Chapter 15

1.4K 50 7
                                    

"Siya na nga ang nanghalik, siya pa ang may ganang mag-walk out", bubulong-bulong na wika ni Mia habang hinuhugasan ang mga tasa.

Nasayang lang ang kape nila dahil hindi naman nila ito nainom. At sa tingin niya'y hindi niya na kailangan pa ng kape para magising ang diwa niya. Halik pa lang nito, gising na gising na siya. Naiinis lang siya sa sarili dahil sa naging reaksyon niya. Dapat hindi siya nagpadala dito. O dapat nagalit siya dahil hinalikan siya nito. Sa halip ay nagustuhan niya pa ang halik nito, gustong gusto. Parang disappointed pa siyang tumigil ito sa paghalik kanina.

Argh! Mia, ngayon alam mo ng malandi ka.

Hindi gano'n ang pagkakakilala niya sa sarili niya. Kahit kelan hindi siya lumandi. Hindi nga niya alam pa'no makipag-flirt kahit alam niyang nakikipag-flirt na sa kanya ang crush niya. Pero bakit pagdating kay Max parang nagiging ibang tao siya? Ibang tao nga ba o ngayon niya lang nadidiskobre ang gano'ng side niya? Ewan, nalilito na din siya. Pero ang kinakabahala niya ay kung ano ng mangyayari sa kanila ni Max.

Magagalit na naman ba ito sa kanya? Baka maging cold ulit ito at paalisin na siya ng tuluyan. Pero gusto nga ba niyang manatili pa dito? Pa'no kung sa susunod hindi lang halik ang mamagitan sa kanila?

Gusto sana niyang pumunta ng library kasi nandoon ang art materials niya pati ang drawing na tinatapos niya. Meron kasi doong mahabang mesa kaya doon magandang mag-drawing. Kaso nandoon ngayon si Max at hindi pa sya handang harapin ito. Pero sandali lang naman siya, kukunin niya lang ang art materials tapos aakyat na siya sa kwarto niya.

Bumuntong hininga siya habang nakatayo sa tapat ng pintuan ng library. Kakatok ba siya? Wag na nga lang. Babalik nalang siya sa sala.

Tatalikod na sana siya ng bumukas ang pintuan. May isang adonis na nakatayo doon -este si Max. Naka-jogging pants na ito pero wala paring damit pang-itaas. Hindi tuloy siya makatingin ng deretso dito. Parang hinahatak ang paningin niya ng abs nito. Kumakaway sila sa'yo, Mia.

"Papasok ka ba?", nakangiti nitong tanong. Hindi ito galit?

"Ahm, kukunin ko lang ang art materials ko sa loob."

Nilakihan nito ang pagkakabukas ng pintuan. Nagmamadali siyang naglakad para malampasan ito. Gano'n nalang ang kaba niya ng sumunod ito sa kanya papunta sa mahabang mesa.

"Nilagay ko na din dito ang mga gamit pangpinta mo."

Nakita niyang may tatlong canvass na nakapatong sa mesa. Meron ding mga paint. Mas madami ito kesa sa ini-expect niya at mga mamahaling brand ang binili nito. Pa'no niya 'to babayaran? Dati pangarap niya lang makagamit ng gano'ng brand ng paint kaso masyadong mahal.

"Dapat pala sinabi ko sa'yo kung anong brand ang bilhin mo."

Tumabi ito sa kanya at nakisali sa pagtingin sa mga paint. Umatras siya ng konti para hindi madikit dito. Hindi ba ito nilalamig? Naka-fully airconditioned dito pero nakahubad baro ito. Di kaya magkapolmonya ang isang 'to?

"Why, dont you like them?"

"Hindi naman, maganda nga 'yan gamitin kaso ang mahal. Hindi kita agad mababayaran niyan."

Umakto itong nag-iisip, may kasama pang paghimas sa baba.

"Saka hindi ka ba nilalamig? Marami ka nang bagong labang shirts, ah."

Napatingin ito sa kanya at ngumiti ng pilyo.

"Why? Dont you like me shirtless?"

Parang nabilaukan siya sa sariling laway sa tanong nito kaya napaubo siya.

"B-baka kasi magkapolmonya ka. Ang lamig lamig kaya."

He smirked. Damn that smirk.

"I dont feel cold. I feel the opposite."

Working Girls Series# 1: Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon