"The first few weeks or months are always the worst. The memory of their traumatic experience is still fresh in their minds so it's normal for traumatized patients to have such moments. Do you understand what I'm saying, Max?", Dr. Gregory Delmoro asked as a few moments passed and Max was still gazing through the glass window to the garden outside.
"Yes, absolutely", he absent-mindedly answered.
More than you could ever imagine.
It's been a week since that awful morning. Hindi pa rin siya nagpapakita kay Catherine. Pinipilit niyang hindi pansinin ang mga tawag at text messages nito. Kahit si Minerva ay hindi alam kung nasaan siya ngayon namamalagi. Alam niya kasing tutulungan nito si Catherine na makausap siya. But he's determined to distance himself from her. Nandito siya ngayon sa clinic ni Greg, ang kanyang dating psychologist. Nagbabaka sakali siyang matulungan siya nito dahil pakiramdam niya'y sasabog na ang utak niya kakaisip kay Catherine at sa gumuho nilang relasyon.
"Max? What are you thinking?"
Natigil ang kanyang pagtitig sa labas ng bintana at humarap dito. Greg is in his early forties with slightly rounded belly and balding head. Masyado na ngang matagal mula ng huli niyang punta dito. Dati mahilig pa itong mag-gym at palagi nitong ipinagmamalaki ang pamatay nitong "rock star" hairstyle.
"You've changed a lot, Greg", he voiced out. Psychologist niya si Greg pero naging magkaibigan din naman sila kaya nabibiro niya ito kahit papa'no.
Tumawa ito saka hinaplos ang tiyan.
"Ito ba? Ano ka ba, ibig sabihin niyan masaya ako sa buhay ko."
"So dati hindi ka pala masaya?"
"I'm just happier now. But we're not here to discuss my life. We're here to discuss yours. Finally, you came back. So who's this patient we've been discussing since you came here? You still haven't said how this person is connected to you."
Lumipad ang kanyang paningin sa kanyang kamay at agad pumasok sa kanyang isip ang mga nangyari ng umagang 'yon. Pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib bago magsimulang magkwento dito...
"Hmm", ang tanging nasabi nito pagkatapos habang nangangalumbaba.
"What you did wasn't the solution", maya-maya'y pukaw nito sa lumilipad na naman niyang isipan.
"I thought you'd say what I did was the right thing."
"Sometimes the right thing is not the solution."
Lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay sa sinabi nito.
"If breaking up with her was the solution to your problems then why are you still mesirable right now?"
Umigting ang kanyang panga sa tanong nito. Mali ba siya?
"Nabawasan ba ang stress mo? Nawala ba ang kanyang post traumatic stress disorder dahil sa ginawa mo?"
Umiling siya't kumuyom ang isang kamay. Nadagdagan pa nga yata ang stress niya dahil halos hindi na siya makatulog ng mga nakaraang araw. Kailangan niya pa ng tulong ng alak at minsan ng sedatives para makatulog. Isang linggo pa lang siyang nawalay kay Catherine pero pakiramdam niya ay ilang taon na ang nabawas sa buhay niya.
"No. In fact, I've been sleepless lately. And if I ever slept, I would keep dreaming of being trapped under a thick layer of ice. I can see the sun shining above me but I can't feel its warmth."
"Is that how your life feels right now? Do you feel trapped and isolated? Then what's keeping you from reaching for that warmth?"
Naguguluhan siyang tumitig dito.
"I don't understand."
"Communication is the key to a healthy relationship. What you did was not communicating but running. You're running away again because you're scared. Ang takot ang naglalayo sa'yo sa bagay na kailangan mo."
He smirked and shook his head vehemently.
"No, I'm not scared."
"The first step to finding a solution to your problem is accepting your weakness. Love is scary and that is a universally known fact, Max. There's no shame in admitting to yourself that you are scared."
Tumayo ito mula sa sofa at naglakad pabalik sa mesa nito hudyat na tapos na ang session nila.
"Don't let your fear trap you in that cold isolated place. And don't try to fix everything by yourself. Communicate, communicate, always communicate."
***
"In fairness, be ang ganda dito sa condo niyo", komento ni Oksana habang pinapanood siyang mag-empake ng kanyang mga damit mula sa cabinet nila ni Max. Correction, cabinet ni Max, nakikihati nga lang pala siya.
"Condo ni Max, hindi amin. Nakikitira lang ako dito, kaya nga aalis na'ko kasi wala naman na dito ang may-ari."
Lumapit ito at sa wakas ay tinulungan siyang ayusin ang mga gamit sa loob ng maleta niya. Pinapunta niya ito dito dahil baka hindi niya kayaning umalis dito kung siya lang. At least may hihila sa kanya mamaya pag nagbago ang isip niya.
"Sure ka na ba talaga, be? Hindi mo ba siya aantayin bumalik? Malay mo, nagpapalipas lang ng sama ng loob yung tao."
"Bakit ako, wala ba 'kong karapatang magpalipas din ng sama ng loob? Nasaktan din naman ako sa nangyari -"
Pinigil niya ang luhang nagbabadyang kumawala sa kanyang mga mata at tinakpan ang bibig. Nasasaktan pa rin siya pag naiisip niya kung gaano nito kadaling wakasan nalang ang kung anong meron silang dalawa. Agad lumapit sa kanya si Oksana at hinaplos ang kanyang balikat para patahanin siya.
"Just when I thought I finally found the one that really makes me happy, fate got it's twisted joke and slapped me hard in the face. I found my soul and yet I broke my heart in the process."
Tuluyan na siyang naiyak at humarap dito para yumakap dito.
"Shh. Magiging okay din ang lahat, wag kang mag-alala. Minsan talaga may taong darating sa buhay natin para ipa-realize sa atin ang maraming bagay, yung taong bubuuin ka pero wawasakin ka rin pala sa huli. Masakit talaga sa una pero wala naman tayong magagawa kung ayaw na nila, eh."
Pinahid niya ang luha at tumingin dito.
"Pa'no mo nagawa 'yon? Ang mag-move on? Tanggap mo na ba talaga?"
Mapait itong ngumiti saka hinawi ang buhok niyang tumabing sa kanyang mukha.
"Tanggap ko na na hindi talaga kami ni Mickey para sa isa't-isa. Mahirap at masakit syempre mahal na mahal ko yung hinayupak na yun kaso wala eh. Ayaw niya sa klase ng pagmamahal na gusto kong ibigay. Pero alam mo nanghihinayang ako sa inyo ni Max kasi nakikita ko kung gaano niyo kamahal ang isa't-isa. Ikaw handang lumaban kahit masaktan para sa relasyon niyo at siya handang magsakripisyo para lang protektahan ka. Sayang kung hindi kayo sa huli kasi bihira lang ang ganung pagmamahal. Kung ako sa inyo, mag-usap kayo para ayusin ang relasyon niyo."
Huminga siya nang malalim bago bumalik sa pagtutupi ng mga damit.
"Kaso nga ayaw niya namang makipag-usap sa'kin. Pinagtataguan nga ako, di ba."
Umiling-iling ito saka chineck ang phone nang may nagtext dito.
"Pag-uusapan natin 'yan mamaya pero sa ngayon asikasuhin na natin 'tong pag-aalsa balutan mo't naghahanda na ng pulutan ang ate mo sa condo. Medyo natatakam at nauuhaw na nga ako, eh", hinagod-hagod nito ang sariling lalamunan at lumunok na kunwari'y uhaw na uhaw na. Natatawang hinampas niya ito ng tshirt niya.
BINABASA MO ANG
Working Girls Series# 1: Beautiful Nightmare
RomanceMia Catherine Cordova considered herself successful in her career but something wasn't right with her life. She felt lost and empty inside. Madalas niyang maisip ang magpakamatay nalang para matapos na ang lahat ng kahungkagang nararamdaman niya. Ng...