There was no media, no grand welcome. Tanging isang Knight lang ang naghintay kay Fenris sa bulwagan ng castle nang gabing 'yun. Wala siyang ibang dala maliban sa isang maliit na backpack na naglalaman ng iilang undergarments, t-shirt at pantalon. Hindi n'ya dala ang kanyang mobile phone dahil bawal daw 'yun dito.
This was it. Matutupad na ang pangarap n'ya
"Follow me," biglang sabi ng Knight na sumalubong sa kanya.
Ugh! That voice again.
"Good evening, Knight Blood," bati n'ya rito saka patakbong sumunod sa malalaki nitong mga hakbang.
Napatigil ito at hinarap siya. "How did you know it's me?"
Napalabi ang dalaga. Kailangan talagang itanong 'yun? "Ah, dahil sa boses mo po? Tumatak na po sa utak ko. Parang pamilyar kasi."
Walang sagot mula sa lalaki. Tumalikod na lang ito at nagpatuloy sa paghakbang papunta sa isang corridor bago bumaba sa isang hagdanan na gawa sa bato.
"Ang suplado naman," mahina niyang bulong.
The stairs felt suffocating dahil sa bawat gilid niyun ay matataas na pader na gawa sa bato. May iilang torch lang na nakasabit sa bawat gilid, sapat lang para hindi siya matapilok dahil sa dilim.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya sa Knight na hindi palasalita.
"Your quarters," maikli nitong sagot. At least sumagot. Baka naman ganito lahat ng Knight? Baka bawal talaga sa kanila ang magsalita ng marami.
Pero hindi naman siguro kasi si Grand Knight ay masyadong madaldal.
Hindi na lang siya muling nagtanong lalo na nang maramdaman niya ang biglang pagbigat ng hangin sa parteng ito ng castle. Sa tingin ng dalaga ay nasa ilalim na sila ng lupa kaya wala masyadong oxygen.
The quarters turned out to be a series of bedrooms surrounding a round living room na may dalawang lumang dark couches lang at isang maliit na coffee table. Ang tanging palamuti sa dingding ay ang isang bilog na orasan na nakaharap sa main entrance.
The place was a mess. Ang iingay ng mga nakatambay doong mga lalaki na kaedad lang yata ni Fenris. May iilang nagre- wrestling sa sahig habang walang suot na mga t-shirt, may mga nag-uusap, may mga nagtatawanan, may mga nagbabasa ng libro.
But the moment they saw Knight Blood, they suddenly became quiet. Iyung mga walang t-shirt ay mabilis na nagbihis.
The Knight didn't even say anything pero nag-behave agad ang magugulong mga lalaki.
Alam ba ng mga ito na si Knight Blood iyun? Who was Knight Blood? Bigatin ba ito rito? Bakit ito lage ang sumusundo sa kanya kapag pumupunta siya rito?
"Gentlemen, this is Fenris Paynes. She's a Knight Apprentice just like you so treat her like your equal," anang Knight.
"Opo, Knight Blood," halos sabay-sabay na sagot ng mga makakasama n'ya sa apprenticeship n'ya rito.
Paano nila nakilala ang lalaki? His voice? O baka naman dahil sa tangkad nito. Ito yata ang pinakamatangkad doon.
"Your room is that one," turo ng Knight sa kulay gray na pinto na gawa sa kahoy sa may kanan nila. Iyun ang pinakamalapit sa main entrance ng living quarters.
Tiningnan n'ya muna ang mga kasama saka siya ngumisi nang malaki at kumaway. "Hello, mga classmates. Sana-."
"Go to your room," mababa ngunit matigas ang boses na utos sa kanya ni Knight Blood kaya agad niyang naitikom ang kanyang bibig.
Was he... angry? Ang suplado ha.
Galit ba ito dahil masyadong maingay ang dalaga? Ayaw niyang may magalit sa kanya rito lalo na isang Knight. Mabilis siyang nag-bow at halos takbuhin niya na ang pinto ng kanyang kwarto. Napasandal na lang siya r'on nang tuluyan siyang nakapasok at nai-lock iyun.
BINABASA MO ANG
The Knights of St. Harfeld
VampireMula pagkabata ay gusto nang mapabilang ni Fenris sa Order of the Purple Lily, ang elite military force ng continent ng Narguille. Pero merong isang problema. She was a girl. And girls were not allowed in the order. Pero paano kung nagkaroon siya n...