Special Chapter

1.2K 90 30
                                    

One year later...

Kinakabahan si Fenris habang mahigpit ang hawak sa manibela. Kakarating lang niya galing ng Narguille at ngayon ay nasa Hellville na siya para sorpresahin si Linus.

Mag-isa lang siyang bumyahe rito kaya walang kaalam-alam ang boyfriend n'ya na malapit na sila sa isa't isa.

She rented a car from Graviville at ngayon ay tanaw na nga niya ang napakalaking mansyon ng mga Bloodworth sa tuktok ng Upstate kung saan naroon ang napakaraming malalaking bahay ng mga mayayamang mamamayan ng Hellville.

Napahigpit ang hawak ni Fenris sa manibela nang makapasok ang sasakyan sa malahiganteng gate ng Bloodworth estate. Buti na lang talaga bukas 'yun.

Twenty feet.

Fifteen feet.

Ten feet.

Kabadung-kabado na siya.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Linus kapag nakita s'ya?

Miss na miss na niya ito.

Five feet.

Ang daming mamahaling sasakyan sa labas ng mansyon. May party bang nagaganap?

Nagtataka na si Fenris nang tuluyan na nga niyang ipinarada ang kotse sa tabi ng isang pulang sportscar.

"I'm here, Linus," bulong niya saka huminga ng malalim.

Napangisi siya nang maalala ang kabaliwan niya. Two weeks niyang hindi sinasagot ang tawag nito. Hindi siya nagparamdam.

Bumaba na siya ng sasakyan at inayos ang suot na pulang blouse at itim na jeans. Nakasuot din siya ng itim na flat sandals.

Nag-ayos pa siya kasi sosorpresahin nga niya ang kanyang pinakamamahal na...

Natigilan si Fenris nang biglang bumukas ang pinto at lumabas doon ang lalaking kay tagal niyang inasam na makasama.

He looked taller. His shoulders were broader. Hindi n'ya napansin ang mga pagbabagong 'yun sa video call. Linus' hair was short and neat and he was wearing a white polo shirt, black jeans and white shoes.

He looked divine.

Pero natigilan siya nang makitang hindi ito mag-isang lumabas. May ka-holding hands itong napakagandang babae. As in nakakasilaw sa ganda.

Sino ito?

They looked so... sweet. Ang laki pa ng ngiti ni Linus habang nakatunghay sa babaeng anghel.

Ano'ng nangyayari?

Binaha ng kirot ang dibdib ng dalaga.

Bakit ganito ang naabutan n'ya?

Kelan pa siya niloko ni Linus?

Grabe naman. Two weeks lang siyang hindi nagparamdam, napalitan na siya agad?

Ang sakit. Ang sakit-sakit. Mahal na mahal n'ya kasi si Linus. Araw-araw siyang nakatingin sa kalendaryo dahil gusto n'ya matapos na ang isang taon nilang usapan. Tapos ito pala ang madadatnan n'ya.

Nagtawanan sina Linus at ang babae at nakita n'yang hinalikan pa ng binata ang noo nito.

Tuluyan na ngang tumulo ang luha ni Fenris. Hindi na niya kaya ang sakit.

Tumalikod na siya para bumalik sa kanyang nirentahang kotse nang bigla na lang may sumigaw na babae mula sa kung saan.

Napatingala si Fenris at nakita n'ya si Tiana na nakadungaw mula sa isang bintana sa second floor.

"Hoy! Mga walang kwentang nilalang! Itigil n'yo na 'yan. Aalis na si Fenris oh!"

Nagulat si Fenris nang bigla na lang nagtawanan sina Linus at ang babae at sa isang iglap lang ay nasa harapan na niya ang binata at nakayakap ito sa kanya nang sobrang higpit.

"Oh my love," madamdaming sambit na Linus saka siya dinungaw at ilang ulit na hinalikan ang kanyang mukha at mga labi.

"What?" 'yun lang ang nasabi ni Fenris dahil sa pagkalito at pagkagulat.

What happened?

"It's a prank! Nasa Graviville ka pa lang nakita ka na ni Linus. Ilang oras na naming alam na paparating ka," tumatawang lumabas si Cole mula sa bahay saka umakbay sa magandang babae na ka-holding hands ni Linus kanina.

"What?" ulit ng dalaga saka tumingala kay Linus.

He pouted and wiped her eyes away. "Halos mabaliw ako for two weeks. Hindi kita ma-contact. Pati mga magulang mo, si Yani sina Kilmar at Elliot, ayaw sabihin kung nasaan ka. Fen naman."

"You knew na darating ako?" bulalas ni Fenris. Akala pa naman niya ay masosorpresa ito.

"Dalawang linggo siyang nag-abang sa seaport. Kahapon lang 'yan nakabalik dito kasi kadarating lang din namin nitong chocolate cupcake pie ko," Cole said and nestled on the beautiful woman's neck.

Gustong ngumiwi ni Fenris kaya tiningnan na lang niya si Linus at agad itong ngumiti na parang tuta.

"Girlfriend 'yan ni Cole? Hindi sa'yo?" singhal niya.

"Hi, Fenris. It's so nice to meet you. I'm Kam," anang babaeng mukhang hindi tinatablan ng libag. Ang perfect lang nitong tingnan.

"H-Hello..." aniya na hilo pa rin sa nangyari.

"Hindi ko 'yan girlfriend. Ew! Ikaw lang ang girlfriend ko," paglalambing ni Linus. "Prank lang 'yun. My revenge for driving me crazy for two weeks. Sorry na."

Sinamaan n'ya muna ito ng tingin pero agad din naman siyang lumambot dahil sobra n'ya itong na-miss.

Yumakap siya rito nang sobrang higpit at agad din naman itong gumanti. Halos hindi na nga siya makahinga.

"I've missed you so much," bulong nito. "Ang saya-saya kong nandito ka na, love."

"I'm here. I'm here. Hindi na tayo magkakalayo uli. Mahal na mahal kita, Linus," aniyang naiiyak pa. Sobrang saya n'ya na magkasama na sila sa wakas.

"I love you more and I will make sure you feel it every day," sagot nito saka sinakop na ang kanyang mga labi.

She kissed him back. Narinig pa niya ang kantyaw ni Cole.

This kiss was telling her that she was finally home.

"Oh, Linus," aniya nang maghiwalay ang mga labi nila.

Her heart was full. Wala na siyang mahihiling pa.

"Oh, tara na para makakain. The family is complete," anunsyo ni Cole saka nauna na itong pumasok ng bahay kasama si Kam.

"You look so beautiful," ani Linus nang humakbang na sila papasok ng bahay.

Hinawakan n'ya ang kamay nito saka siya tumingkayad para mahalikan ito saglit. "At ang gwapo mo. Bagay na bagay sa ganda ko."

Linus smiled and kissed her hand. "I love you, Fenris."

"I love you, Linus."

***

Finally! Natapos din. Salamat sa inyong pag-antabay sa kwento nina Fenris at Linus. Sana nagustuhan ninyo.

Have a blessed day, y'all. ❤️❤️❤️

@immrsbryant

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon