Chapter 38

1K 31 4
                                    

Papasok pa lang ang sasakyan nila sa gate ay nandun na nakaabang si Cham-cham na kikiwag-kiwag ang buntot. Pagbaba niya ay agad itong tumalon-talon at nagpaikot-ikot na parang tuwang-tuwa saka tumakbo palapit sa kanya. Bigla siya nitong sinunggaban na muntik niyang ikinabuwal. Mabuti nalang at agad siyang naalalayan ni Max sa bewang.

"Easy, boy you're smothering her."

Tawang-tawa naman siyang lumuhod saka inginuso ang mga labi para sa mabilis na smack mula dito.

"Psh."

Napatingala siya kay Max at nahuli itong iiling-iling na nakatingin kay Cham pero agad din namang lumapit dito para haplusin ang ulo at leeg nito. He then proceeded to tap each of the other dogs nearby.

"I'll just be in the library", pagkausap nito sa kanya kahit ang atensyon ay na kay Hugo at saka nauna ng pumasok sa bahay. Siya naman ay napailing-iling at napatingin kay Cham-cham.

"Hahalikan ko din naman sana siya kung hindi lang siya nagsusungit."

Mabilis na kumiwal ulit ang buntot nito at tumahol.

"Hmm, naaamoy mo kung ano 'tong dala ko, 'no?"

Natawa ulit siya ng kumahol ito ulit at sininghot-singhot ang dala niyang bag. Lumapit na din sa kanila si Hugo na agad niyang sinalubong ng haplos sa leeg. He sat in front of her while smiling with his tongue out.

"Oo na, pare-pareho kayong makakakain nitong chicken nugget."

Lumingon siya kay Bruno na nakahiga sa isang sulok. Nagmulat lang ito sandali para tingnan siya saglit saka pumikit ulit pero alam niya namang nakikinig lang ito sa kanila dahil gumagalaw-galaw ang mga tenga nito. Sa tatlong aso, si Bruno ang medyo pa-hard to get pa.

"Let's go, kain tayo ng nuggets. Nyum, nyum", pagpaparinig niya dito saka pumasok ng bahay kasama ang dalawang aso. Maya-maya nang pinapakain na niya ang dalawa ay sumunod namang pumasok si Bruno at nakikain na rin. Matapos mapakain ang mga aso ay pumanhik na siya sa kanyang silid at naligo.

**********************************

Nag-aayos na siya ng kama para matulog nang may kumatok. Pagbukas niya ng pintuan ay nandun si Max nakatunghay sa kanya. Umiwas siya ng tingin dito nang tumitig lang ito sa kanyang mukha ngunit agad din siyang nag-angat ng tingin nang haplusin nito ang kanyang pisngi. Her cheeks heat up by just a touch from him. Bumaba ang haplos nito sa kanyang panga pababa sa kanyang leeg na nakapagpalunok sa kanya sa kaba. Lalong lumamlam ang mga mata nito dahil sa naging reaksyon niya.

"I'm so sorry."

"It's okay. I told you I have high tolerance for pain."

"But it doesn't mean it's okay for you to get hurt. You're not even supposed to tolerate pain in the first place."

Hinawakan niya ito sa kamay para hilahin papasok pero umiling lang ito at hindi nagpatinag sa kanya. He clenched his jaws and shook his head. Para itong isang batang takot makagawa ulit ng kasalanan.

"I can't. I might hurt you again."

Kinulong niya ang mukha nito ng kanyang mga palad at masuyo itong hinalikan sa mga labi.

"I just want some cuddle time then you can go back to your room later. Pwede ba 'yon?"

She can see through his eyes the inner battle he's having. She pulled him again and this time he just let her drag him towards the bed. Nauna siyang humiga saka ito tumabi sa kanya. Masuyo siya nitong niyakap mula sa likod. He let out a big sigh like he's been holding his breath the whole time they were talking. She can feel his hot breath in her nape and his strong arms around her waist. His grip tightened even more as if they can't be closer enough.

Working Girls Series# 1: Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon