Fenris had her burned shoulder checked the next day and she was cleared by the doctor. It was totally healed.
"Kung gusto mo, we can start planning the reconstructive surgery," nakangiting sabi ng doctor. He was in his forties and he was kinda good-looking.
Iginalaw ni Fenris ang kanyang braso. "Hindi naman po ito makaapekto sa galaw ko, 'no?"
"Fortunately, no. You just have a big scar."
Ngumiti si Fenris. "Then I'll keep my scar po, doc. Maraming salamat po."
May pagtataka sa mukha ng doctor pero tumango na lang ito. "Then, good luck, Apprentice Paynes."
"Salamat po."
Nang makalabas ng infirmary ay dumeretso siya sa opisina ng Grand Knight dahil ipinatawag siya nito kanina habang tsine-check s'ya ng doctor.
Ayaw n'ya pa sanang makausap o makaharap ito pero wala naman siyang choice.
"Come in," sabi ng Grand Knight pagkatapos niyang kumatok.
"Magandang umaga po," aniya saka yumuko.
The Grand Knight was wearing a black button down shirt. Nakakapanibago na makita itong hindi nakasuot ng gold cloak nito.
At sa kanan ng Grand Knight ay stoic na nakatayo si Master Knight Hood. Nakasuot ito ng itim nitong cloak pero hindi nakataas ang hood nito kaya kita niya ang walang emosyon nitong ekspresyon. Deretso lang ang tingin nito.
"Ah, Apprentice Paynes. Sit down, sit down," agad na ngumiti ang Grand Knight.
Mabilis na naupo si Fenris sa upuang nasa harapan ng desk nito. Pakiramdam n'ya kasi ay bibigay ang mga tuhod niyang bigla na lang nanginig. "Ipinatawag n'yo raw po ako."
Isang malaking ngiti ang isinagot ng Grand Knight. "I heard your burn is already healed?"
Tumango siya. Hindi niya maiwasang maisip ang kweba kung saan naiwan ang tatlong homeless people.
Homeless people. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ma-absorb ang katotohanang iyun.
Sinulyapan niya si Knight Hood pero hindi man lang ito nag-flinch. Humihinga pa ba ito?
Tumikhim siya bago sumagot. "Opo. Knight Blood's salve is a miracle worker."
"Good, good. He is always reliable," nakangiting sagot ng lalaki. "How's training?"
"Uhm, hindi po ako masyadong nakapag-train dahil sa injuries ko. I trained with Knight Blood one time and I think I'm getting the hang of it."
"Oh, I didn't know Knight Blood does one-on-one training with an Apprentice," tumaas ang kilay ng Grand Knight saka lumingon kay Knight Hood. "Are you aware of this?"
Saka lang kumilos si Knight Hood. "Actually, Grand Knight, I told Knight Blood to train with Apprentice Paynes. She went with me to the town to shop for some necessities but we didn't have time so she was a little upset. I asked Knight Blood to help her blow off steam."
Gustong mag-react ni Fenris. Para kasing lumabas na isa siyang spoiled brat na nag-tantrum dahil hindi siya nakapag-shopping.
"I see. What necessities? I thought we have everything here in the castle. I ordered the staff to make sure that we have everything we need."
"Uhm," saka lang siya tiningnan ni Knight Hood na para bang hindi ito komportable sa topic. "Uhm, just women necessities po, Grand Knight."
Napansin ni Fenris na namumula ang mukha ni Knight Hood kaya gusto niyang matawa. Buti nga hindi ito komportable.
BINABASA MO ANG
The Knights of St. Harfeld
VampirosMula pagkabata ay gusto nang mapabilang ni Fenris sa Order of the Purple Lily, ang elite military force ng continent ng Narguille. Pero merong isang problema. She was a girl. And girls were not allowed in the order. Pero paano kung nagkaroon siya n...