Pagkarating nila sa Manila ay sumakay ulit sila sa helicopter papunta naman sa penthouse nito. Pagbaba nila sa helipad ay agad sumalubong sa kanila ang isang babaeng sa tantiya niya'y nasa late 40's na. The woman nodded curtly toward Max then smiled warmly at Mia.
"Minerva, this is Mia Catherine", he said as he placed a hand on the small of her back. "Babe, please meet Minerva."
"Hi, Mia. Can I call you Mia?"
"Hello. Yes, Mia nalang po", nakangiti niyang tinanggap ang nakalahad nitong palad.
"It's so nice to finally meet you."
Ramdam ni Mia ang mapanuri nitong tingin sa kabila ng matamis na ngiti at mahigpit nitong pakikipagkamay. Hindi niya maiwasang mahiya baka may mapuna itong hindi maganda sa kanya. Alam niyang para narin itong ina ni Max at alam nitong sa bahay siya ni Max nakikitira. Hindi mahirap hulaan ng sinuman ang maaaring nangyayari sa kanila ni Max pag sila lang ang nandoon.
"Aww, she's blushing", amused na puna ni Minerva. Lalo naman siyang namula nang tingna din siya ni Max. The corner of his mouth quirked slightly as he caressed her burning cheeks.
"How's the opening meeting going?"
Mukhang nabasa agad nito ang nasa isip niya kaya iniiba nito ang topic para hindi matuon sa kaniya ang atensyon ng mga kasama nila.
"Everything's set. In fact, ikaw nalang ang hinihintay nila ngayon."
Patuloy sa pag-a-update si Minerva habang lulan sila ng elevator pababa sa penthouse ni Max. Pinagsalikop nito ang mga kamay nila bago sila lumabas ng elevator.
"Wait for me downstairs", Max instructed. Tumango lang sina Minerva at Blake bilang sagot.
"Nice to meet you again, Mia. Enjoy your stay here." Minerva smiled at her. Somehow, pakiramdam niya nakapasa siya dito base sa kislap ng mga mata nito habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Max.
"Nice to meet you, too."
HInila na siya ni Max papunta sa unit nito nang magsara na ang elevator.
"You have to remember the code in case you need to go out while I'm away."
Agad niyang sinaulo ang code na pinindot nito, 95323.
"It stands for Annaliese Black and her birthday, March 23."
She squeezed his hand to show that she understood the importance of what the code stands for. Max smiled intimately at her before opening the door and waited for her to precede him.
Bumungad sa kanya ang malawak nitong sala na may dalawang mahabang sofa at isang single sofa chair kaharap ng malaking flatscreen TV. Sa kanan ay ang floor to ceiling glass wall. Kita mula doon ang iba pang nagtataasang gusali sa BGC pati ang mga sasakyan at mga taong singliit na ng langgam kung tingnan. Sa kaliwa naman ay ang dining room at kusina. All the furniture comes in monochromatic colors. Minimalist ang vibe ng unit nito. Except for the paintings here and there.
Matapos masuri ang kusina ay hinila ulit siya ni Max papunta sa isa pang hallway.
"This is where the bedrooms and my office are."
Sa kanang bahagi ay may dalawang pintuan na marahil ay ang bedrooms. Sa kaliwa naman ay may isa pang pintuan at doon siya unang dinala ni max.
"This is my office."
Pagpasok ay bubungad agad ang office desk nito. Sa likod niyon ay floor to ceiling glass wall ulit. Bookshelves sa kanang bahagi at isang loveseat.
BINABASA MO ANG
Working Girls Series# 1: Beautiful Nightmare
RomansaMia Catherine Cordova considered herself successful in her career but something wasn't right with her life. She felt lost and empty inside. Madalas niyang maisip ang magpakamatay nalang para matapos na ang lahat ng kahungkagang nararamdaman niya. Ng...