5- An Opportunity

1.2K 101 20
                                    

The following week, Fenris was released from the hospital. The doctor said she had the best medical team in the continent. The Grand Knight made sure of that. The doctor added that they made sure na hindi siya magkakaroon ng scar contracture at kapag naghilom na ang sugat n'ya ay sisimulan na ang reconstruction ng balat sa kanyang balikat na nasunog.

Sa ngayon, her movements will have limitations dahil sa nakabenda at may arm brace pa siya but they promised that they would do everything to make her life as comfortable as possible. Kaya naman, may entourage siya nang dalhin siya sa castle nang araw na 'yun.

Walang paglagyan ang saya na nararamdaman niya sa kaalamang makakapasok na rin siya sa castle na sobrang exclusive. Mula pagkabata ay pinangarap n'ya na ito at ngayon ay nangyari na nga.

Isang itim na magarang limousine ang sinasakyan n'ya. Kasama n'ya rito ang dalawang nurses (sina Blue, Kastor) at isang personal assistant (si Jan) na siyang tagaabot ng tubig o tagasubo sa kanya ng candies. They were all boys. Bakit? Dahil bawal ang babae sa castle at siya ang exemption. Siya rin ang pinakaunang makakapasok doon na babae.

What an honor.

Pero iba ang nararamdaman niya rito sa loob ng limousine. Napaka-awkward! Gusto niyang pababain ng kotse ang nurses at personal assistant. Well, thankful naman siya sa kabutihang ipinapakita ng Grand Knight pero exaggerated na masyado. Ayaw niya ng tagapahid ng pawis. Kahit may benda ang kanang braso niya ay may kaliwa namang nagfa-function nang maayos. Ayaw lang niya na lage silang nakatingin sa kanya na para bang binibilang kung ilang inhale at exhale ang ginawa n'ya.

"Pwede mo ring bilangin ang pores ko sa mukha," sabi niya sa personal assistant and to her horror, he jumped and sat beside her then he started counting her pores. Gulat na iniiwas ni Fenris ang mukha saka shocked na tiningnan ang lalaki.

"Hindi pa po ako tapos," reklamo nito.

"Really? I mean, really?" hindi makapaniwalang bulalas n'ya. Gagawin talaga ng mga ito ang lahat ng sasabihin n'ya?

"Eh kasi po sabi ni Grand Knight, alagaan namin kayong mabuti dahil kayo ang superhero n'ya. Tsaka, sundin daw namin lahat ng iutos n'yo," sagot ng assistant kaya kumalma ang dalaga. Kinabahan talaga siya kanina nang bigla itong tumalon paupo sa tabi n'ya.

"Bumalik ka na sa upuan mo," sabi n'ya kaya mabilis itong bumalik sa tapat n'ya kung saan naroon ang dalawang nurses na naghahagikhikan. "Look, thankful ako na handa kayong alagaan ako kahit na hindi naman na kailangan. Pero kapag tayo-tayo lang, 'wag nang extra ha. Hindi kasi ako sanay."

"Pero ang sabi ni Grand Knight..."

"Ay, ayaw talaga papigil ni Kuya Assistant," sabi niya sa sarili.

Bumuga na lang siya ng hangin. She reminded herself that they were just doing their jobs.

"Alam ko kung ano ang sinabi ni Grand Knight and believe me, sobrang grateful ako. I just need my space sometimes. Naiintindihan n'yo ba ako?"

Sabay-sabay na tumango ang tatlo.

"Good. Pwede na kayong mag-relax," as if utos iyun ay mabilis na nag-slouch ang mga ito sa upuan na para bang pilit na pilit na mag-relax.

Great. Hindi n'ya na lang pinansin ang nakakangalay na posisyon ng tatlo. Tumingin siya sa labas ng bintana at doon na lang nag-focus. Paakyat na sila sa burol na may sementadong daan. Makikita sa baba ang bayan. From this side, kita ang kumikinang na mga buildings ng Saas. Lahat sa capital ay marangya. Lahat ay para sa mga Upper Class.

Itong burol na inaakyat nila ay nasa pinakagitna ng continent. Pinalibutan ito ng Saas kung saan naroon ang mga Upper Class. Nakapalibot naman sa Saas ang suburbs kung saan kaming mga Middle Class nakatira. Sa mga provinces naman sa labas ang Lower Class.

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon