang, Mahal. Lalo na sa public places. Baka masanay ka sa ganyan tapos makalimutan mong nasa trabaho ka," pangaral ni Warin at agad na tumango si Juy.

"I'm being careful, okay? Wala kayong dapat na ipag-alala lalo na kapag nasa trabaho ako," anito. Isa itong nurse sa nag-iisa ngunit malaking hospital nila rito sa Saas, the capital of Narguille.

"Hala, sige. Kumain na kayo," naiiling na lang na sabi ni Warin.

Hindi na pinalaki ni Fenris ang issue dahil ayaw na niyang ipagpilitan ang kanyang paniniwala sa kanyang ama. As long as hindi malaman ng Church at Order ang ginagawa nito, wala siyang makitang problema.

He just wasn't a believer like her. Ang ina naman niya at si Maryan ay sumasabay lang sa agos. They do what they have to do.

Hindi nagtagal ay may narinig na silang katok sa pinto kaya agad na napatayo si Fenris. Tumakbo siya sa kanilang nag-iisang banyo malapit sa kanilang mga bedrooms at nag-toothbrush.

"Ma, Pa, alis na ako," sigaw niya bago binuksan ang kanilang main door.

Isang malawak na ngiti ang sumalubong sa kanya. Kilmar's smile could get rid of a storm. Matangkad ito, kayumanggi at gwapo. Sobrang gwapo. Her bestfriend. Pround na proud siya sa isang 'to- hindi dahil sa gwapo ito kundi dahil sa mabait at matalino ito. At sobrang responsable. Husband material. Pero kaibigan n'ya lang talaga ito. O mas tamang sabihin na parang kapatid ang turing niya rito.

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon