Bumaba na ang lagnat niya mga ilang oras matapos siyang uminom ng gamot na nireseta ni Doc. Platil. Hinayaan lang siya ni Max na matulog buong umaga pero nagising siya na kumakalam ang sikmura. Lugaw lang ang kinain niya kanina na ni-request niya pang lutuin ni Max. In fairness, extra sweet at gentle ito sa kanya ngayon. Nakokonsensya siguro ang loko.
Umayos siya ng upo sa kama at saka sumandal sa headboard nang pumasok si Max na may bitbit na tray na may lamang mga pagkain.
"Hi! How are you feeling?"', tanong nito habang inaayos ang tray sa may hita niya. May dalawang serving ang dala nito, may plano yata na sabayan siya sa pagkain.
"A lot better pero masakit pa din ang katawan ko."
Lumamlam ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
"I'm sorry", masuyo nitong wika sabay hawi sa buhok niyang medyo nakatabing sa mukha niya. "If I'd known this would happen-"
"Hindi mo na sana tinuloy ang nangyari kagabi?"
"No, but I could have been gentler with you last night. I'm really sorry."
Napapikit siya ng masuyo nitong hinalikan ang noo niya. Kung lagi itong ganito, baka hindi na niya gustuhin pang umalis dito. Biglang kumabog ang dibdib niya sa kaba sa naisip. Nakaramdam siya ng takot na baka dumating nga ang araw na ayaw na niyang umalis pa sa tabi nito. Pero ito kaya, darating din ba ang panahon na sobra na itong attached sa kanya to the point na ayaw na nitong malayo sa kanya?
"Shall we eat?", untag nito sa kanya ng matahimik siya sandali.
"S-sige."
***
Tuluyan ng nawala ang lagnat niya kinabukasan pero hind parin siya makalakad ng maayos. Inalalayan lang siya ni Max kahapon sa paglinis ng katawan. Kaso nanlalagkit na talaga siya ngayon. Parang tinatawag na siya ng tubig sa banyo.Muli siyang natawa ng maalala ang reaksyon nito kahapon ng sabihin niya dito na hindi sila pwedeng magniig ng dalawang linggo. Natulala ito sandali saka hindi makapaniwalang nilinaw sa kanya kung tama ang dinig nitong dalawang linggo. Pagkatapos nun ay naging tahimik ito buong maghapon. Tila malalim ang iniisip. Nagtaka din siya kanina kasi wala na ito sa tabi niya ng magising siya. Ngayon naman, hindi pa ito nagpapakita sa kanya mula ng agahan nila.
Naputol ang pag-iisip niya ng may kumatok saka nakangiting pumasok ang kanina lang ay laman ng isip niya. Nakakapagtakang parang good mood ito ngayon. Nakakaakit ang ngiti nito habang papalapit sa kanya. Umupo ito sa gilid ng kama saka pinagsalikop ang mga kamay nila dahilan ng pagwawala ng puso niya.
"Hey, I prepared a bubble bath for you. It'll help soothe the pain."
Nangunot ang noo niya dito.
"Bubble bath? As in sa bath tub?"
"Uh-huh."
"Saan? Wala naman akong bath tub dito."
Ngumisi ito saka dinampian siya ng mabilis na halik sa labi.
"In my room."
Agad naningkit ang mga mata niya dito.
"Max, I already told you-"
"I know, don't worry I won't do anything. We'll just take a bath."
Lalo lang naningkit ang mga mata niya dito.
"Kanina lang sabi mo para sa'kin lang ang bubble bath tapos ngayon tayong dalawa na ang maliligo?", may pagdududa niya paring tanong dito na ikinatawa nito ng mahina.
"Syempre tutulungan kitang maligo kaya mababasa din ako", pangangatwiran naman nito. "Look, I understand that you're still sore. Promise, we'll just take a bath, no monkey business."
BINABASA MO ANG
Working Girls Series# 1: Beautiful Nightmare
RomansaMia Catherine Cordova considered herself successful in her career but something wasn't right with her life. She felt lost and empty inside. Madalas niyang maisip ang magpakamatay nalang para matapos na ang lahat ng kahungkagang nararamdaman niya. Ng...