41- Lifeless

837 65 11
                                    

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Fenris bago humakbang palapit kina Linus at Reid na kasalukuyang nag-uusap nang seryoso.

"I'm ready," pag-i-interrupt niya kaya gulat na napatingin sa kanya ang dalawa.

"Good. Reid and I were discussing some plans. We have to be vigilant. Paniguradong may mga Knights o witches na nagroronda sa Saas," seryoso pa ring sabi ni Linus. Ni hindi siya nito tiningnan nang matagal. He was so cold.

Tsk. Nasaan na 'yung Linus na sweet sa kanya? Gan'on ba talaga kalaki ang kasalanan n'ya para tratuhin s'ya nang ganito? Masyado itong indifferent ha. Kasalanan ba niyang maging desperado dahil sa sitwasyon nila ngayon?

"We will discuss everything in the truck," sabi naman ni Reid sa kanya. Isa pa ito sa mga issues n'ya. Dapat ba talaga nilang pagkatiwalaan ito?

"Linus!"

Sabay-sabay silang napalingon kay Cole na humahangos palapit sa kapatid. Ang laki ng ngisi nito na para bang nanalo ng lotto.

"What?" walang ganang tanong ni Linus.

"Nanganak na si Bleik! Babae. Nagpunta ako sa limbo to meet Tiana and confirm the arrival of the airships. Sinabi n'ya sa akin ang balita. You better come back alive. Naku! Paniguradong kamukha ko ang baby."

Napangiwi si Fenris sa narinig. Iyung Tiana ay kapatid yata ng dalawa. At 'yung Bleik ay asawa yata ng isa pa nilang kapatid na lalaki, iyung kakambal ni Tiana. Deus yata ang pangalan n'on.

"That is very suspicious, Cole," ani Fenris kaya kunut-noo siyang nilingon ng magkapatid.

"You were saying something, mortal girl?" ani Cole. May gana pa talagang mang-inis.

"Yeah! Sabi ko suspicious kasi kamukha mo ang anak ng kapatid mo. Ikaw ba ang tatay?"

Si Cole naman ngayon ang napangiwi. "Ew! Bleik is beautiful and all pero hindi ko 'yun hahawakan. Hindi ako ahas. Linus, ibigay mo 'to sa Grand Knight ha. Siguraduhin mong hindi na ito makakabalik nang buhay!"

Natawa na lang si Fenris. Loko-loko talaga ang lalaking 'to.

Pero hindi tumawa si Linus. Seryoso pa rin ito. "I'm happy for them. I haven't met Bleik yet but I'm sure she's wonderful and Deus is ecstatic. But for now, we have to focus on our task. I will celebrate with them when I go back to Vergaemonth."

"I'll make sure na makakauwi ka na sa atin as soon as possible," ani Cole saka niyakap ang bunsong kapatid. "Mag-iingat ka."

Tumango si Linus saka tinapik sa balikat si Cole. "Start the evacuation."

"Yeah."

Doon natapos ang pag-uusap ng magkapatid dahil sumampa na sa driver's seat si Linus.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay sobrang naging mabigat ng pakiramdam ni Fenris.

Linus was leaving her. Not once did he mention of taking her to his homeland. Not once did he make plans of having a future with her.

What was she thinking? Bakit hinayaan niya ang sariling mahulog dito kahit na nasa ganito silang sitwasyon?

"Ah, Fenris, you want to take the shotgun seat?" agaw ni Reid sa atensyon.

Huminga nang malalim ang dalaga para bawasan ang pamimigat ng kanyang pakiramdam. Hindi ito ang tamang panahon para mag-drama. May mas importante siyang dapat pagtuunan ng pansin- and it wasn't her heart.

Padabog na sumakay si Fenris sa backseat. Ayaw na muna niyang mapalapit kay Linus. Nasasaktan kasi siya.

Nagkibit ng balikat si Reid saka sumakay na sa tabi ni Linus.

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon