20- The Sister and the Crowd

910 65 9
                                    

Hindi makapaniwalang napatitig si Fenris sa kanyang kapatid na mukhang Christmas tree sa puno ng Christmas lights. Kumikinang ang mga alahas sa katawan nito. Halatang mamahalin din ang suot na bestida. She looked very different from the sister she had known.

Pero hindi siya umimik. Hindi niya ipinahalata na kilala niya ang babae lalo na sa harapan ni Knight Blood at ng ginang na ngayon ay halos mag-hyperventilate na.

"Mrs. Tang, sit down," matigas na utos ni Knight Blood at agad namang sumunod si Maryan. Hindi na ito muling tumingin pa sa direksyon ni Fenris na para bang iniiwasan siya nitong tingnan.

Tinatrato ba siya nitong parang estranghero?

Maryan sat as far away as possible from her stepdaughter who was at least thirty years her senior.

"You both know that conflict is strictly forbidden especially in the family. So, why?" panimula ni Knight Blood na hindi nag-abalang umupo. Para lang itong tuod na nakatayo sa gitna ng dalawang babae.

"She married my father for his money. She's despicable," disgust was written all over the woman's face.

"It's not illegal, is it?" taas-kilay namang sagot ni Maryan kaya gulat na napatitig si Fenris sa kapatid.

For real? Hindi man lang ito magde-deny?

Ano ba itong nangyayari sa kapatid n'ya? Kinain na ba talaga ito ng ambisyon nito?

"See? See?" ang laki ng mga mata ni Ms. Tang. Nanginginig ito sa sobrang galit.

Sino ba naman kasi ang hindi?

Ngumisi lang si Maryan. "Your father is not stupid. He knows."

"So, bakit? Bakit n'ya ginawa sa amin ito? Bakit n'ya ibinigay sa isang gold digger ang kayamanan na dapat ay sa aming mga kadugo n'ya?" muli nanamang tumaas ang boses ng babae.

"Because he already gave you a lot to start your own empire. He made sure that all of you started right. Tingnan mo ang mga kapatid mo. Lahat sila sobrang yaman. Your oldest is even richer than your father now. Ikaw, ano'ng nangyari sa'yo? Bakit pa- bankrupt ka na ngayon? To think na parehas kayo lahat ng natanggap na capital?" taas-kilay na tanong ni Maryan. May naglalarong nang-uuyam na ngiti sa mga labi nito.

Gusto itong sigawan ni Fenris. Kelan naging ganito ka-heartless ang kapatid n'ya? Dapat ba ay hindi siya umalis?

Dahan-dahang huminga ng malalim ang dalaga. She realized, wala naman siyang magagawa para pigilan ang nakakatandang kapatid na dati pa man ay materialistic na.

"Turns out, walang sense of fashion ang mga tao sa Narguille," asik ng ginang.

Tumawa si Maryan. "May ibang clothing lines pa rito sa Narguille. They're successful. Ang sabihin mo, your brand is just bad. You just suck," walang gatol na sabi ni Maryan kaya muling napatayo ang ginang.

"At ikaw? Ano ang ginawa mo to deserve my father's wealth? Open your legs?"

"Oh, honey, I have never opened my legs for your father. He just wants my company. I am fun like that."

"Alright, alright," umawat na si Knight Blood. Umabot na kasi sa open legs ang topic. "Ms. Tang, legally, Mrs. Tang has not done anything wrong. Her marriage to your father is binding. As for what Mr. Tang had done, it is also legal. It is his money after all. He can do whatever he pleases. He can burn it, bury it, throw it away or give it to his wife."

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon