Hinila niya si Max sa kamay matapos itong patakan ng isa pang halik sa mga labi.
"Halika, ipapakilala kita sa kanila nang pormal."
Magkahawak-kamay silang pumasok sa sala. Nadatnan nila ang kuya niyang nakatayo malapit sa may pintuan habang nakatingala sa nakasabit na larawan ng lolo nila doon. Ang papa naman niya'y nagtitingin-tingin sa mga isda sa aquarium habang nahuli niyang kinukutusan ng mama niya si Moi. Parang pinapagalitan nito si Moi pero hindi niya lang marinig kasi medyo pabulong. Anong nangyayari? Tumikhim siya para kunin ang atensyon ng lahat.
"Ahm, ma, pa, kuya gusto ko pong ipakilala sa inyo si Max. Boyfriend ko po siya."
Yumukod naman si Max at ngumiti sa kanila.
"Hi po ulit."
Tumikhim naman ang kuya niya na agad sinamaan ng tingin ng papa niya.
"Saan ba kayo nagkakilala nito, nak?"
"Nakilala ko po siya sa bakasyon ko, pa."
Lumapit naman ang mama niya sa kanila habang nagpapaypay.
"Ah, sa Zambales?", nakangiting tanong ng mama niya.
"No, we met in Dinagat."
Palihim niyang kinurot ang kamay ni Max nang lumipat sa kanya lahat ng mga mata ng mga taong nakapalibot sa kanila at highlight ang mga mata ng mama niyang tila laser kung makatingin sa kanya. Patay na!
"Ha? Akala ko ba eh nag-Zambales ka?", sabat naman ng kuya niya.
"What?", takang-taka na tanong ni Max na napatingin na din sa kanya.
Agad lumapit ang mama niya at kinurot siya sa tagiliran sabay bulong.
"Mag-uusap tayo mamayang bata ka."
Alanganin siyang ngumiti at tumango dito. Pero parang walang nangyaring ngumiti ito kay Max.
"Naku, hijo tamang tama ang dating mo kakaluto lang ni Helen ng meryenda. Tara dun tayo sa terasa't mainit dito."
Nagpatianod naman ito nang igiya ng mama niya palabas. Maya-maya'y nagsidatingan na ang tiyo Fernan niya na asawa ng tiya Helen. Kasama nito ang ate Via at mga pamangkin niya. Mukhang galing sa park ang mga ito. Biglang parang may ganap sa kanila sa gulo ng mga ito. Inaya pa ng mga tiyo at tiya niya na doon maghapunan si Max. Nakikita din naman niyang nag-i-enjoy ang mga itong kausap si Max kaya hinayaan na niya.
Naghuhugas siya ng mga pinagkainan nila nang lumapit ang ate Via niya.
"May pa-meet the family na pala, di ko man lang alam", paismid na tukso nito na ikinatawa niya.
"Eh, di ko din naman alam na pupunta 'yan dito."
"Hmp! Kilig yarn?", panunukso nito.
Winisikan niya ito ng mga bula para tigilan na siya.
"Asikasohin mo na nga lang ang mga anak mo dun."
"Ayoko nga. Enjoy na enjoy naman silang kumandong kay tito Max. Sige lang mga anak, i-enjoy niyo lang 'yan kasi mamaya si tita Mia niyo na ang ikakandong niyan -"
"Ate!", tawang-tawang winisikan niya ulit ito sa mukha. Mabilis naman itong tumakbong humahagikhik pabalik ng sala.
***
"Do we really need to do this?", naiiyak niyang tanong habang nakayakap kay Max sa gitna ng NAIA lobby.
Matapos ng masinsinang pag-uusap nila ay sabay silang pumunta kay Dr. Delmoro. Ni-refer siya nito sa kakilala nitong psychotherapist para matulungan siya sa kanyang trauma. Samantalang ni-recommend nito na sa ibang bansa magpa-therapy si Max para matulungan ito sa kanyang sleep disorder. Ayaw man nilang dalawa pero kailangan nilang magkalayo sandali para maayos ang isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Working Girls Series# 1: Beautiful Nightmare
RomanceMia Catherine Cordova considered herself successful in her career but something wasn't right with her life. She felt lost and empty inside. Madalas niyang maisip ang magpakamatay nalang para matapos na ang lahat ng kahungkagang nararamdaman niya. Ng...