"Yung Grand Knight nga 'yung iniligtas n'ya. Naku, paniguradong makakatanggap tayo ng malaking reward nito," iyun ang unang narinig ni Fenris nang magising siya. At iyung nagsalita, iyun ang boses ng nakakatanda niyang kapatid na si Maryan.
"Wag puro ganyan ang iniisip mo, Maryan. Dapat ang kapakanan ng kapatid mo ang una mong ikonsidera," matigas na sagot ni Juy.
"I'm just saying lang naman, Pa. Hero na ngayon si Fenris. Mag-take advantage tayo."
"Tumigil na kayong dalawa. Unahin natin ang pag-aalalaga sa kapatid mo, Maryan. Kung bibigyan s'ya ng reward ng Grand Knight, eh di sa kanya 'yun. Hindi sa atin. Hindi tayo kasali dahil hindi naman tayo ang nagligtas sa kanya," mahinahong boses naman ng Mama Warin nila ang sunod niyang narinig.
Teka, bakit hindi niya magawang buksan ang mga mata n'ya? Bakit hindi siya makakilos?
"Mahal, bakit hindi pa rin siya gumigising? Since last night pa s'yang unconscious. Tanghali na oh" dinig ni Fenris ang lungkot sa boses ng mama n'ya.
"Gising na po ako! Mama, gising na po ako!" gusto niyang isigaw pero hindi niya maigalaw ang kanyang mga labi.
Her screams stayed in her head. She couldn't even lift a finger. Hinang-hina ang katawan niya.
Nasa coma ba siya? Teka, bakit naman siya mako-coma?
Gusto n'yang mag-panic pero paano ba mag-panic ang isang vegetable na katulad n'ya?
"Binigyan s'ya ng malakas na pain reliever, Mahal. Kailangan n'ya 'yan para hindi n'ya maramdaman ang sakit," sagot naman ng Papa n'ya. Ang lapit ng boses ng pamilya n'ya kaya pakiramdam niya ay nakadungaw ang mga ito sa kanya.
But wait, sakit? Bakit naman siya makakaramdam ng sakit?
"Third degree burns, right? Oh, my poor baby," and she heard her mother weep.
Third degree burns? As in sunog? So, nasunog siya?
Come to think of it, her right side was so close to the fire in the front seat. Matagal niya kasing nahila ang Grand Knight dahil sa bigat nito.
No, no. 'Wag naman sana ang mukha n'ya. Hindi na nga siya maganda tapos magkakapeklat pa?
"The doctors will try to reconstruct the skin. As much as possible ay mababawasan ang damage."
Nakakaiyak ang lungkot sa boses ng mga magulang n'ya. Gaano ba kaseryoso ang damage sa katawan n'ya?
Narinig n'yang bumukas ang pinto at iilang yapak ng ang pumasok. Natahimik naman ang pamilya n'ya.
"Grand Knight," chorus ng kanyang mga magulang at kapatid.
Grand Knight? The Grand Knight? Nandito ito sa kwarto n'ya? Mas lalong nagpumilit si Fenris na makakilos pero isang drum yata ng pain killer ang ibinigay sa kanya kaya wala talaga siyang lakas para kumilos.
"Oh, my little guardian angel. Kumusta na s'ya?" was that the Grand Knight's voice? Narinig na ng dalaga ang boses nito sa TV at sa church time at mukhang ito nga iyung nagsalita. He sounded so sweet.
"Gising na po talaga ako. Promise," aniya sa isip n'ya.
"She is doing better, Grand Knight. She will wake up anytime soon," boses iyun ng Papa Juy niya.
"Gising na nga ako eh! Hello!" sigaw ng utak niya.
"Well, gusto ko lang magpasalamat sa inyo. You raised a hero. I'm sure you are very proud of her. As a reward for her bravery, I will give her one wish to ask for any thing. Please let me know when she wakes up."
BINABASA MO ANG
The Knights of St. Harfeld
VampireMula pagkabata ay gusto nang mapabilang ni Fenris sa Order of the Purple Lily, ang elite military force ng continent ng Narguille. Pero merong isang problema. She was a girl. And girls were not allowed in the order. Pero paano kung nagkaroon siya n...