22- Offering Tuesday

904 68 12
                                    

Nanginginig sa galit si Fenris habang sakay sa truck ni Knight Blood. Tahimik namang nagmamaneho si Kilmar at parang nakikiramdam lang.

Did Knight Hood just really sacrifice everyone?

Fenris felt nauseous. Any moment she would throw up all over the truck.

"Fen, gusto mo itigil ko muna ang sasakyan?" ani Kilmar saka tinapik ang balikat n'ya habang ang isang kamay ay nanatili sa manibela.

"No. K-Kailangan nating makabalik sa castle as soon as possible," matigas niyang sagot.

"And do what? Ano'ng gagawin mo kay Master Knight?" nag-aalalang tanong ni Kilmar.

Oo nga naman. Ano'ng gagawin n'ya sa isang Knight? Ano'ng magagawa n'ya laban sa isang corrupt pero makapangyarihang sistema?

Nanghihinang napasandal siya sa kanyang upuan.

"Kilmar, I'm so tired. All these secrets..."

"Di ba napag-usapan na natin 'to? We will stay para may magawa tayo in the future. Wala tayong kalaban-laban, Fen. Sa ngayon, magpalakas muna tayo. Train hard. Know the flow of the system. Know our enemies."

Enemies. Never in her life did she imagine calling the Order her enemy.

"But I have to find out what happened to the people."

"I know pero pag-isipan nating mabuti kung paano natin makukuha ang impormasyong 'yun."

Tumango siya. "Let's stop by my parents' house."

Hindi sumagot ang lalaki. Alam nilang pareho kung gaano ka-risky 'yun. They were not supposed to see their family again. Kapag nalaman iyun ng Order, she would be punished for sure. Baka nga ipa-public execution pa siya. It would be the chance the Order had been waiting for- to get rid of her.

"I will go," sabi ni Kilmar pagkaraan ng ilang sandali.

At iyun nga ang ginawa nila. Ipinarada nito ang truck sa malayo at ito lang ang bumaba. Nanatili siya sa loob at naghintay lang.

Sumilip siya sa labas at nakita niyang walang pinagbago sa lugar na 'yun kaya nakaramdam siya ng konting nostalgia. Ang gaan at simple lang ng buhay niya dati. Ngayon ay masyado nang komplikado.

Pero hindi siya nagsisisi dahil ngayon ay mulat na ang mga mata n'ya.

Hindi nagtagal ay bumalik si Kilmar at agad na naalarma si Fenris nang makita ang ekspresyon ng mukha nito.

"Bakit?" agad niyang tanong habang kinakabit nito ang seatbelt. "Kilmar!"

Mahigpit ang hawak nito sa manibela pero hindi pa nito pinapaandar ang truck. "Don't freak out."

"You're freaking me out already. Ano'ng nangyari?" pinandilatan niya ito ng mga mata.

"Lynda and her baby are not there anymore," anito kaya natigilan ang dalaga. Lynda was the homeless girl with a baby. She brought them to her parents' house for protection.

"B-Bakit?" sa totoo lang ay natatakot siyang malaman kung ano ang nangyari. "How are my parents?"

Did saving Lynda and her baby cost her parents their safety? Their lives?

She was terrified to find out any more bad news.

"They're fine. Your parents are fine. Nakausap ko silang dalawa."

"Oh my gods! Thank the Saint!" bulalas niya sabay hinga ng maluwang. "So, ano'ng nangyari kay Lynda at sa baby n'ya? Where did they go?"

"Evacuation."

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon