Palutang-lutang siya sa dagat. Ang sarap sa pakiramdam ng tubig. Tama lang ang sikat ng araw, hindi masakit sa balat. Nakakagaan ng pakiramdam ang lamig ng tubig. Pumikit siya at idinipa ang mga braso habang nakalutang sa dagat. Matapos ng ilang sandali ay sumisid siya ngunit pag-ahon niya ay nasa kagubatan na siya. Maraming puno pero iisa lang ang may bunga. Nakakamangha! Hitik na hitik ito sa bunga na maging ugat nito ay meron. Para itong puno ng narra sa laki pero parang cocoa ang bunga.
Lumapit siya't pumitas ng isa. Nakakapagtaka, naging mansanas ang prutas ng ito'y makuha niya. Pumitas siya ng isa pa, gano'n ulit ang nangyari. Napalingon siya ng may marinig na kaluskos at nakita niyang papalapit sa gawi niya ang isang lalaking may mga matang kakulay ng mga dahon sa paligid nila.
Nakakatunaw ang mga titig nito, nakakapanlambot ng mga tuhod. Pero bakit may lungkot sa kanyang mga mata?
Nginitian nya ito at inialok dito ang prutas na kanyang hawak.
"Gusto mo?"
Inabot nito ang kamay niya at kumagat ito sa mansanas na hawak-hawak niya. Nakaramdam siya ng kasiyahan nang makitang hindi na singlungkot ng dati ang mga mata nito at sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
"Masarap ba? Gusto mo pa?"
Inalok niya ulit dito ang prutas pero laking hintakot niya ng pag-angat niya ng kamay ay may dugong umaagos mula dito at gumagalaw ang hawak niya. Pumipintig, tumitibok.
Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. Napatingin siya sa dibdib niya. It's bleeding!
But the pain is bearable. Kaya niyang tiisin basta't makita niya itong masaya. Inalok niya ulit dito ang hawak niya.
"Sa'yo na."
Umiling-iling ito.
"You have to leave now", sagot nito pero kinuha nito ang inalok niya sabay talikod.
Unti unting nagdilim ang paligid. She felt excruciating pain in her chest until she can't breath no more.
Napabalikwas ng bangon si Mia. God! Ano yun? Ang weird naman.
"So much for leaving early in the morning".
Napatingin siya sa nakahalukipkip na si afam sa harapan niya. He's now wearing jogging pants and a gray shirt. Pawisan ito, mukhang galing pa sa work out. Bakit ang hot niya pa rin kahit pawisan siya?
"Get your ass up and be ready to leave. I'll just wash up and then ihahatid na kita sa labasan."
"Ihahatid mo 'ko?"
"Why, do you know the way out of this forest?", parang may paghahamong tanong nito.
"Ahm, hindi. Hehe"
"Psh. Pa-cute pa, ihahatid na nga", bulong nito habang paakyat ng hagdan.
"H-hoy! Hindi ako nagpapa-cute noh", sigaw niya dito. Umiling iling lang ito at patuloy na umakyat hanggang sa hindi niya na ito makita.
Kainis! Nag-hehe lang, pacute agad? Di ba pwedeng nadyahe lang kaya ganun?
Padabog siyang nag-aayos ng gamit nang maramdamang kumakalam na ang sikmura niya. Di pa nga pala siya kumakain mula pa kagabi. Gutom na gutom na siya. Kaya din siguro nanaginip siya ng pagkain dahil sa gutom niya. Sabi kasi nila nakabase sa state ng mind and emotions natin ang ating mga panaginip. And we forget 90% of our dreams the moment we open our eyes. Kaya malamang marami pang pagkain ang laman ng panaginip niya kaso 'yong weird na part lang ang naaalala niya.
BINABASA MO ANG
Working Girls Series# 1: Beautiful Nightmare
RomansMia Catherine Cordova considered herself successful in her career but something wasn't right with her life. She felt lost and empty inside. Madalas niyang maisip ang magpakamatay nalang para matapos na ang lahat ng kahungkagang nararamdaman niya. Ng...