Nakatulugan na ni Mia ang pag-iyak. Pero hanggang sa panaginip ay sinusundan siya ng bangungot kung saan buong puso't kaluluwa niyang inialay ang kanyang puso sa isang taong pilit siyang pinapaalis sa kanilang munting paraiso. Nagising lang siya dahil sa katok mula sa kanyang pintuan.
"Babe?", tawag ng boses na muling nagpaalala sa kanya ng lahat ng sakit na kanyang naramdaman kanina.
Para siyang nagising mula sa kanyang bangungot para lang mapunta sa isa na namang bangungot. Muling nalaglag ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi pa niya ito kayang harapin sa ngayon. Baka madala lang siya sa mga matatamis nitong salita. Kailangan niya munang mag-isip at mag-analisa bago ito kausapin.
"Babe, please open the door. Are you okay?", malambing na tanong nito, tila nag-aalala.
You just broke my heart. Of course I'm not okay.
Panatag siyang hindi nito mabubuksan ang pintuan dahil sinara niya pati ang latch lock.
Maya-maya'y tumunog naman ang cellphone niya. Tumatawag ito. Hindi niya ito sinagot, bahala itong mamuti ang mga mata kakahintay na lumabas siya. Ilang sandaling natigil ang pagkatok nito na siya ding pagsulpot ng mga text nito sa kanya na hindi niya din binasa. Patuloy siyang nagbingi-bingihan hanggang sa tuluyan na itong tumigil sa pagkatok.Sumapit ang gabi at muli na naman itong nangulit na lumabas na siya't kumain pero nagmatigas parin siya. Paano siya makakakain kung kasabay niya sa hapag ang dalawa? Baka masuka lang siya ulit. Kahit nang mag-a-alas nuebe na ng gabi ay muli na naman itong kumatok pero hindi parin siya sumagot.
"Whatever it is, we'll talk it out tomorrow when you're ready. But please, eat even just a little. Promise hindi na'ko mangungulit. I'll stay in my room so you won't see me kung ayaw mo talaga akong kausapin."
Nanatili lang siyang nakahiga sa kama habang nakatitig sa pintuan. Aninag niya ang anino nito sa maliit na siwang sa baba ng pinto kaya alam niyang nanatili itong nakatayo doon kahit ilang sandali na ang lumipas na hindi parin siya sumasagot.
"Good night, babe", maya-maya'y paalam nito bago niya narinig ang mga yabag nito palayo.
She sighed and stood up slowly. She reluctantly went to the door and almost unlocked the latch but she stopped herself. What would she tell him if she talks to him now?
Wag kang marupok, Mia! Hayaan mo siyang mabalisa kakaisip ngayong gabi. Makabawi ka man lang sa sakit na dinulot niya sa'yo.
Bigla niyang binitawan ang latch na para itong nakakapaso at saka bumalik sa kama. Nanatili siya doon hanggang sumapit ang alas diez. Nagsisimula na namang umulan. She felt cold so she donned on her cardigan before she decided to go out. Nagugutom na talaga siya. Siguro naman hindi babaliin ni Max ang sinabi nitong hindi ito lalabas ng kwarto nito para hindi sila magkita. Pero paano kung makasalubong niya si Cleadeth? Bahala na, kumakalam na talaga ang sikmura niya.
Hinay-hinay niyang binuksan ang pintuan at nakiramdam muna kung may ibang tao ba sa hallway bago tuluyang lumabas ng kwarto. Bababa na sana siya sa hagdan nang mapansin niya ang isang bagay na nasa sahig sa tapat ng kwarto ni Max. Kunot-noong sinipat niya ito pero hindi niya maaninag dahil madilim kaya hindi na siya nakatiis at lumapit na doon. Bumagal ang kanyang mga hakbang nang unti-unti niyang maaninag kung ano iyon. Nighties!
Biglang sumikdo sa kaba ang kanyang dibdib. Sigurado siyang hindi kanya iyon at wala namang ibang magsusuot niyon dito maliban kay Cleadeth. Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan sa nanginginig na mga tuhod. Pinihit niya ang doorknob pero naka-lock 'yon. She pressed her ear on the door and listened. Wala siyang naririnig. Aalis na sana siya nang biglang may humagikhik kaya muli niyang inilapit ang tenga sa pintuan.
BINABASA MO ANG
Working Girls Series# 1: Beautiful Nightmare
RomanceMia Catherine Cordova considered herself successful in her career but something wasn't right with her life. She felt lost and empty inside. Madalas niyang maisip ang magpakamatay nalang para matapos na ang lahat ng kahungkagang nararamdaman niya. Ng...