45- A Broken Heart Isn't Fun

699 50 5
                                    

Nakatingin lang si Fenris sa cup na may lamang kape habang nasa kabilang side ng mesa si Elliot na nakatingin naman sa mga kamay nito.

"Hindi ko akalain na magagawa 'to ni Kruz. Mas makakapaniwala pa akong ako ang nagtraydor..." wala sa sariling sambit ni Elliot at nang may ma-realize sa sinabi ay napabuntung-hininga ito.

Sa mata ng Grand Knight at ng Order, Elliot was a traitor. Depende kung kaninong point of view ang titingnan.

"We will be outnumbered. Napakalaking disadvantage," dagdag pa nito na mukhang stressed na stressed.

"Listen, Elliot, gusto kong malaman mo na pinapatawad kita sa mga ginawa at sinabi mo sa akin dati at binibigyan kita ng pagkakataong gumawa ng tama. I know hindi maganda ang samahan natin dati, I just hope that were are fighting on the same side now," mahabang litanya ni Fenris at agad namang tumango ang lalaki.

"Salamat, Fenris. I'm on your side. Hindi na ako bulag. Tutulong ako para sa bayan natin."

Napangiti ang dalaga. Mahirap magpatawad. Sobrang hirap. But it was liberating. Ginawa ito ni Fenris hindi lang para kay Elliot kundi para na rin sa kanyang sarili. Gumaan talaga ang pakiramdam n'ya.

"Let's study spells together then," aniyang nakangiti pa rin. Nagliwanag naman agad ang mukha ni Elliot.

Marami ang mga kabataang nadismaya sa bagong desisyon ng evacuation. Marami kasi sa kanila ang gustong lumaban. Akala nila madali kasi nga kaedad lang naman ng mga ito sina Fenris at Elliot.

"This decision is final. The Sentries will see you to your assigned ship," ani Juy na nakatayo sa isang may kalakihang bato at pinalibutan ng mga kabataan na gusto sanang mag-Channeling.

Walang nagawa ang mga ito kundi ang sumunod sa paggiya ng mga Sentry na kasama ni Cole.

"They're leaving today," ani Juy nang bumaling kina Fenris, Maryan, Linus, Cole at Elliot.

"Our sister's ships are arriving tomorrow," sabi naman ni Cole. "Mas mapapadali ang evacuation. We are sending ships to other provinces as well."

"Maraming-maraming salamat, Sentry Bloodworth," madamdaming sabi ni Warin kaya lumapit si Fenris sa ina para yakapin ito.

"Sumama ka na sa amin, Fenris," may pagsusumamo sa boses ng kanilang ina kaya nanikip ang dibdib ng dalaga. Ang sakit sa lalamunan 'pag nagpigil ng iyak.

"I can help them here, Ma. Kaya ko 'to," sagot niya sa ina. Hindi siya sigurado kung gaano kalaki... o kaliit ang maitutulong n'ya pero tutulong siya no natter what. Their side needed more fighters.

"We can fight with you. The Sentries, I mean," ani Cole.

"No. Sapat na ang evacuation na tulong ninyo. This is not your war. Go home," mariing sagot ni Maryan.

Umakbay si Cole kay Linus. Mahigpit iyun. "My brother's war is my war. Family is everything. I mean, you will do anything for Fenris, right?"

"Of course," mabilis na sagot ni Maryan saka tiningnan si Fenris na tahimik lang sa tabi ni Linus.

"See?" nakataas-kilay ni Cole.

"Haay," 'yun lang ang nasabi ni Linus bago tinanggal ang pagkaka-akbay ng nakakatandang kapatid. "Cole, you go with the evacuees. They need your protection. Mas mapapanatag ako kapag kasama ka nila. I know you will protect them."

Kunut-noong tinitigan naman ito ni Cole. "I'm so proud of you, little brother. I'm proud of what you've become kahit hindi talaga kami ang nagpalaki sa'yo," may lungkot sa boses ni Cole habang sinasabi 'yun.

Napangiti si Fenris habang nakatingin sa magkapatid.

Mahigpit na niyakap ni Cole si Linus at gumanti naman ang huli. "Tapusin mo na ang misyon na 'to para makauwi ka na kina Mommy at Dad. Para makauwi ka na sa amin."

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon