Fenris, Linus and Mr. Meadows started their walk back to the encampment before sunrise. Isang oras na silang naglalakad at lahat sila ay pagod na.
"Aren't you a vampire? Bakit pawis na pawis ka? Napapagod din pala kayo kapag naglalakad?" ani Mr. Meadows at dinig na dinig ni Fenris ang bawat paghingal nito.
"Well..." nakita ng dalaga ang pagsulyap ni Linus sa kanya bago nito muling binalingan si Mr. Meadows, "I haven't fully recovered yet from my exhaustion yesterday."
Natigilan ang dalaga. Oo nga 'no? Bakit hindi n'ya naisip 'yun? Matagal bago gumaling ang sugat ni Linus kahapon. Namumula pa rin ang balat nito nang sa wakas ay gumaling iyun. And he didn't have blood the whole time they were traveling.
Tumigil siya sa paghakbang at agad siyang tiningnan ng binata.
"You can have some..." aniya pero umiling lang ito.
"I'm fine. We have to keep going," sa halip ay sabi nito at muling humakbang.
Napabuntung-hininga si Fenris. Matigas din ang ulo eh.
"Malayo pa ba tayo?" tanong uli ni Mr. Meadows.
"Two more hours," sagot ni Linus.
Mas nanghina si Fenris sa narinig. Mas nakakapagod. Alam naman niya kung gaano kalayo pa ang lalakarin nila pero mas nakakapanghina ng loob kapag paulit-ulit na pinapaalala. Si Mr. Meadows kasi, tanong nang tanong.
"Stop!" biglang sabi ni Linus at agad naman silang tumigil. Hindi ito kumilos nang ilang segundo na para bang nag-freeze ito.
"Ano'ng..."
"Back into the woods," matigas na utos ni Linus at hindi na naghintay si Fenris ng pangalawang salita. She ran into the woods kasabay si Linus.
Mabilis din namang sumunod si Mr. Meadows kahit na nakarehistro sa mukha nito ang pagkalito.
"Magtago kayo."
Sabay-sabay nga silang nagtago sa mga puno roon.
Ano ba talagang meron?
Sinulyapan ni Fenris si Linus na nagtatago rin sa likod ng isang puno. Nakikinig nanaman ito sa paligid.
"What's happening?" malakas na bulong ni Mr. Meadows.
At tila sagot sa tanong nito, narinig ng dalaga ang tunog ng makina ng sasakyan na papalapit. No, tunog ito ng sunud-sunod na mga sasakyan. Maraming-maraming sasakyan.
Napalingon siya kay Linus at nakita niyang nakapikit ito at nang bigla itong nagmulat ay nagulat pa siya nang makita ang mapupula nitong mga mata.
He was straining himself. Normally, kapag nakikinig ito sa paligid, hindi naman nito kinailangang ilabas ang vampire appearance nito.
Walang pagdadalawang-isip na tumakbo si Fenris papunta kay Linus at agad itong niyakap.
"Drink," she whispered.
Hindi na umangal ang binata. Mabilis na nahanap ng bibig nito ang kanyang leeg. Hindi talaga siya masanay-sanay sa sakit na dulot ng mga pangil nito. Para talaga siyang sinusunog nang buhay. Gan'on kasakit pero may kasama namang unexplainable pleasure.
Hindi nagtagal si Linus at agad ding tinapos.
"Okay ka na?" nag-aalala pa rin si Fenris.
Binitawan siya ni Linus at tahimik itong kumuha ng adhesive bandage sa backpack nito. He looked grateful while looking at her.
"Thank you. I feel a lot better," sagot nito saka siya mahigpit na niyakap.
Pareho silang napatingin kay Mr. Meadows nang marinig ang malakas nitong tikhim. This time, hindi siya binitawan ng binata. Hindi na lang sila umimik lalo na nang mas malapit na ang tunog ng mga sasakyan.
BINABASA MO ANG
The Knights of St. Harfeld
VampireMula pagkabata ay gusto nang mapabilang ni Fenris sa Order of the Purple Lily, ang elite military force ng continent ng Narguille. Pero merong isang problema. She was a girl. And girls were not allowed in the order. Pero paano kung nagkaroon siya n...