Magkatabing nakatayo sina Cole at Linus habang inaayos nina Maryan, Fenris at Elliot ang mga kandila para sa Channeling mamayang gabi.
Nakatitig lang si Linus kay Fenris na ngayon ay nakasuot ng beige na dress na hanggang tuhod. Seryoso ito sa ginagawa kaya lihim siyang napangiti. She was very pretty. And brave. And courageous.
"Hoy!" malakas siyang siniko ni Cole sa gilid kaya agad siyang napangiwi saka ito sinamaan ng tingin.
"What the hell is your problem? That hurt," aniya na minamasahe ang kanyang tagiliran. Kahit na gustong makasama ni Linus itong kuya n'ya lage, sometimes, he wished he could kill him.
"Kung makatitig at makangiti kasi akala mo proud na daddy," nanunuksong ngisi ni Cole.
Agad namang napangiwi si Linus. Daddy. Ew.
"Look, baby bro, what if katulad ni Mommy si Fenris?" anito na umakbay pa sa kanya.
"What do you mean?" kunut-noo niyang tanong. Kapag talaga si Cole ang kasama n'ya, nakakapag-exercise ang mukha n'ya. Kahit anu-anong emosyon kasi ang sina-suffer n'ya.
"What if..." Cole drawled, "Fenris turned out to be a witch-vampire like us? Like Mom when she had her Channeling. Di ba hindi n'ya alam na vampire din s'ya?"
"Where are you going with this, Cole?"
"Di ba si Maryan, we found out na anak pala s'ya ng Grand Knight. What if hindi si Juy ang tatay ni Fenris?"
Hindi sumagot si Linus. Naghihintay sa kalokohan ng kapatid.
"What if... si Gregory Bloodworth pala ang tatay n'ya? Oh, 'di ba? What if you and Fenris were blood relatives?" suminghap pa si Cole na parang gulat na gulat. "Oh, eh 'di broken-hearted ka? Iiyak ka sa mga balikat ko. Don't worry, baby bro. I will take care of you. Mahal kita eh."
Inis na tinanggal ni Linus ang braso ni Cole na kanina pa nakaakbay sa kanya.
"Di ba ikaw 'tong broken-hearted? Bakit nandadamay ka?" ang sama ng tingin niya rito. Wala talagang kabuluhan ang buhay nito.
"Ako? Broken-hearted? Ako?" exaggerated nitong itinuro ang mukha. Ang lakas pa ng boses kaya napalingon sina Fenris sa direksyon nila.
"Oo. Wait. What was her name? Sinabi sa akin ni Tiana n'ong nakausap ko s'ya sa limbo eh. She told me may sineryoso ka na raw. Classmate mo sa academy dati."
Lukot na ang mukha ni Cole. Tumalon ito para takpan ang bibig n'ya pero mabilis siyang nakaiwas. Nakangisi na ngayon si Linus.
"Wait. What was her name? Calamondin?" umakto pa si Linus na nag-iisip.
"What? You know Calamondin is calamansi, right?" angal ni Cole na hinahabol na si Linus.
"Aha! Cameron! I think that's her name."
"Eeeehhh!!! Wrong!" ani Cole saka sumimangot. "Hindi na kita bati," anito saka padabog na tumalikod.
Tuluyan nang natawa si Linus habang sinusundan ng tingin ang nakakatandang kapatid na mahilig mang-asar pero mabilis namang mapikon.
—-
It was almost midnight. Handa na ang lahat para sa Channeling. Si Cole ang naka-assign kay Elliot at sina Maryan at Linus ang kay Fenris. Ilang modifications ang ginawa nila sa ceremony dahil originally, maraming witches ang involved. Buti na lang proven and tested na ang prosesong ito dahil ito ang ginamit ni Cole kay Linus a few months ago.
"Ready?" tanong ni Linus na biglang tumayo sa likuran ni Fenris kaya nagulat ang dalaga. Mas lumakas tuloy ang kabog ng kanyang dibdib. Kanina pa naman siya kinakabahan.
BINABASA MO ANG
The Knights of St. Harfeld
VampiriMula pagkabata ay gusto nang mapabilang ni Fenris sa Order of the Purple Lily, ang elite military force ng continent ng Narguille. Pero merong isang problema. She was a girl. And girls were not allowed in the order. Pero paano kung nagkaroon siya n...