50- Sisters

707 44 5
                                    

"Yani!"

Nagtaas ng tingin si Maryan nang marinig ang boses ni Linus. Husto namang nagawa n'yang patayin ang apoy sa may pintuan at nakita n'ya ang kanyang bestfriend at si Elliot na nakatingin sa mga nasunog na mga kalaban.

"You alright?" nasa mukha ni Linus ang pag-aalala at pagtataka.

"Yeah," well, she was better than alright.

"Did you just kill the fire just by waving your hand?"

"Yes. Remember, I belong to his bloodline."

Nagpormang O ang bibig ni Linus pero wala namang lumabas na salita. Naliwanagan lang ito.

"Right. How could I forget," anito na mukhang pinapagalitan ang sarili internally.

"I will do my best to counter the barrier spell. Kailangan n'yo ring makapag-cast ng spell."

Tumango si Linus. "I have to find Fenris. Hindi ako mapakali."

"Me too. Tara na."

Palabas pa lang sila ng weapons room nang bigla na lamang silang nakarinig ng malakas na sigawan sa bailey. Iyakan ng mga mga babae at lalaki. Parang ang daming tao na nasasaktan.

"What the hell is that?" ani Maryan.

Linus cursed. He wished he could use his ability right now.

"May tino-torture bang mga mamamayan ang Grand Knight?" mahinang tanong ni Elliot. Namumutla ito at mukhang hindi makapaniwala.

Nagkatinginan sina Maryan at Linus. Mukhang mas kakailanganin sila ng kung sinumang mga kawawang biktima ng Grand Knight.

Hindi na nila kailangan pang magsalita para maintindihan ang isa't isa. They had been best friends for years. They planned this rebellion together. Fenris being involved made the execution of their plan moved forward but they had this planned all along. The Grand Knight was going to be stopped no matter what.

Sa mahabang panahon na magkasama sa mga clandestine meetings ay nababasa na nina Maryan at Linus ang isip at kilos ng bawat isa. And this time, they would rescue those people. Sana lang ay nasa ligtas na lugar si Fenris ngayon. Sana lang ay nahanap na nito si Kilmar at tumakas na.

Sana.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Elliot na agad na sumunod sa kanila.

"We have to rescue those people," ani Linus. "Yani, 'wag mo munang ipaalam sa Grand Knight na pwede mong i-access ang kapangyarihan mo."

Tumango naman agad ang babae. "Ano'ng plano?"

"Do you think you can do a counter spell to remove his barrier?"

Saglit na nag-isip si Maryan, pilit inalala ang mga natutunan niyang spells over the years. In fact, mas magaling pa nga s'yang witch kumpara kay Linus na iilang buwan pa lang nakapag-Channeling, though his Simmons ability manifested when he was sixteen. Medyo hindi nga lang nito maayos na na-control until he turned eighteen. He said, same thing happened to his mom. She had visions even before her Channeling.

"I'm not sure. I can siphon it and transfer its energy somewhere else."

"Or you can absorb it," ani Linus. "It's a strong source of energy. Pwede mong i-convert into something else. But you have to be specific para mapadali ang absorption. Kapag hindi ka sigurado kung ano ang gagawin mo sa energy, mapapabagal ang absorption. Kapag mabagal ang absorption, mas mahihirapan kang kontrolin 'yung flow ng energy."

Tumango si Maryan habang may malalaking hakbang para makahabol kay Linus dahil mabilis itong maglakad.

Pero bago pa man sila tuluyang makalabas ng castle ay pinigilan siya ng kaibigan.

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon