Chapter 3

1.6K 51 1
                                    

Ang lakas pa ng loob nitong umupo sa katabi niyang upuan. Tumaas talaga ang kilay niya sa ginawa nito.

"Hi, gorgeous. I'm Mike", pakilala nito.

Ngayon niya lang natitigan ang mukha nito. May halong lahi yata to, brown eyes at my accent.

"I've already had a drink so there's no need to buy me one."

"But I want to. You seem to like the pineapple juice very much", nakangiti parin nitong sabi. Kung ibang babae siya, malamang naglupasay na siya sa killer smile nito. Pero hindi siya madadala sa ganyan. Umusog pa ito palapit sa kanya. Pati mukha nito ang lapit lapit na sa mukha niya.

"Sorry but I dont accept drinks from strangers and can you please move away? You're invading my personal space here", pagtataray niya parin dito. Ngunit hindi ito nakinig. Lalo lang lumapad ang pagkakangiti nito kaya siya nalang ang tumayo. Total ay nabayaran niya naman na ang kinain niya, pwede na siyang umalis.

Palabas na siya ng may masalubong na foreigner din. Saka siya napatingin sa ibang tables. Karamihan pala sa mga kumakain dito ay mga foreigner.

"Hey, why so sungit? I just wanna know your name".

Napairap siya sa hangin. Hanggang dito ba naman sa labas susundan pa din siya nito?

"And I'd like to ask your number."
Nagpapa-cute pa ito habang nakatingin sa kanya habang hawak hawak ang phone nito.

"9, 7, 23, 24, and 1"

"Is that all? It doesn't look like a phone number to me", may pagtatakang tanong nito.

"Oh, I thought you were asking for my favorite numbers", nakangisi niyang sagot dito sabay talikod para maghanap ng mapagtatanungan kung saan my hotel o marerentahang bahay.

Lumingon pa siya ulit para malaman kung wala ng nakasunod sa kanya at nakita niyang kakamot kamot sa batok si Mike pero maya-maya pa'y napalingon ito sa dumaang babae papasok ng Lawod at mukhang nakuha ng babae ang interes nito. Napailing nalang siya sa nakita.

Hayss, boys nga naman.

May nakita siyang tricycle na nakaparada sa gilid ng daan.

Amazing! Babae ang driver. Nakaka amaze talaga ang mga gano'ng babae. Yung tipong mga trabahong madalas lalaki ang gumagawa ay pinapasok nila para lang kumita ng pera. Atta girl!

"Excuse me po, ate. May alam po ba kayong pwedeng matuluyan dito?"

"Ay, hello po, maam. Meron pong resort dito na nagpaparenta ng cottage. Mga 1500-2000 ang isang araw."

"Ha? Ang mahal naman. Wala po bang mas mura?" Naloka siya sa presyo. Baka wala pang isang buwan maubos na ang perang dala niya.

"Meron po kaso medyo malayo layo dito. Mahal po talaga pag malapit sa beach. Saka madalas yung mga foreigner na andito, merong mga sariling bahay bakasyunan dito. Wala pa pong nakakaisip magtayo ng hotel dito."

"Mukha nga pong maraming foreigners dito. Mga turista po ba yan lahat?"

"Ay, may mga asawa yan dito. Tawag nga dito little America. Andami kasi ditong nakapag-asawa ng kano. Yung iba po mga bisita o kapamilya ng mga may kanong nag-asawa ng taga rito," nakangiting paliwanag ni ate.

Wow. Uso pala dito ang mag-asawa ng ibang lahi.

Kakatuwa naman, madaming gwapo. Haha. Kaso madalas sa gwapo, players. Hayss.

Madami pa itong naikwento sa kanya habang nasa byahe sila papuntang Kahayag. Napag-alaman niyang Thelma pala ang pangalan nito base sa driver's info na nakasabit sa loob ng tricycle. Sabi nito, marami daw kubo na pwedeng rentahan doon, pero nasa bukid na ito. Mga 40 minutes drive galing beach.

Working Girls Series# 1: Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon