Chapter 57

978 37 7
                                    

"Ikaw ha namumuro ka na sa'kin. Hindi ko na nga sinabi kina mama ang totoong nangyari sa'yo tapos ngayon makikipag-live in ka pa sa lalaking 'yon", talak ng ate niyang nakapamewang sa harap niya matapos nitong malaman na sasama siya kay Max pag-uwi. Makakalabas na kasi siya matapos ng limang araw na pag-oobserba sa kanya. Inaasikaso na nga ni Max lahat ngayon para makalabas na siya.

"Saka akala ko ba makikipaghiwalay ka na diyan, anyare? May pa-closure closure ka pang nalalaman."

Napakamot siya sa ulo saka ngumiti nang napakatamis-tamis dito pero kinutusan lang din siya nito.

"Naku, wag kang magpa-cute cute sa'kin ha. Di 'yan uubrang bruha ka."

"Eh, naipaliwanag naman na niya ang lahat. Mali lang ang akala ko. Misunderstanding lang pala ang nangyari. Sige na, ate payagan mo na'ko. Kahit naman doon ako mamalagi kay OJ eh for sure lage ding pupunta doon si Max. Baka mamaya doon pa yun tumira."

"Ah, so kaya kukonsintehin mo nalang 'yang sobrang pagka-clingy ng boyfriend mo. Eh, heto nga aalis nalang ako kasi wala naman na akong magagawa dahil siya lang ang gustong laging umalalay sa'yo. Ano pang silbi ko dito?"

Natatawa nalang talaga siya sa paghihimutok nito pero ayaw niya namang magtampo sa kanya ang ate niya. Hinila niya ito para yakapin sa bewang habang nakaupo siya sa kama.

"Eh, sige na ate. Payag ka na."

Irap lang ang inabot ng paglalambing niya.

"Eh, ano pa nga bang magagawa ko kung talagang gusto mo 'yan. Hay, hindi ko kinakaya 'yang kalandian mo, Mia."

Nanunuyang tiningnan niya ito.

"Mana lang ako sa'yo, ate."

"Aba't dinamay pa talaga ako."

Dinutdot ng hintuturo nito ang noo niya ng ilang beses.

"Etong tandaan mo, Mia. Pag ikaw sinaktan ulit ng lalaking 'yan, wag na wag kang iiyak-iyak sa'kin ha."

"Oo na saka hindi naman mangyayari yun, eh."

Umismid lang ito saka sinukbit na ang bag nito sa balikat.

"Oh, siya. Aalis na'ko. Mukhang hindi mo naman na'ko kailangan dito. Baka hinahanap na'ko ng kambal."

Muli silang nagyakap bago ito tuluyang lumabas ng kwarto. Hihintayin nalang niya si Max na bumalik para makaalis na sila.

***

"You can take a nap if you want. I'll wake you up when it's time for dinner."

Kakarating lang nila sa condo nito at pinapanood niya itong mag-ayos ng mga gamit niya sa kwarto nito. They decided to share a room since gusto ni Max na mabantayan siya lage. Mas naging overprotective nga ito sa kanya matapos ng nangyari.

"Napurga na nga ako kakatulog sa ospital, pati ba naman dito puro tulog pa rin?", nakalabing reklamo niya.

Natatawang lumapit sa kanya si Max saka siya hinapit sa bewang.

"Eh, ano bang gustong gawin ng baby ko?"

"Mamasyal nalang muna tayo."

"Are you sure? Kaya mo na bang makihalubilo sa maraming tao?", may pag-aalalang tanong nito sabay tingin ng mga mapanuring mata nito.

Kanina lang ay hindi siya makagalaw sa takot nang may humiyaw na bata sa hallway. Nagiging magugulatin na din siya lately. Kahit simpleng pagtaas lang ng boses ng kausap niya ay nanginginig na siya sa nerbyos.

"Wag nalang muna. Cuddle nalang tayo."

Pinaningkitan siya nito ng mata.

"Cuddle lang ha. You know you're still fragile -"

Working Girls Series# 1: Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon