11- What's Lower Than Lower Class

990 76 3
                                    

It was Fenris' fourth day in the infirmary. She felt better everyday. Dahil siguro iyun sa special salve na ginagamit ng doctor. Nagulat pa siya nang makita ang bote na ipinabigay ni Knight Blood, iyun pala ang salve.

"One of his creations," nakangiting sabi ng doctor.

So, hindi lang magaling na Knight ang lalaki. Magaling din itong herbalist?

"But I only use it on serious injuries. Apprentice Trion didn't have any kasi flesh wounds lang naman 'yung sa kanya," dagdag ng doctor.

Napansin nga niyang may pasa pa nga si Folk n'ong nagpunta ito rito sa infirmary kasama sina Elliot at Big Arm.

"Knight Blood doesn't make a lot."

At dahil nga sa salve na 'yun, four days pa lang ay pakiramdam ni Fenris ay magaling na siya. Her cuts and bruises were gone. Her burn was now a scar. And for some reason, kahit topical medication lang 'yun, abot ang effect sa internal injuries niya.

But she wasn't allowed to go back to her room or to her training yet. Naghihintay pa ang doctor ng order mula sa itaas, meaning sa Grand Knight.

Sa labas ng bintana ay kita niya ang madilim na langit. Ang itim ng mga ulap at kaninang madaling araw pa umuulan.

Minsan lang bumagyo sa Narguille. Iilang oras lang tapos wala na. Their continent almost always had the perfect weather kaya laking pasalamat ni Fenris sa kanilang three gods for blessing them.

But today, the rain had not stopped. Kakaiba ang bagyo ngayon. Parang mas galit.

Iilang katok sa pinto ng infirmary ang nakakuha ng kanyang atensyon. Siya lang ang pasyente roon kaya bakante ang ibang beds na nakahilera sa silid na 'yun.

Bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang matangkad na Knight na siguro ay mga 6'0" ang height and maybe in his early or mid-twenties.

"Hi," bati nito. In fairness, gwapo rin ang isang 'to.

"Good morning po," bati rin niya.

Lumapit ito sa kama n'ya at nakapagtatakang hindi man lang ito gumamit ng hood.

"How are you?" tanong nito, his voice was light. Friendly.

"Uhm, okay naman po," confused niyang sagot.

"Good, good. By the way, I'm Knight Hood," panimula nito kaya napasinghap siya.

Ito si Knight Hood? Well, Master Knight Hood daw sabi ni Kilmar.

Anyway, hindi matanda ang second-in-command?

Gwapo ang second-in-command?

"Apprentice Paynes, are you alright? Nagulat ba kita?" nag-alala naman agad ang Knight kaya pinilig ni Fenris ang ulo para kumalma.

Nakanganga na pala siya kanina at mukhang na-stroke kaya nag-alala ang Knight.

"O-Okay lang po ako, Knight Hood. I mean Master Knight."

For the first time, he smiled. He had light brown eyes, tanned skin and shaved head. His nose was crooked like it had been broken and fixed for a few times pero dagdag pa-masculine pa 'yun and his lips were full and red.

Tumikhim si Fenris.

"I came here to say thank you for saving my life," anito. "I sure don't wanna die yet."

"Walang anuman po. Anyone would do the same."

"Still, you saved me. I owe you. So, in return, I promise to protect you here. And I will mentor you."

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon