Chapter 24

1.3K 47 2
                                    

Nagising si Mia nang maramdamang may malambot na bagay na humahaplos mula pisngi hanggang braso niya. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at agad niyang nasilayan ang gwapong mukha ni Max na nakatunghay sa kanya. He's caressing her shoulder using a white feather. It feels soft to her skin. Napalunok siya nang matitigan ang mga mata nitong matiim ding nakatitig sa kanya.

"I hope I did not disturb your dream. You were mumbling something", nakangiti nitong saad habang kumikislap ang mga matang natatamaan ng liwanag mula sa lampshade. Napamulagat naman siya nang ma-realize niya na baka kung anu-ano ang pinagsasabi niya habang tulog siya. Baka malaman nitong lage niya itong napapanaginipan.

"Ah, marami ba akong sinabi habang tulog?"

He just chuckled as he continued caressing her shoulder going to her neck. Agad niyang tinakpan ng kamay ang kanyang leeg. May kiliti pa naman siya doon.

"You should get up now so we can have dinner. Nagluto na'ko kasi ang tagal mong bumaba."

Agad siyang napalinga, madilim na pala. Tanging lampshade lang at ang liwanag mula sa buwan ang tumatanglaw sa kanila ngayon. Ilang oras ba siyang nakatulog?

"It's half past six", sagot nito na para bang nababasa nito ang isip niya. Napabalikwas siya ng bangon at saka ito sinimangutan.

"Sana ginising mo 'ko kanina para nakapagluto ako." Pinaningkitan niya ito ng mga mata ng magkibit-balikat lang ito. "Gusto mo lang yatang madagdagan ang utang ko sayo, eh." Muli itong nagkibit-balikat saka tumitig sa kanyang mga mata.

"You should know by now that I won't miss a chance of increasing your debt." Unti-unti itong lumapit sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha gamit ang balahibong hawak nito. Bumilis ang kanyang paghinga. Kakagising niya lang pero parang nagma-marathon na ang puso niya sa bilis ng pagtibok nito.

"Why, because you like k-kissing me?", lakas loob niyang tanong. Lalong nagrigodon ang puso niya ng dumako ang tingin nito sa mga labi niya.

"What do you think?", sagot nito habang mas nilalapit pa ang mukha sa kanya. Napapikit siya ng gahibla nalang ang layo ng mga mukha nila sa isa't-isa. Konting galaw lang ay magtatagpo na ang kanilang mga labi.

"The food is getting cold. Kailangan na nating bumaba." Agad siyang napamulat sa sinabi nito. She felt her cheeks reddened when she saw him smirking. Nauna na itong lumabas ng kwarto. Nakakagat labing sumunod siya dito pababa. Malamang iniisip nito ngayon kung gaano siya kaatat mahalikan nito. Saka bakit niya ba natanong yun? Argh! Pagkababa niya sa kusina ay nadatnan niyang may mga nakahanda ng pagkain sa mesa. Napalingon siya ng lumabas si Max galing kusina. May dala itong mahabang pinggan na may lamang isda. Seryoso ito habang nilalapag sa mesa ang ulam.

"Anong meron? Bakit ang daming pagkain?", nagtataka niyang tanong habang tinitingnan isa-isa ang mga nakahain sa mesa. Merong asparagus na binalot sa bacon, may vegetable salad with avocados and almonds, baked salmon at mga panghimagas na pakwan at saging. Muli siyang tumingin kay Max at pinakatitigan ito ng tipid itong ngumiti sabay kibit-balikat.

"Nothing. I just feel like cooking tonight."

Hindi nakawala sa kanya ang pilyong kislap ng mga mata nito. Muli siyang napatingin sa mesa at saka biglang napasinghap ng may maisip.

"Birthday mo ba?" Agad naman itong napailing.

"No, 'course not. Why would I cook for my birthday?" Sabagay, base sa bahay at mga kagamitan dito masasabi niyang mayaman ito. At kung siya ay may kaya sa buhay, panigurado hindi lang basta dinner ang ihahanda niya sa birthday niya. Lumapit ito sa gawi niya at hinila ang upuan doon para makaupo siya. Nakakapagtaka naman ang inaasal nito ngayon. Saka parang familiar sa kanya ang mga pagkaing nakahain. Parang nabasa niya na ang mga ito sa isang magazine pero hindi niya maalala kung tungkol saan ang article. Ipinagkibit balikat niya na lamang yun. Sino ba naman siya para tanggihan ang ganito kasarap na pagkain, 'di ba?

Working Girls Series# 1: Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon