29- Knight In Shining Pajamas

975 84 21
                                    

Mabilis na umatras si Fenris mula kay Knight Blood na para bang biglang umutot ang lalaki. Without thinking, she nibbled on the griddle cakes like a goldfish.

What has she done?

Ang init ng pakiramdam n'ya dahil sa sobrang kahihiyan. Ni ayaw n'yang mag-angat ng tingin lalo na nang humakbang palapit sa kanya si Knight Blood.

Galit ba ito dahil sa kapangahasan n'ya?

She closed her eyes and shrank when he was inches away from her. Naaamoy pa niya ito.

"Knight Blood! Magsisimula na ba ang training natin?" biglang may sumigaw mula sa kung saan kaya mas lalong nanigas ang dalaga. It was Kilmar. Nakita ba nito ang ginawa niya?

Naramdaman niya ang bahagyang pagyuko ng Knight at ang lapit ng mainit nitong hininga sa kanyang leeg.

"We will resume this later," anito bago siya nito nilampasan at lumapit kay Kilmar. "We'll start training with spear in ten minutes. Tell the others."

Narinig ni Fenris ang papalayong mga hakbang ng dalawa bago siya umikot para tumingin sa direksyon na pinuntahan ng mga ito.

To her surprise, nakita n'yang kakarating lang ni Elliot at ang talas ng titig nito sa kanya.

Tinaasan lang ito ni Fenris ng kilay.

"You think you're so strong now because you beat Big Arm. Sinwerte ka lang," anito.

Exasperated na huminga si Fenris saka hinarap ang lalaki. "Elliot, just stop. Natalo na kita. Natalo ko na rin si Big Arm. Sa tingin mo takot pa rin ako sa inyo? You've been an Apprentice for many years pero hindi ka pa rin nakakapasa sa Knighthood test. Why is that? Don't you think it's time to give up and find another career? I don't think you're cut out to be a Knight."

Hindi ito sumagot pero nakarehistro sa mukha nito ang sobrang galit. "We will see, Paynes. We will see," anito saka nilampasan siya.

Litong nasundan na lang ito ni Fenris ng tingin. He didn't continue their verbal altercation. That was weird.

Training was long and tiring. Hindi in-expect ng dalaga na ganito pala ka-brutal magturo ni Knight Blood. Wala itong pakialam kahit na matumba na sila dahil sa sobrang pagod. Kapag sinabi nitong four hours straight ang training, ibig sabihin fours hours talaga. No breaks, no interruptions.

Gusto nang sumuko ng dalaga. Unang araw pa lang pero sobrang nahihirapan na siya. Pero alam niyang wala siyang panahon na mag-inarte. She had to succeed. She had to become strong.

When it was finally lunch break, parang wala na silang planong kumain. Ang hirap nang humakbang.

"He's killing us. Ganyan ba talaga si Knight Blood?" bulong ni Kilmar habang literal na hinihila nila ang kanilang mga paa.

"Sshhh.... Bawal magreklamo," sabi naman ni Kruz na mukhang namumutla.

"Okay ka lang?" tanong naman ni Kilmar sa lalaki.

"Oo naman. Pagod lang," sagot ni Kilmar na may kasama pang matamis na ngiti.

Napangiti na lang si Fenris sa sweetness ng kanyang mga bestfriends. Sana naman makahanap siya ng ganyang klaseng relationship. Pumasok sa isip niya si Knight Blood at agad siyang namula. Agad siyang umiling at pilit na kinalimutan ang nangyari sa kanila kaninang umaga. Besides, he didn't even give her a glance during their training. He totally ignored her like he didn't know her.

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon