Nagmamadaling pumasok si Mia sa Lawod dahil medyo late na siya. Pa'no naman kasi 'tong si Max, nilandi-landi pa siya kaya tuloy natagalan siya. At nagpalandi ka naman.
"Oh, buti naman at bumalik ka pa. Akala ko tuluyan ka ng umayaw sa trabaho mo", bungad sa kanya ni Julie pagkapasok sa may bihisan nila.
"Ahm, nagkasakit lang naman po ako, pero hindi ko naman nakakalimutan na may trabaho ako dito."
"Mabuti naman. Oh, siya bilisan niyo na ang pag-aayos at malapit na tayong magbukas."
"Okay po madam", sabay-sabay na sagot nilang lahat. Lihim silang nagngitian nang makalabas na si madam Julie.
"Ui, girl buti naman at nakabalik ka na. Naku, high blood si madam nung nalaman na di ka makakapasok lalo na nung umabot na ng ilang araw tapos wala ka pa din. Akala nga din namin, di ka na babalik", pagkikwento ni Cara. "Oh, kumusta ka na nga pala."
"Okay na'ko. Pwede ng umawra-awra sa trabaho." Sabay silang natawa sa sinabi niya. Nagsimula na siyang mag-ayos ng mukha. Pareho sila nitong nakaharap sa salamin. Habang ang iba naman ay abala na sa pagbibihis ng uniform nila.
"Saka nga pala may naghanap sa'yo dito nung nakaraang araw."
"Ha? Sino?"
"Yung poging foreigner na may crush sa'yo, si Mike. Feeling ko, type na type ka talaga nun eh. Ikaw ba?"
"Ahm, pogi naman siya kaso hindi ko type eh."
Then Max's face flashed on her mind reminding her of the sensations he made her feel whenever he's near. Napangiti siya sa naisip. Ano na kayang ginagawa nun ngayon?
"Ui, alam ko yang ngiting yan. Uyyyy, sino yan?", tudyo sa kanya ni Cara ng mapansin ang pagngiti niya.
"Ha? Hmmm, basta. Di mo naman kilala", pag-iwas niya.
"Pero gwapo ba?"
Tumango-tango siya dito.
"Oo, sobra. As in."
Sabay silang napatili nito sa kilig.
"Ikaw, di mo ba gusto si Mike? Pwede kitang ireto?"
Kung tutuusin hindi na niya kailangan pang ibugaw ito dahil likas na itong maganda at lapitin ng mga lalaki. Nakwento nito minsan na may lahi itong Briton. Nabuntis kasi ang nanay nito ng isang British navy. Kaso hindi na ito bumalik mula ng na-assign ito sa ibang bansa.
"Naku, alam mo namang iwas ako sa mga yan. Alam mo na, ayokong matulad kay mama. Yung mga ganyan kasing lalaki madalas naghahanap lang ng good time. Fun, ganun."
"Hoy, bilisan niyo na raw sabi ni madam", untag sa kanila ng isa sa mga kasamahan nilang waitress.
Nangingiting nagmadali silang lumabas para magsimula ng magtrabaho. May mga iilang customers na na naghihintay na kunin ang orders nila.
Lalapit na sana siya sa unang mesang nadaanan niya ng harangin siya ng kasamahan niyang bakla.
"Vor, may nagrerequest sa'yo sa table number 8."
"Ha? Bakit daw? Sino?"
"Basta puntahan mo nalang baka magalit pa yun kung di ka pumunta."
"Sige."
Inayos niya muna ang palda bago pumunta sa sinasabi nitong table. Bulaklaking palda at off shoulder na white ang pang-itaas nila.
Nakatalikod ang customer na nasa table number 8 kaya hindi niya makilala kung sino ito. Pero hindi na siya nagulat ng paglapit ay napagtanto niyang si Mike pala yun. Nagpakulay ito ng buhok, kaya hindi niya nakilala agad. Bumagay dito ang blonde hair color.
BINABASA MO ANG
Working Girls Series# 1: Beautiful Nightmare
RomanceMia Catherine Cordova considered herself successful in her career but something wasn't right with her life. She felt lost and empty inside. Madalas niyang maisip ang magpakamatay nalang para matapos na ang lahat ng kahungkagang nararamdaman niya. Ng...