28- The Fishermen

905 77 26
                                    

Ang laki pa rin ng ngisi ni Fenris nang bumalik siya sa kanyang kwarto. Hindi siya makapaniwalang napatulog n'ya nang gan'on si Big Arm.

Teka totoo ba 'yun?

Baka nananaginip lang siya ngayon kasi parang ang hirap talagang paniwalaan.

"Ang galing mo, Fen. Proud na proud ako sa'yo," sigaw ni Kilmar.

"Oo nga, Fenris. Sobrang galing mo. Pati sina Elliot at Folk ay hindi makapaniwala," segunda naman ni Kruz.

Well, talagang nangyari nga 'yun dahil nandito ang mga kaibigan n'ya na sobrang saya. Hindi lang 'yun panaginip.

It was a proof that she could do it.

That women could do it. Women could fight just as good as men.

Muling bumalik ang malaking ngiti sa kanyang mga labi saka tila kiniliting bumagsak sa kanyang kama.

"Nanalo ako. Natalo ko si Big Arm," sambit niya.

"See? You're great," sagot ni Kilmar. "I'm so proud of you."

"Thank you, bestfriend," aniyang medyo maluha-luha na. Masyado lang kasi siyang overwhelmed.

"Sunod mo namang matatalo ay isang Knight na," ani Kruz at agad na nakipag-high five si Kilmar dito.

"Tama. Tama," agree ng kanyang bestfriend.

Ngayong natalo na niya si Big Arm, hindi na siya magtataka na maaabot din niya ang level ng isang Knight. Kailangan n'ya lang talagang mag-practice. Hindi siya makakampanti sa level n'ya ngayon. Kailangan n'yang patuloy na mag-improve. Makikita ng mga sexist na mga Knight na 'yun, she would beat them too.

Well, except Knight Blood na isang bampira na nga isa pang witch.

She remembered how he smiled at her awhile ago. That smile was so full of pride. At hindi n'ya mapigilan ang kiliti sa kanyang dibdib.

Bilib din ba ito sa kanya?

Teka, bakit n'ya naiisip ang Knight? Di ba takot siya rito? Di ba nakakatakot ito?

She looked at her friends na parehong mahihinang naghahagikhikan habang kinikiliti ang isa't isa.

She realized one thing. She wasn't really scared of Knight Blood. She was shocked and overwhelmed sa totoo nitong pagkatao but she knew in her heart that he would never hurt her. Ilang beses na ba siya nitong inalagaan at iniligtas?

Yeah, the Knight was dangerous but not to her.

"Hoy, ano ba'ng iniisip mo? Tulala ka r'yan," putol ni Kilmar sa kanyang pagmumuni-muni.

Ngumiti siya. "Nagtataka lang ako kung kelan kayo babalik sa kwarto n'yo para makaligo na ako."

Parehas na natawa ang dalawa pero tumayo naman.

Mabilis na yumakap sa kanya si Kilmar. "I'm so happy for you. At proud na rin."

"Thank you, Kilmar," sagot niya.

Sunod namang yumakap si Kruz. "Gising tayo ng maaga bukas para mag-practice. Before sunrise?"

"Ang daya n'yo. Bantay ako ngayong gabi. Ako ang kapalit ni Big Arm," reklamo ni Kilmar.

"Okay lang 'yan. Bukas ikaw naman ang kasama ni Fenris. Let's go. Good night, Fenris," 'yun lang at naiwang mag-isa ang dalaga.

Nakangiti pa rin siya nang isinara ng kanyang mga kaibigan ang kanyang pinto. She still felt euphoric and just stood in the middle of her cabin for a few minutes.

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon