15- Evacuation

892 75 2
                                    

Isang linggong mahigpit at matinding training ang dumaan. Araw-araw na nadadagdagan ang mga pasa, galos at pananakit ng katawan ni Fenris.

Pero in fairness, may improvement sa kanya. Nanalo na siya ng isang beses sa kanilang one-on-one combat. Well, her opponent tripped but it was still considered a win because he fell-they were not supposed to fall.

Kaya na rin niyang sumangga ng mga suntok at sipa gamit ang kanyang mga braso. Kaya naman namaga ang mga 'yun nang ilang araw.

At sa loob ng isang linggo, hindi niya nakita si Knight Blood kahit isang beses man lang.

"He's in charge of the sea patrol for this week. Nagdala siya ng team," pag-i-inform ni Kruz sa kanya habang nakaharap sila sa isa't isa at parehong may hawak na espada-as in totoong matulis at matalim na espada.

"Ahhh! Border patrolling huh?" sagot ng dalaga saka itinaas ang kanyang espada na agad sinangga ni Kruz.

"O...Oo," nakatiim-bagang na sagot nito habang pilit na pinipigilan ang kanyang espada. His sword looked a lot nicer though.

One swift move and Kruz disarmed her. Nakaka-shock na magaling gumamit ng espada ang lalaki at tinuturuan naman siya nito.

Isang oras pa bago nila naisip ni Kruz na tumigil sa pagte-train. Iyun ang ginagawa nilang dalawa kapag may vacant time sila. Ayaw ni Fenris na mag-aksaya ng oras kaya kapag tapos na ang training nila with the Knights, gumagawa naman siya ng paraan para mag-train ng weaponry. So far, wala pa siyang nahanap na weapon para sa kanya.

"You wanna try another weapon tomorrow?" tanong ni Kruz. In the past week, naging komportable na rin ito sa kanya and she felt super relieved. She wanted to have more friends here.

"Hmmm... one more week with the sword. I just can't give up. Kailangan kong bigyan ang sarili ko ng chance na masanay gumamit ng espada. Kapag hindi talaga ako mag-improve then I will proceed to bow and arrow."

Ngumiti si Kruz. "Okay."

That night, Fenris found out that sneaking out of the castle was easy like a piece of cake. Walang nagbabantay na Knights sa paligid, walang pagala-galang mga Apprentice. Everything was quiet and everyone was sleeping.

Everyone but her.

Suot ang isang malaking purple na hoodie, jeans at combat boots, tinungo niya ang bayan. Medyo matatagalan siya dahil naglalakad lang naman siya pero kailangan niyang gawin 'to para malaman niya kung ano talaga ang sitwasyon na haharapin niya in the future.

"Kaya mo 'to, Fenris," bulong niya sa sarili nang magsimula na siyang makaramdam ng pagod. It would take her about two hours of walking para makarating sa kanyang destinasyon.

Kakayanin n'ya ba talaga?

Narating niya ang bayan nang pawisan at hinihingal.

Alas-onse na ng gabi kaya wala na masyadong tao sa paligid. Sarado na ang mga tindahan maliban sa iilang clubs at bars.

"Kailangan kong magmadali," aniya saka nagsimula nanamang maglakad.

Then something caught her eyes.

Tatlong bisekleta na nasa gilid ng isang condominium building. Marami sa kanila ang gumagamit ng bisekleta lalo na ang mga working professionals dahil malapit lang naman doon ang kanilang offices. Riding a bicycle was a form of exercise na rin kaya ginagawa iyun ng mga mahilig mag-workout.

Nakapasok sa bulsa ng kanyang hoodie ang kanyang mga kamay at nakataas ang malaking hood kaya confident siyang walang makakakilala sa kanya.

Huminga siya ng malalim bago tumingin sa paligid. Walang nakatingin sa kanya kaya mabilis siyang sumakay sa isa sa mga bisekleta at nag-pedal palayo roon.

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon