Kasalukuyan siyang nasa airport ngayon. Delayed ang flight niya ng isang araw kaya sagot ng airline ang pag-stay niya sa isang hotel. Marami sa kasama niyang pasahero ang nainis at nagreklamo. Pero wala lang naman 'yon sa kanya. Hindi naman siya nagmamadali. Para lang siya ngayong niyog na palutang lutang sa dagat, sabay sa agos ng buhay. 'Yon ang napagkasunduan nila ng sarili niya. Hindi muna siya mag-iisip ng sobra at hahayaan niya lang kung saan siya dadalhin ng mga paa niya sa ngayon. At nagkataon na no'ng kumuha siya ng ticket, una niyang nakita pagpasok sa ticketing office ay ang Surigao. Kaya doon siya pupunta.
Kakatapos lang niyang maligo at kasalukuyang naghahanda na para matulog nang mag-ring ang phone niya. Ang bestfriend niyang si Oksana ang tumawag kaya agad niya itong sinagot.
"Oh, be bakit?"
"Be, saan ka na ngayon?"
"Andito ako sa hotel. Delayed ang flight ko ng isang araw."
"Ha? Flight? Teka, 'di ba sa Zambales ka lang naman?", takang tanong nito.
"Uy, 'wag mong sasabihin kina mama ha. Hindi kasi sa Zambales ang punta ko."
"Eh, sa'n pala? Naku, Mia ha. Kinakabahan ako dyan sa mga desisyon mo. Sama nalang kaya ako sa'yo."
Natawa siya sa suhestyon nito.
"'Wag na. Kaya ko na 'to. Don't worry, di ko naman na naiisip mag-suicide. Promise, I won't do anything to harm myself and I won't make any decisions that will put my life in danger. I just need to be away. Baka sakaling mahanap ko na ang sagot sa mga tanong ko. Saka hindi ko pa alam kung saan talaga ako pupunta, bahala na si Lord. Basta", mahaba niyang paliwanag dito.
Narinig nya itong bumuntong hininga sa kabilang linya.
"Okay, fine. Wala naman na akong magagawa. Basta, make sure to update me from time to time."
"Ahm, OJ? Sorry ha, but this will be the last time that I'll talk to you. Just for now na hinahanap ko pa ang sarili ko. I'll change my number pero itatago ko parin ang old sim ko."
"Pero-"
"Be, please understand me. 'Di ba, I want to be with myself for now. Ayoko lang munang may koneksyon ako sa mga taong kakilala ko. I'll start this journey with just myself. Kikilalanin ko ang sarili ko. Kung sino at ano ba talaga ako kung wala ang pamilya at mga kaibigan ko. Yung totoong ako. I need to do this for my self. Feeling ko kasi para akong bomba at konti nalang sasabog na'ko. Kaya kailangan kong humanap ng paraan para matigil na 'to", mahaba niyang paliwanag. Kailangan nitong maintindihan ang side niya. Para wala na din siyang iisipin pag pinutol niya na ang komunikasyon niya dito.
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. She bet that she's thinking of ways to convince her to stop this nonsense and go back.
"Be?"
"Okay, sige. Basta 'pag may kailangan ka o may problema ka, tawagan mo'ko. Mag-aantay ako lagi sa tawag o text mo."
Naiiyak tuloy siya sa tinuran nito.
"Ba 'yan. Pinapaiyak mo naman ako eh."
"Mami-miss kita, bruha ka. Basta, I'm just one call away", naiiyak na din nitong sabi.
"Oh, sige na. Ba-bye na. Baka mag-iyakan pa tayo lalo. Ang eww natin", naiiyak na natatawa niyang turan.
"Sige, basta ha usapan natin, don't harm yourself."
"Opo, senyora. Sige na."
"Sige, bye!"
Matapos ang tawag natulala na naman siya. Pero bago pa siya mag-isip na naman ng kung ano-ano ay bumangon siya't pumunta sa veranda ng hotel room. Malamig ang hangin sa labas. Sabagay, August na kaya tag-ulan na. Malapit na din ang ber months kaya malamig na ang simoy ng hangin.
BINABASA MO ANG
Working Girls Series# 1: Beautiful Nightmare
Storie d'amoreMia Catherine Cordova considered herself successful in her career but something wasn't right with her life. She felt lost and empty inside. Madalas niyang maisip ang magpakamatay nalang para matapos na ang lahat ng kahungkagang nararamdaman niya. Ng...