What if she made a mistake? What if what she heard was just nothing and she got ahead of herself? Baka may paliwanag si Max sa nangyari. Ni hindi man lang niya ito binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Just one misunderstanding and she already went running for the hills. How would that describe her as a partner?
She should have been more understanding. If only she had waited for his explanation, they could have been celebrating Christmas together right now. Instead, she's here in the middle of her raucous family. Hindi sa ayaw niyang kasama sa pasko ang pamilya niya. Hindi rin sa naiinis siya sa kaguluhan at kasiyahang nakapaligid sa kanya pero hindi niya maiwasang makaramdam ng kahungkagan. Indeed, feeling lonely in the middle of a crowd is the worst feeling.
Bumuntong-hininga siya habang nakatingala sa kalangitang nagliliwanag dala ng fireworks sa di kalayuan. Nasa rooftop sila ngayon ng bahay ng ate Dhea niya kasama ang buong pamilya at iba pa nilang kaanak. Maingay at nagkakasiyahan ang mga matatanda. Hyper na naghahabulan naman ang mga pamangkin at pinsan niya.
Lumingon siya nang maramdamang may yumapos sa kanyang bewang.
"Ang sakit, 'no? Nothing hurts like being blind-sided by love", sabi ng ate Via niya habang nakatingala rin sa langit. "Pero wag kang masyadong mag-emote baka makahalata sila mama."
Tumango siya saka sumandal dito.
"Ate, naiisip mo parin ba siya hanggang ngayon?"
"Sino?"
Umirap siya dito't pinaikutan ito ng mga mata.
"Sino pa edi ang tatay niyang mga junakis mo."
She felt her sigh before she propped her chin on her shoulder.
"Oo, paano namang hindi eh kamukhang kamukha niya si Rai. Tapos kaugali niya pa si Summer. Hindi ko nga lang alam kung saan nakuha ni Rai ang pagka-hyper niya."
Lumingon siya dito at sinipat ito pababa pataas.
"Wow, nagtaka ka pa talaga kung saan nagmana si Rai sa lagay na 'yan ha."
Binatokan siya nito saka inirapan.
"Ikaw talaga napaka mo. Ate mo 'ko, dapat respetuhin mo 'ko."
Humarap siya dito saka ito hinawakan sa kamay.
"Oo naman, ang taas na nga ng respeto ko sa'yo, eh. Hindi ko alam kung ano'ng pinagdaanan mo noon pero alam kong mas mahirap at mas masakit pa 'yun sa nararamdaman ko ngayon. Kung sino man 'yong nanakit sa'yo, sana ma-realize niya ang worth mo pati ng mga anak niyo."
Mapait itong ngumiti at umiling.
"Kahit hindi na. Hindi naman na kami magkikita so what's the use?. Baka hindi pa nga 'yon nakakaapak ng Pilipinas hanggang ngayon. He's probably still glued to his grand mansion in Greece right now. Who knows?"
"Oh, exchange gift na!"
Sabay silang napalingon sa tita nila na nagtatawag na sa kanila para magkumpulan dahilan magsisimula na ang exchanging of gifts.
"Oh, 'lika na. Baka magtaka pa sila kung magpaiwan tayo dito."
"Sige, susunod ako mamaya-maya."
Muli siyang tumingala sa langit nang makaalis na ang ate niya.
Merry Christmas, Max. I hope you are happy.
![](https://img.wattpad.com/cover/168437670-288-k794618.jpg)
BINABASA MO ANG
Working Girls Series# 1: Beautiful Nightmare
RomanceMia Catherine Cordova considered herself successful in her career but something wasn't right with her life. She felt lost and empty inside. Madalas niyang maisip ang magpakamatay nalang para matapos na ang lahat ng kahungkagang nararamdaman niya. Ng...