Chapter 40

1K 34 1
                                    

Nagising si Mia dahil sa silaw ng liwanag na tumatama sa kanyang mukha mula sa siwang ng kurtina sa bintana. Itinakip niya sa kanyang mga mata ang sariling braso sabay simangot. Gusto pa niyang matulog. Sino ba'ng nagtabig ng kurtina? Naudlot ang plano niyang pagtulog ulit nang may humagikhik sa tabi niya. She slowly opened her eyes then glared at the gorgeous man lying beside her with an irresistible grin plastered on his face.

"Ikaw ba'ng nagtabig ng kurtina?", nakabusangot niya paring tanong dito na lalong ikinahagikhik nito.

"No, I didn't. Ganyan na talaga yan kagabi pa." Lalo siyang nainis sa lapad ng ngisi nito.

"Ugh. Isara mo ulit, nakakasilaw."

Sinamaan niya ito ng tingin nang hindi ito sumunod sa utos niya hanggang sa mapansin niya kung saan nakatuon ang atensyon nito. Napasinghap siya nang makitang nakabilad pala sa mapagnasa nitong mga mata ang kanyang dibdib. Mabilis niya 'yong tinakpan ng kumot saka ito hinampas sa braso.

"Max!"

"Okay, okay." Dali-dali nitong inayos ang kurtina habang mahinang tumatawa. His throaty chuckle brought havoc to the butterflies in her stomach.

"I didn't know you can be this grumpy in the morning."

She just gave him a deathly glare then closed her eyes and tried to calm her nerves when she felt his soft kiss on her shoulder.

"I'm sorry. Masyado ba kitang pinagod?", para namang nakokonsensyang tanong nito. Sino ba naman ang hindi mapapagod? Ginising siya nito ng madaling araw at nakailang rounds ulit sila. Mabuti nalang wala siyang pasok ngayon.

"Pagod is an understatement but hey, who's complaining?"

He grinned from ear to ear then planted little kisses on her shoulder again.

"Kain na tayo bago pa ikaw ang kainin ko", biro nito bago tumayo. "Or should I bring your brunch here?"

She nodded her agreement before stretching out her arms and yawned. Max kissed her once more then strode out the room. Tatanungin pa sana niya ito kung dito ba ito natulog pero napansin niyang bagong palit ang suot nito. She just shrugged off the dull pain she felt in her chest.

She really should get used to it though, she thought as she padded down to the bathroom.

*********************************

They leisurely took their brunch by the pool instead. The sun shines just right, its warmth not too hot to the skin. Such a perfect day for her to lounge and sun bathe while reading a book she intended to finish today. Max is enjoying the water at the pool. Paminsan-minsan siya nitong winiwisikan ng tubig na ikinakasama niya ng tingin dito dahil nababasa ang libro.

"Babe, come on."

"Max, I'm reading, okay? Saka kakaligo ko lang maliligo na naman?"

Lumangoy ito papunta sa gilid ng pool malapit sa kanya. He put his arms on the side and propped his chin on them.

"Should I make you sweat first, then?" His devilish grin may show his kidding her but the mischievous glint in his eyes says otherwise.

Napahiyaw siya nang sabuyan ulit siya nito ng tubig saka ito biglang umahon sa pool. Nagmamadali siyang tumayo at tumakbo papasok ngunit naabutan parin siya nito. Nagpumiglas siya mula dito pero parang wala lang dito kung buhatin siya.

"Max, ang libro!"

Agad nitong kinuha sa kanyang kamay ang libro at basta nalang itinapon sa lounge chair bago ito tumalon sa pool na bitbit-bitbit siya. She squaeled as they drop onto the water. Hawak parin siya nito sa bewang pagbagsak nila sa tubig. Halakhak nito ang una niyang narinig pag-ahon ng ulo mula sa ilalim at kusa narin siyang nahawa dito. He seems so cheerful and relaxed today. Gone is the brooding Max.

Working Girls Series# 1: Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon