"Friends."
Inabot nito ang kamay niya. Ayan na naman ang kuryente pero inasahan niya na 'yon. Ang hindi niya inasahan ay ang paghaplos ng hinlalaki nito sa kamay niya na hindi parin nito binibitawan kasabay ng pagtitig nito sa kanya ng matiim.
Bigla niyang nahila ang kamay ng may naisip na isang magandang ideya."Alam ko na!"
"Alam ang alin?", takang tanong ni Max.
"May naisip ako. Ahm, kasi plano ko talagang magtagal pa dito sa Dinagat. Kaso naghahanap pa'ko ng matutuluyan kaya nga ako napadpad dito sa Kahayag, eh."
Tumigil muna siya sa pagpapaliwanag para tantiyahin kung ano ang reaksyon nito. Mukhang naghihintay pa ito ng dagdag na paliwanag.
"So, anong naiisip mo?"
"Ah, pwede ba akong dito nalang mag-stay sa bahay mo habang nandito ako sa isla? Promise, hindi ako magiging pabigat sa'yo."
Itinaas niya pa ang kanang kamay habang nangangako.
"Ako nalang ang cook mo habang nandito ako. Masarap akong magluto."
He raised his brows as if to question her cooking ability.
"You mean cooking rice?"
"Hoy! Hindi lang naman 'yon ang kaya kong lutuin. Kung gusto mo mag-trial run tayo mamaya. Ako ang magluluto ng lunch saka dinner. Pwede din naman akong tagalaba mo pati tagalinis."
Kahit ano gagawin niya para hindi maging pabigat dito. Saka mukhang magandang magnilay-nilay dito sa gitna ng kagubatan. Walang maingay, walang istorbo kahit buong araw siyang mag-isip.
"Pag-iisipan ko. After you cook lunch. Let's see."
Natuwa naman siya. Pag-iisipan niya kung ano ang lulutuin.
"For now, let's take you to your room so you can rest."
Kinarga ulit siya nito paakyat sa magiging kwarto niya dito. Nasa kaliwang bahagi ang kwarto niya. Ibinaba siya nito sa may paanan ng kama. The room is spacious. Puti ang kobre kama at pale blue ang mga unan. Pale blue and white din ang dingding pati kurtina. May malaking glass window sa ulunan ng kama. Sa kanan nito ay may pinto palabas ng terrace. Sa kaliwa naman ang sa tingin niya'y banyo. Meron ding dalawang couch malapit sa paanan ng kama kaharap ng TV set. May vanity mirror sa gawing kaliwa ng kwarto.
"Just rest for now. 'Wag kang bumaba ng hagdan mag-isa. Baka matapilok ka ulit, lumala pa 'yang paa mo. There's the phone", turo nito sa telephone sa may bedside table. "Call me. Nasa library lang ako."
Ibinaba nito ang bag niya sa kama at iniabot sa kanya ang cold compress.
"Thank you. Gawin mo na kung anong kailangan mong gawin. Baka nakaistorbo na'ko sa'yo. I'll be fine here. Don't worry."
"Okay. I'll leave now", paalam nito habang nakatitig na naman sa kanya. Unti-unti itong yumukod at inilapit ang mukha sa kanya.
"Behave, okay? I don't want you getting hurt again."
Shocks, ang ganda ng mga mata niya sa malapitan. Parang ang sarap titigan, kahit buong maghapon.
Napapitlag siya ng hawakan nito ang pisngi niya.
"A-ah, oo. Sure."
Ngumiti naman ito at lalo pang inilapit ang mukha sa kanya.
"Good."
Abot langit na ang kaba niya ng bigla siya nitong halikan sa ilong at saka umalis palabas ng kwarto.
Ano yun? Napahawak siya sa ilong nya. Bakit niya ako hinalikan? At bakit sa ilong? Nakagat niya ang labi para supilin ang ngiti.
BINABASA MO ANG
Working Girls Series# 1: Beautiful Nightmare
Storie d'amoreMia Catherine Cordova considered herself successful in her career but something wasn't right with her life. She felt lost and empty inside. Madalas niyang maisip ang magpakamatay nalang para matapos na ang lahat ng kahungkagang nararamdaman niya. Ng...