17- Nice to Meet You 2

914 74 20
                                    

The door burst open at bago pa man maka-react si Fenris, mabilis na kumilos ang Knight at sa isang iglap ay nasa ilalim na siya at nasa ibabaw niya ang lalaki-making sure that his comforter was covering her face from the door.

And lo and behold! This young man on top of her...

She had never seen such a handsome human being before!

His black hair was a little long with big waves. Ang tangos ng ilong nito na para bang perpekto iyung nililok ng isang magaling na iskultor. His lips, mapupula ang mga iyun na para bang ang sarap...

"What are you doing here, Isother?" napatigil si Fenris sa pag-oobserba sa lalaki nang bigla itong nagsalita. His aqua blue eyes were looking straight into her soul kahit na hindi naman siya ang kausap.

Bakit titig na titig ito sa kanya?

Bakit hindi siya makahinga nang maayos?

"Ah... a-ano..." Elliot couldn't find the right words to say.

"Do you need anything?" mababa pa rin ang boses ng Knight at kalmado ang mukha nito na kay Fenris pa rin nakatuon.

Napalunok ang dalaga. Parang hinihigop nito ang kanyang life source. What the hell lang. Sunud-sunod ang mura ng dalaga sa kanyang isipan lalo na nang mag-init ang kanyang mukha.

"If you're done here, you can leave now, Isother."

"Ah... o-opo, Knight," narinig ni Fenris ang mga hakbang palayo nina Elliot.

"Isother, give me my key. And close the door."

"Opo."

Nakita ni Fenris na iniangat ng Knight ang kaliwang kamay nito at nasalo ang susi nang hindi man lang tumitingin doon.

Kasunod niyun ay ang pagsara ng pinto.

Muling napalunok ang dalaga.

"So..." kumunot ang noo ng Knight.

"Knight Blood?" tila bangag na bulalas ni Fenris. Kahit alam niyang ang Knight nga 'yun dahil sa boses nito, gusto n'ya pa ring i-confirm.

He raised his left eyebrow. "Yeah. What are you doing here?" bahagyang bumaba ang mukha nito kaya agad na nanlaki ang mga mata ni Fenris.

She suddenly became aware that this boy was on top of her and that he was naked! Well, half-naked dahil may jogging pants naman itong suot.

"Ikaw ang what are you doing uy!" aniya saka malakas na itinulak ang lalaki.

But he was too strong to budge.

"Alis, alis!" malakas niyang sabi. "Personal space po."

"Tsk," he got up and picked up the shirt on the back of a chair. "Please. Don't forget that you're on my bed. What personal space are you talking about?"

Natahimik naman si Fenris. Tama nga naman. Pero kahit na.

"You're welcome ha. I just saved your life," aniya saka padabog na bumangon pero hindi naman bumaba ng kama. Ang lambot kasi. Ibang-iba sa kama niya.

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon