Hindi parin matanggal ang ngiti ni Mia habang naglo-lotion sa banyo. Nakaukit parin sa utak niya ang mapayapang mukha ni Max kagabi habang tulog ito. Nanatili muna siya sa tabi nito sandal hindi tulad ng ipinangako niyang babalik agad siya sa silid niya. Hindi naman nito malalaman sa sobrang himbing ng tulog nito. Pero kalaunan ay lumabas din siya sa silid nito. Baka magising pa ito at malamang hindi siya tumupad sa usapan. Baka parusahan ulit siya nito. Sa kabilang banda, parang mas gusto niyang "maparusahan" ulit. Honglonde!
Natatawang nailing siya sa sarili habang nag-a-apply ng lotion sa kanyang legs. Napatigili siya nang mapansing may pasa sa kaliwang hita niya. Akala niya sa braso lang siya nagkapasa. She knew Max was rough last night but she somehow liked it. It really weirded her out.
Bago lumabas ng banyo ay uminom muna siya ng pills. Binigay ito ni Doc Platil nung mismong araw na pumunta ito dito para i-check siya. Hindi nalang niya sinabi kay Max. It's common sense to take contraceptives when you're sexually active but unmarried. Yan ang paulit-ulit na sinasabi ng ate Via niya.
Sabado ngayon pero pinapapasok siya ni madam Julie dahil absent naman siya kahapon. Baka katayin na siya nito kung di parin siya papasok.
Ano na, papasok ka pa ba?
Napangiwi siya sa text nito. Nagmamadaling nag-ayos siya ng sarili at patakbong lumabas ng silid. Muntik pa silang magkabungguan ni Max na papasok sana sa kwarto niya. Agad nagsalubong ang mga kilay nito nang makitang nakaayos siya.
"Where are you going?
"Ahm, papasok sa trabaho?"
Lalo lang kumunot ang noo nito sa sagot niya.
"Must you really work? And it's Saturday."
Binigyan niya ito ng napakatamis na ngiti saka kumunyapit sa braso nito para igiya ito pababa ng hagdan. Bakit ba parang bad mood ito eh nakarating naman ito sa langit kagabi?
"Kailangan ko pong pumasok ngayon kasi absent ako nung nakaraan pati kahapon."
Hinawakan siya nito sa braso kaya natigil sila sa pagbaba.
"I mean you don't really have to work at all. Dito ka nalang."
Bigla siyang ngumisi ditto at piningot ito sa ilong.
"Ikaw ha, nagiging clingy ka na."
Lalo naman itong sumimangot ng magawi ang tingin sa braso niya. Agad nitong hinawakan ang kanyang palapulsuhan at sinipat ang pasa sa kayang braso. Nagtagis ang mga bagang nito at tila galit na napatingin sa mga mata niya.
"Did I do that?"
"Ah, okay lang yan. Di mo naman sinasadya", pag-aalo niya ditto pero lalo lang itong nagalit sa sinabi niya.
"Kahit na!"
Pumikit ito at umayo ng konti sa kanya. He uttered a curse before turning to her again.
"This shouldn't happen again."
"Ang alin?"
"That", muwestra nito sa braso niyang may pasa. "You should never enter my room from now on."
Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib niya sa sinabi nito. He must have seen the hurt in her eyes because he immediately cupped her face with his hands.
"I mostly stay in my room whenever I'm mad and stressed", masuyo nitong paliwanag. "What happened last night must not happen again or I'll end up hurting you. I don't want to hurt you."
Huminga siya ng malalim. Naiintindihan niya ang punto nito pero bakit hindi mawala-wala ang sakit sa dibdib niya?
"Naiintindihan mo naman, 'di ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/168437670-288-k794618.jpg)
BINABASA MO ANG
Working Girls Series# 1: Beautiful Nightmare
RomanceMia Catherine Cordova considered herself successful in her career but something wasn't right with her life. She felt lost and empty inside. Madalas niyang maisip ang magpakamatay nalang para matapos na ang lahat ng kahungkagang nararamdaman niya. Ng...