"Hmm. Apples."
His finger is making slow circular motion on her waist. Napapikit siya sa sensasyong hatid ng kamay nito. Tumatagos ang init ng mga palad nito sa damit niya.
"I can't wait for tomorrow."
Muli nitong inamoy ang buhok niya tapos ay bigla itong bumitaw na parang maging ito'y napapaso sa pagkakadikit nila. Unti-unti niyang dinilat ang mga mata. Paglingon niya'y nasa kabilang dulo na ito ng mesa.
Panay ang taas baba ng dibdib nito na para bang hinihingal ito. Is he feeling what I'm feeling right now?
"I need to go upstairs."
Nagmamadali itong lumabas ng library pero hindi nakaligtas sa kanya ang kislap sa mata nito. Desire. Is that what she saw?
Napabuga siya ng hangin at ipinaypay ang mga kamay para maibsan ang kabang nararamdaman. Nanginginig ang kamay na bumalik siya sa ginagawa. Ano bang meron kay Max bakit sobra-sobra ang epekto nito sa kanya? Bakit hindi niya magawang manlaban sa tuwing lalapit ito sa kanya? At bakit naman siya manlalaban kung gusto niya ang pakiramdam na hatid nito?
Mukhang imbes na masagot ang mga tanong niya sa buhay ay nadagdagan pa ang mga ito. Pero sabay lang siya sa agos ng buhay ngayon. Wala namang dahilan para pigilan niya ang atraksyong nararamdaman para dito. Baka normal lang 'yon dahil silang dalawa lang ang nandito sa bahay.
Sinadya niyang maagang maghapunan para hindi sila magkasabay ni Max. Agad siyang umakyat matapos kumain. Kailangan niyang tapusin ngayon ang binabasang libro. Excited na siyang i-apply ang mga sinabi ng author para bumalik ang eagerness niyang mabuhay.
Tapos na niyang mabasa ang libro nang makaramdm siya ng gutom kaya napagpasyahan niyang bumaba para kumain. Agad dumako ang tingin niya sa pinto ng kuwarto ni Max paglabas. May apat na kwarto dito sa ikalawang palapag ng bahay. Ang kanya ay ang unang kwarto sa kaliwa katapat ng kwarto ni Max. Natutulog na kaya ito? Sabagay, alas dose na kaya malamang tulog na ito. Pero hindi niya alam kung anong nag-udyok sa kanyang lumapit sa kwarto nito.
Pinakiramdaman niya kung may tao nga sa loob. Ano bang ginagawa mo, Mia?
Napailing siya sa sarili. Tatalikod na sana siya ng may marining siyang ungol mula sa loob. Agad niyang dinikit ang tenga sa pintuan para mas mapakinggang mabuti kung anong nangyayari sa loob. Lalong lumakas ang ungol. Ano kayang nangyayari kay Max? Nagulat siya ng biglang may sumigaw tapos lalo pang lumakas ang ungol na parang nasasaktan at nahihirapan ito. Tapos sisigaw ulit na parang galit. Sinubukan niyang katukin ang pintuan baka sakaling magising ito kung binabangungot ito.
"Max", tawag niya dito. "Max? Are you okay? What's happening?"
Biglang tumigil ang ingay sa loob.
"Max?" Nag-aalala na siya ng di parin ito sumasagot. Lumipas ang ilang minuto pero wala siyang nakuhang sagot mula dito kaya umalis nalang siya't bumaba sa kusina. Ano kayang nangyari doon?
Pagpanhik niya sa taas ay bumalik ulit siya sa pintuan ng kwarto ni Max. Tinalasan niya ang pandinig. Wala ng ingay sa loob. Siguro okay na ito. Bumalik na siya sa kwarto niya't natulog na. She feels excited for tomorrow and she knows why.
***
Max went to the terrace adjacent his room to calm himself. He inhaled deeply to stop his hands from shaking. He gripped the iron railings and clenched his jaw. He can't go outside and let Catherine see him like this. He can't afford to let the monster inside him to lash out on anyone. Not again.
He doesn't want to go back to sleep after his nightmare. He feels so much violence in his blood. He needs to let off some steam. He waited for Mia to go back to her room before he went down to the gym. He didn't bother wearing boxing gloves. He is too mad to think about himself. He let go of the raging emotions he felt inside and threw punch after punch at the punching bag thinking of the man he wanted to kill so badly. One day he'll find him and he will tear him piece by piece just like what he did to his soul. He will ruin him just like how he ruined his life.
BINABASA MO ANG
Working Girls Series# 1: Beautiful Nightmare
RomansaMia Catherine Cordova considered herself successful in her career but something wasn't right with her life. She felt lost and empty inside. Madalas niyang maisip ang magpakamatay nalang para matapos na ang lahat ng kahungkagang nararamdaman niya. Ng...