37- The Daughter of Terror

929 77 14
                                    

Walang salita na lumabas si Fenris mula sa tent ng kanyang pamilya. She didn't cry. She didn't throw up. She didn't scream.

She didn't know what to do!

She didn't know how to react!

But she knew what she felt!

She was furious!

Galit na galit siya at gusto niyang magwala! Gusto niyang mambugbog. Gusto niyang harapin ang Grand Knight at pagbayarin ito sa lahat ng nagawa sa kanyang pamilya!

"Fenris! Saan ka pupunta?" isang kamay ang pumigil sa kanya habang tumatakbo siya papunta sa main entrance ng encampment.

"Let me go, Kilmar," aniya sabay hablot ng kanyang kamay. Pilit niyang pinipigilan ang kanyang mga luha.

"Ano ba'ng problema? Ano'ng nangyari?" litong tanong ng kanyang kaibigan.

"I want to be alone," aniya saka tinalikuran na ang kanyang matalik na kaibigan.

"Fenris!" tawag pa nito pero hindi na siya muling lumingon pa.

Gusto niyang mag-isip. She wanted peace.

Sa kakahuyan sa labas ng encampment napadpad ang dalaga. Hindi naman siya lumayo. Umupo siya sa katawan ng malaking puno sa tabi ng maliit at malinis na stream. May iilang ingay ng hayop siyang naririnig at nakaka-relax ang marahang ingay ng sapa sa harapan niya.

It was calming.

Naisip niya ang kanyang pamilya.

Kaya pala ayaw magbigay-galang ng kanyang ama at kapatid sa Moment of Silence nila dati. Naalala pa niya na naiinis pa siya dati kapag hindi nagpapakita ng respeto ang ama at kapatid. Ang Mama naman nila parang napipilitan lang na magdasal sa kanilang Moment of Silence.

She didn't know their pain.

If only she knew.

Marahas niyang pinunasan ang kanyang mga luha.

Hindi sinasadyang binalikan niya ang naging pag-uusap nila ng kanyang pamilya kanina.

Fenris was still mad at her family for hiding a very big secret from her. Siya lang 'yung naiwan sa dilim eh. Siya lang 'yung walang alam sa mga plano.

Pero kahit naiinis siya sa sitwasyon ay hindi pa rin niya maikakailang masaya siya dahil sa wakas, after months and months of being away, heto sila ng kanyang pamilya. Kompleto sila. May bonus pa na Linus na mukhang komportableng-komportable at belong na belong sa pamilya Paynes.

"Family meeting ba 'to?" ani Fenris na nakaupo sa cot. Nasa sahig si Linus nakaupo, sa tabi niya. Nakaligo na ito at nakasuot ng lumang puting t-shirt, gray sweatpants at white shoes. He looked so good.

Nakatayo naman sa harapan nila ang kanyang mga magulang at kapatid.

"Yes," sagot ng ama nilang si Juy. Ang saya ng dalaga na makitang mukhang healthy naman ang kanyang mga magulang.

"Eh, nasaan ang asawa ni Maryan? Family meeting nga 'di ba?" ani Fenris at lihim siyang nagbunyi nang makitang lumukot ang mukha ng kanyang nakakatandang-kapatid.

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon