"Absolutely not! Hindi ka namin iiwanan dito!" tila kulog na dumagundong ang boses ni Draven Brigham. Halos mayanig pa ang buong encampment dahil doon.
Nagkatinginan sina Fenris at Linus pero agad na nagbawi ng tingin ang una dahil sa intimidating na aura ng binata.
"Draven, you have to go back to your family," tila pagod na sagot ni Gregory. Kanina pa ito nagpapaliwanag sa mga kaibigan pero ayaw makinig nina Draven at Ciro.
"No, Greg. We are staying if you're staying. Wala tayong iwanan. We made that promise more than three hundred years ago at wala kaming balak na talikuran ang pangakong 'yun," sabi naman ni Ciro.
Hindi na lamang sumagot si Gregory at napabuntung-hininga na lamang. Binalingan nito si Cole na tahimik lang na nakatayo sa sulok ng office tent.
"Sentry Collier, kaya mo bang i-evacuate ang lahat sa loob lang ng ilang araw?"
Kumunot ang noo ni Cole sabay iling. "Limang airship lang ang dala ko. Each one can carry about fifty people so, that's about two hundred and fifty only each trip. I need more time."
"Paano 'yan? Kailangang makaalis ang lahat maging ang mga nasa probinsya ng Lower Class," nag-aalalang tanong ni Maryan. Kung may magagawa lang sana ang pera ng kanyang asawa sa sitwasyon nila ngayon.
"Na-contact ko na ang nakakatanda kong kapatid sa Blackbourne. Sila ang manufacturer ng airship. Magpapadala sila ng thirty more ships. Mga apat na araw pa bago makakarating ang mga 'yun. Blackbourne is farther than Vergaemonth," dagdag ni Cole.
"That's good news then. I think we have time," ani Linus. "The Grand Knight is moving slower than I anticipated. Iisang rason lang ang nakikita ko. This was for the dramatic effect. He loves that. Because of his slow actions, people tend to see his antics more and clearer. Mas nakakatakot kapag nakikita ng mga mamamayan ang details ng kasamaan ng Grand Knight."
"Lahat naman ng ginagawa ng Grand Knight ay dramatic," nakasimangot na komento ni Maryan.
Kung hindi lang sana naglihim ang pamilya n'ya, hindi sana nasayang ang energy ni Fenris sa pag-idolo sa Grand Knight. All those years na sinamba n'ya ito ay nasayang lang.
"The three of us are going to face the Grand Knight," tila pinal nang sabi ni Draven Brigham. Hindi talaga sanay ang magkapatid na Cole at Linus na may makikilala silang seryosong Brigham. Ibang-iba kasi ito kina Matteo at Malik Brigham. Siguro dito namana ni Adamson, ang younger brother ni Malik, ang pagiging seryoso.
Exasperated na bumagsak na lamang ang mga balikat ni Gregory dahil sa katigasan ng ulo ng kanyang mga kaibigan. And he couldn't blame them. He would do the same for them.
Noon naman pumasok ng tent sina Juy at Warin kasama sina Reid at Elliot. Agad na napasimangot si Fenris nang makita ang dalawa.
"Oh, nandito pala kayong lahat," tila nagulat pa si Juy. "Buti naman. Pag-uusapan natin ang Channeling ceremony."
"Pero bago 'yan," sabi naman ni Warin. Naaawa na si Fenris sa kanyang mga magulang. Mukhang pagod na pagod na ang mga ito sa pagma-manage ng encampment na ito. "Gusto lang namin na malaman ninyo na na-contact namin ang ilang provinces. Handa na sila para sa evacuation. Nagtatago ang karamihan sa labas ng kanilang mga bayan para hindi sila agad mahanap ng Grand Knight. Ibinigay na nila sa atin ang kanilang coordinates."
"How about Kilmar and Kruz, Ma?" tanong ni Fenris. Sobra na siyang nag-aalala para sa mga kaibigan. Wala pa rin siyang balita mula sa dalawa.
"Unfortunately, hindi pa sila nakakarating sa bayan ng Papa ni Kilmar. Nakausap namin ang mga taga-roon. Wala pa raw ang mga kaibigan mo, anak. Sa ngayon ay nagtatago sila sa gitna ng gubat hindi malayo sa province nila."
BINABASA MO ANG
The Knights of St. Harfeld
VampirMula pagkabata ay gusto nang mapabilang ni Fenris sa Order of the Purple Lily, ang elite military force ng continent ng Narguille. Pero merong isang problema. She was a girl. And girls were not allowed in the order. Pero paano kung nagkaroon siya n...