23- Blood

957 74 22
                                    

One month and one week. Bilang na bilang ni Fenris ang mga araw na nasa Harfeld castle siya. Araw-araw ay sumasailalim siya sa rigorous training kaya dahan-dahan nang nasanay ang kanyang katawan sa mga bugbog at pasa.

Mahirap maging Apprentice pero sa tuwing nasasangga niya ang mga suntok at sipa ng kanyang sparring partners ay nararamdaman niyang worth it ang lahat.

Isa pa, kung wala siya roon ay paniguradong bulag pa rin siya sa totoong nangyayari sa kanyang mahal na Narguille. She would still follow and love the Order blindly.

"Isother! Paynes!" sigaw ni Knight Barret na siyang nag-fa-facilitate ng kanilang weapons training nang araw na 'yun. "Sa gitna!"

Agad na lumipad ang tingin ni Fenris kay Elliot at agad niyang nakita ang nang-iinis nitong ngiti. Dati, takot siya sa one-on-one combat training nila pero ngayon, na-realize ni Fenris na nakaka-enjoy pala.

"Kaya mo 'yan," bulong ni Kilmar na katabi niyang nakaupo sa lapag. Sa kabila nito ay si Kruz na nakangiti sa kanya.

Tumayo si Fenris saka sabay na pinaikot sa kanyang mga kamay ang hawak na dalawang daggers. One foot lang ang haba ng mga 'yun kaya mas madaling i-handle.

Nasa bailey sila ng castle kung saan palaging nagti-train ang mga Apprentice. Malawak ang lugar na napapalibutan ng batong pader.

Ngumisi si Elliot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ngumisi si Elliot. Alam na ni Fenris ang weapon of choice ng lalaki. May suot itong special leather gloves kung saan naka-attach ang matutulis na tatlong metal claws sa may knuckles. Six claws would tear her to pieces kung hindi siya mag-iingat.

"Turuan mo ng leksyon ang babaeng 'yan, Elliot," sigaw ni Folk na sinundan ng cheers ng mga kasama nito.

Umikot ang mga mata ni Fenris.

Alright, aaminin niya, Elliot was a dangerous opponent. Magaling itong makipaglaban dahil six years na ito bilang Apprentice kumpara sa kanya na one month and one week pa lang.

Kaya sasamahan n'ya ng utak ang pakikipaglaban. She noticed that Elliot likes to attack na para bang wala na itong panahon para mag-isip ng strategies and techniques. Iti-take advantage niya ang kahinaang 'yun.

"Ready!" sigaw ni Knight Barret. "Fight!"

At tulad nga ng inaasahan, unang umatake si Elliot. Sunud-sunod ang atake ng mga metal claws nito kaya maingat na umiwas ang dalaga. Ginamit din niya ang kanyang daggers para panangga.

Tumalon siya paatras at halos isang segundo lang ay nakasunod na ang lalaki. Walang tigil ito sa pagwasiwas ng mga claws nito na kumikinang sa tulis.

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon