Magdadapit-hapon na nang makauwi si Mia galing sa outing nila. Agad niyang hinanap si Max pagkapasok ng bahay pero wala ito sa kahit saang parte ng bahay kaya dumeretso siya palabas ng kusina kung saan may maliit na daanan papuntang swimming pool. May ilang metro pa lamang ang layo niya sa pool ay tanaw niya na agad doon si Max na nakapatong ang mga braso sa gilid ng pool. Nakalubog ang kalahati ng katawan nito sa tubig. Malayo ang tingin nito, tila may iniisip na malalim. She can't help feel the heat that rushed through her as she stared at his broad shoulders. Napalunok siya nang may tumulong tubig mula sa basa nitong buhok pababa sa batok nito. Biglang naputol ang kanyang pagtitig dito nang may napansin siyang gumalaw sa tubig mula sa gilid ng kanyang mga mata. Napagawi ang tingin niya sa kabilang bahagi ng pool at agad siyang natigil sa pakhakbang nang makita si Cleadeth na lumalangoy palapit kay Max. Tanging golden two-piece swimsuit lang ang suot nito at kahit nasa tubig ito'y kita niya kung gaano kaganda ang hubog ng katawan nito. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa tuluyan itong makalapit kay Max.
Agad naningkit ang kanyang mga mata nang yumakap ito sa likod ni Max. Mukhang hindi nito inasahan ang pagyakap ng maharot na impakta dahil agad itong lumingon dito na magkasalubong ang mga kilay. Meron itong sinabi sa impakta pero mukhang wala itong balak pakawalan ng bruha dahil lalo lang humigpit ang pagkakayapos nito sa bewang ng ngayo'y nakasimangot na si Max. Humugot siya ng hangin saka nagpatuloy sa paghakbang palapit sa mga ito. Hindi na niya kailangan pang ianunsyo ang presensya dahil agad lumipad ang tingin ni Max sa gawi niya. Nakita niyang namilog ang mga mata nito saka mabilis na binaklas ang mga braso ni Cleadeth mula sa bewang nito
"C-catherine", sambit nito nang nasa tapat na siya dito. Walang kangiti-ngiting nakatunghay siya dito habang ito'y nakatingala naman sa kanya.
"Hi, Mia."
Hindi niya pinansin ang pagbati ng impakta sa kanya. Sa halip ay tumitig siya kay Max na napapalunok, ewan niya kung bakit, habang nakatingin sa kanya.
"Itatanong ko lang sana kung anong gusto niyong dinner kaso mukhang busog naman na kayo", patungkol niya sa mga pagkaing nakahain sa isang mesa sa gilid ng pool. Parang nag-barbeque party pala ang dalawa. Lalo siyang nairita sa isiping nag-bonding ang dalawa ng wala siya.
"Sige, akyat na'ko sa taas. Kailangan ko pang magbanlaw, eh", paalam niya dito sabay talikod. Mabibilis ang hakbang na pumasok siya sa kusina. Narinig niya ang pagtawag ni Max sa pangalan niya kasunod ng mga yabag nito kaya tumakbo na siya paakyat. Mabilis siyang nakapasok sa kanyang kwarto at agad itong ini-lock. Napaatras siya sa gulat nang makarinig ng malakas na katok mula doon kasabay ng pagtawag ulit nito sa pangalan niya. Hindi niya ito pinagbuksan. She jogged to the bathroom instead and made sure it's locked before turning on the shower. Kinakabahang binilisan niya ang pagligo dahil mukhang galit na si Max base sa palakas na palakas na pagkatok nito sa pintuan.
Napatigil siya sa pag-abot ng tuwalya nang biglang tumahimik sa labas. Baka napagod na ito sa kakakatok. Mabilis ang mga kilos niya sa pagpunas ng tuwalya sa basa niyang katawan saka ito itinapi sa sarili pagkatapos at nagmamadaling lumabas ng banyo.
"Hey."
Muntik na siyang mapatalon sa gulat. Kaya pala ito tumahimik dahil nakapasok na pala ito sa kwarto niya. She glared at him before she made her way to the cabinet.
"Is something wrong?", tanong nito habang nakabuntot sa kanya. Nilingon niya ito saka inirapan.
"Babe", tawag nito sabay hawak sa braso niya . She jerked her arm free.
"Hindi ba 'ko pwedeng magbihis ng matiwasay?", singhal niya dito. Tinaasan niya ito ng kilay nang hindi parin ito umaalis.
"I'll just sit here", turo nito sa upuang kaharap ng vanity mirror.
BINABASA MO ANG
Working Girls Series# 1: Beautiful Nightmare
RomanceMia Catherine Cordova considered herself successful in her career but something wasn't right with her life. She felt lost and empty inside. Madalas niyang maisip ang magpakamatay nalang para matapos na ang lahat ng kahungkagang nararamdaman niya. Ng...