8- A True Friend

1K 83 15
                                    

Na-miss nina Fenris at Kilmar ang orientation kaya binigyan na lang sila ng handbook at magkakaroon sila ng oral quiz mamayang gabi sa harap mismo ng Grand Knight. Yes, may handbook at may pa-quiz.

Plus, hindi pa tapos ang punishment sa kanila. They had to clean the library. So, paano pa sila makakapag-aral?

At kumusta naman ang library na puno ng alikabok at cobwebs? Napakaraming libro pang naka-pile sa sahig na halos wala na silang maapakan.

"Sinadya nilang gawin 'to para hindi tayo makapasa sa test mamaya," nakatiim-bagang na sabi ni Kilmar. Sa kanang kamay nito ay ang bucket na may tubig, sa kaliwa ay mop, at sa kanang kili-kili ay nakaipit ang kulay itim na handbook.

"Wag mag-alala, mahal kong kaibigan. Kaya natin 'to," itinaas ni Fenris gamit ang isang kamay ang hawak na duster, walis at dustpan.

"Paano? Alas-dos na ng hapon at seven o'clock ang test," sinipa ni Kilmar ang isang pile ng mga lumang libro at biglang sumabog ang alikabok kaya sabay silang napaatras.

"Habang naglilinis ako, magbasa ka ng malakas. That way, sabay tayong makakapag-aral while cleaning. Kapag time mo nang maglinis, ako naman ang magbabasa ng malakas. See? Easy!"

Kilmar grinned. Alam ni Fenris, proud na 'to sa talino n'ya.

"How about ako lang ang maglilinis ng buong library. Umupo ka na lang at magbasa."

Aangal na sana siya pero itinaas ni Kilmar ang palad at iniharap iyun sa mukha n'ya.

"Matatagalan lang tayo lalo dahil iisang kamay lang ang magagamit mo."

At 'yun nga ang ginawa nila. He dusted the whole room, swept the floor and made sure that all corners were free of dust and cobwebs while she read the handbook out loud. Kapag may tanong ito ay saka lang ito umi-interrupt para mabasa niyang muli ang nakakalitong parte.

It took him three hours to make the room clean. Pinunasan pa nito ang mga librong nasa shelf at sahig. Dust free. Halos kuminang ang lahat. Parang mga ngipin lang nito.

"I'll just move the books to the table," sabi nito saka inilipat iyung mga librong nasa sahig sa mga mesang naroon. "Let's continue cleaning and studying ," anang bestfriend n'ya saka ito nag-mop ng sahig at si Fenris naman ang nagptuloy sa pagbabasa.

"Kailangan mo ng tulong?"

He looked at her, pouting. "Pwede ikaw na dito?"

Nanlaki ang mga mata ng dalaga saka niya ito inirapan. Magpa-cute ba naman?

"I will continue reading now," sabi na lang niya kaya natawa ang kanyang kaibigan at ipinagpatuloy ang pagma-mop.

—-

Walang kahit na anong ingay na maririnig mula sa mga Knights at Knight Apprentices na tuwid na nakatayo sa harap ng trono ng Grand Knight na hindi pa dumarating. Isang oras na itong late pero walang nangahas na magreklamo.

Sino ba naman sila para ireklamo ang kanilang mahal na Grand Knight 'di ba? That would be blasphemy.

But Fenris wanted to move so bad. Ang kati-kati ng mukha n'ya. May iilang hibla yata ng buhok na tumutusok d'on. Her hands twitched a few times but she resisted. Buti na lang talaga nakaligo siya kanina. She had to share the communal shower with the other apprentices kaya kinailangan niyang maghanap ng timing na siya lang mag-isa.

And she felt the itch on her face again.

Bawal kumilos. Bawal kumilos. Paulit-ulit niyang sabi sa sarili. But the more she resisted, the more na kumakati ang mukha n'ya. Para bang lumalala habang pinipigilan n'ya ang mag-react.

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon