Chapter 46

960 34 3
                                    



Tinawagan na muna ni Max ang caretaker ng isla para kahit papaano ay makapaghanda ng pagkain nila. Nasa kotse pa lang sila ay kumuha na siya ng mga litrato ni Max habang nagmamaneho ito.

"Uy, kami naman. Napaghahalata ka masyado, bor", reklamo ni Melba.

"Sorry naman, bor. Can't help it", natatawa niyang sagot saka kinuhanan ng litrato ang dalawang nasa likod.

Pagdating nila'y mainit silang sinalubong ni mang Kulas. Mas matanda lang pala ito ng konti kay Melba, may kahabaan ang kulot nitong buhok na nakapusod sa likod. Dinala sila nito sa maliit na kubo nito kung saan kasalukuyang nagluluto ang asawa nitong si ate Janet. Napagpasyahan nilang maglakad-lakad muna sa buong isla habang hinihintay maluto ang pagkain nila.

Aliw na aliw si Mia sa pagkuha ng mga litrato sa iba't-ibang bahagi ng isla. Ang ganda kasi talaga ng lugar na lalong nadepina ng papalubog na araw. Higit sa lahat, lalo itong pinaganda ng isang nilalang na siyang laging subject ng mga kuha niya, si Max. Karamihan ay panakaw niya lang kinuha dahil ayaw nitong magpa-picture maliban nalang kung magkasama silang dalawang kukunan ng litrato. Kapag nagpi-picture sila, nagiging extra sweet ito sa kanya. Merong aakbay ito at hahalikan siya sa may sentido o kaya naman ay bigla siyang papangkuin at ipapaikot-ikot sa ere. Sa tingin niya nga ay naumay na si Melba sa kanila. Quota na daw silang dalawa sa ka-sweetan.

"Oh, ako naman. Dito, dito", tawag-pansin sa kanila ni Melba habang kinukuhanan sila ng litrato ni Cara. Nagpa-picture din silang tatlo nina Melba at Cara. Nagpakasawa sila sa pag-pose hanggang sa tumawag si mang Kulas na handa na ang hapunan nila. Syempre pagbalik nila, picture-picture ulit kasama naman sina ate Janet at mang Kulas.

Maraming pagkain ang hinanda ng mag-asawa para sa kanila. May sinuglaw, adobong pusit, kamote, nilagang saging saba at maanghang na bagoong na sawsawan. Meron ding suman na tira sa handa ng kaarawan ni ate Janet kahapon. Tuwang-tuwa siya sa dami ng pagkain. Aliw na aliw sina mang Kulas sa lakas niyang kumain.

"May iba talagang sobrang pinagpala ng Diyos", komento ni Melba habang sinisipat siyang kumakain.

"Oh, wag ng bitter, bor", saway dito ni Cara. "Remember nagre-reflect sa panlabas na anyo ang kung anumang nasa kalooban ng tao."

"Ah, so anong pinaparating mo? Na mukha akong ampalaya?"

"Bakit, hindi ba?"

"Aba, hoy!", duro nito kay Cara na namumula na ang mukha sa pagpipigil ng tawa. "Pasalamat ka mestisa ka. Sige na, kayo na ang anak ng Diyos at ako na ang Diyosa."

Nagtawanan silang lahat sa sinabi nito. Si mang Kulas may paghampas pa sa mesa kung makatawa.

"Kaya nga hindi pa'ko nag-aasawa, walang pang bumabagay sa kagandahan ko."

"Ay, hanep palang kagandahan yan, pang-out of this world", sagot ni mang Kulas sabay tawa ulit.

"Wag ka mang Kulas baka anak mo pa pala ang makakatuluyan ko."

Agad naman itong natigil sa pagtawa saka tumikhim.

"Wag naman. Lahat ng ito'y joke-joke lang naman. Sige, kain pa kayo."

Masaya silang umalis ng isla. Max seemed relaxed and finally back to being himself. Panay ang biruan nila habang pauwi sa bahay nito. She thought this day couldn't get any better. Well, she's right. This day couldn't get any better because the night could get worse.

Nagulat sila nang pagpasok nila sa sala ay may babaeng nakaupo sa sofa patalikod sa kanila. Pero base sa blonde nitong buhok, alam na niya agad kung sino ito bago pa man ito lumingon sa kanila.

Working Girls Series# 1: Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon