42- Red

805 73 16
                                    

"I'm sure he's alright. Baka nagkasalisi lang kayo, Mr. Meadows," si Reid iyun. Pilit nitong pinapakalma ang lalaki na mukhang magwawala na anumang oras.

"Pero iba ang kabang nararamdaman ko. Sa tingin ko ay may nangyaring masama sa anak ko," isa-isang tumulo ang mga luha ng lalaki. Dahil sa malakas nitong boses ay hinila ito ni Linus para magtago sa eskinita.

"Kumalma kayo, Sir. Hahanapin natin si Kilmar. Pero sa ngayon, kailangan muna naming gawin ang misyon namin," ani Linus.

"Misyon?"

"May ire-retrieve po kaming ilang mga bagay sa penthouse ng mga Tang," mabilisang explain ni Fenris. Tama si Linus. Kahit na kinakabahan ang dalaga ay kailangang mag-focus sila sa misyon na nasa harapan nila ngayon.

But she would definitely follow Kilmar and Kruz. Kailangang mahanap niya ang dalawa bago pa man mapahamak ang mga ito.

"A-Ano'ng magagawa ko para makatulong?" ani Mr. Meadows.

Nagkatinginan sina Linus at Reid na tila ba iisa lang ang naisip na ideya. Tumango ang una.

"You can find us a getaway car," ani Reid. "Make sure na walang makakapansin sa inyo. Hintayin n'yo kaming lumabas ng Tang Tower."

"And please, make sure the car is fast. Ayaw po nating mahuli," dagdag ni Linus.

"Sige. Sige. Maghahanap na ako ngayon din," ani Mr. Meadows bago binalingan si Fenris. "Hija, mag-iingat ka. Hahanapin pa natin si Kilmar pagkatapos nito."

"Opo. Kayo rin po. Mag-iingat kayo. Maraming mga pakalat-kalat na kalaban," sagot ng dalaga.

"Basta mag-abang na lang po kayo sa main entrance," dagdag pa ni Linus.

"Sige. I'll see you all later," at umalis na ang lalaki. Payuko pa ang ginagawa nitong paghakbang at nagtatago sa likod ng mga kotseng naroon bago patuloy sa pag-alis.

"Alright. Have your weapons ready," ani Linus na kay Fenris nakatingin.

Fenris made sure that she held her daggers tight. Ayaw n'yang mawalay sa kanyang weapons lalung-lalo na ngayon. Kung wala ang mga 'yun, ano'ng laban niya sa mga masasamang witches?

Reid had a sword at alerto itong nagmamasid sa paligid. Fenris almost forgot that these two men were soldiers. They were trained to fight for many years. And they were both witches. Kahit na marami ang kanilang mga kalaban, Fenris realized that they had a chance to pull off this task.

"Let's go," bulong ni Linus kaya agad na sumunod si Fenris dito. Nasa huli naman si Reid para tingnan ang likuran nila.

Napadaan sila sa isang eskinita at laking gulat ng dalaga nang may makitang nakahandusay na dalawang lalaki roon. At kita niya ang leeg ng isa. May bitemarks ito at tumutulo pa ang dugo mula sa dalawang butas sa gilid ng leeg nito.

Napatingin si Fenris kay Linus na nasa unahan. Did he do that? They were probably harassing Mr. Meadows kaya ito iniligtas ni Linus.

Itinaas ni Linus ang kanang kamay at agad silang yumuko at nagtago sa likod ng isang van. Hindi nagtagal ay narinig nila ang tawanan ng iilang mga kalalakihan.

"Naalala n'yo last year, 'yung matandang babae na iyak nang iyak kasi pinugutan ni Grand Knight ang asawa n'ya?" ang lakas ng tawa nang maysabi n'on.

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon