Medyo natagalan bago sila makalabas ng kwarto dahil sa paika-ika niyang lakad. Napatingin siya sa hagdan. Ngayon niya lang na-realize na ang hirap palang bumaba ng isang paa lang ang gamit.
"I guess I have to carry you from here. It would be faster that way. Baka abutin pa tayo ng alas dose dito kung maglalakad ka."
Natawa siya habang nililingon ito.
"Mukha nga."
Hindi niya maiwasang amuyin ito habang karga karga siya nito. Ano kaya ang after shave niya? Ang bango nito kahit mukhang hindi naman naka-perfume. Magkalapit ang mga mukha nila kaya kitang kita niya ang peklat nito. Paano kaya ito nagkaroon ng ganyang peklat sa mukha? Matagal na ba ito? It must have hurt a lot.
Lumingon ito at nahuli siyang nakatitig kaya bigla siyang nagbaba ng tingin. Nakakahiya!Sa wakas, nakarating din sila sa kusina. Binaba siya nito malapit sa kitchen counter. Naupo naman ito sa stool doon habang pinapanood siyang maghanda ng mga sangkap.
"Ano'ng lulutuin mo?"
She just smiled and scrunched her nose up.
"Secret para may element of surprise."
Natawa naman ito sa kanya.
"There is no such thing as that when you go to cooking competitions, you know."
"Bakit, competition ba 'to? Don't worry, masasarapan ka for sure." She licked her lips and closed her eyes just like in commercials. "Mapapamura ka sa sobrang sarap." She laughed at her own silliness.
"Just cook."
Napatingin siya dito dahil bigla itong sumeryoso. She can see something in his eyes but it was gone too soon. Isinawalang bahala niya na lamang 'yon at nagpatuloy sa paghahanda ng tanghalian. Magluluto siya ng nilagang baka. Medyo malamig pa din naman ang panahon kaya masarap humigop ng sabaw.
Makaraan ang isang oras at kalahati ay natapos din siya sa pagluluto. Tumulong na si Max sa paghahanda sa mesa. Hindi muna siya kumain. Hinintay niyang matikman muna nito ang niluto niya. Kinakabahan siya habang pinapanood itong humihigop ng sabaw.
"Hmm. It tastes good." Sinubukan naman nito ang karne. "The beef is tender." Tumango tango ito habang kumakain.
Medyo nakahinga siya ng maluwag. Salamat naman nagustuhan nito.
Ngumiti siya't nagtanong."So? Ano na? Okay na ba?"
Tumitig ito sa kanya at unti-unting ngumiti. Napangiti na din siya.
"Let's eat first then we'll see."
Ang daya. Pero sige, ano ba naman ang ilang minuto pang paghihintay?
In fairness, mukhang nagustuhan talaga nito ang luto niya dahil marami itong nakain. Konti lang ang nakain niya dahil sa kaba. Sana pumayag ito. Naghuhugas na siya ng mga pinagkainan nila ng tinanong niya ulit ito.
"So ano nga? In or out?"
He acted like he's thinking and then directed his captivating eyes on her that nearly knocked her breath out leaving her breathless. He inched closer and lifted her chin up.
"Breath, Catherine."
Huminga siya ng malalim.
"Kinakabahan lang ako. So ano na ang desisyon mo?"
Umatras siya ng konti mula dito.
"Okay. You're in."
Napamulagat siya at napahawak sa mga kamay nito habang tumalon talon na parang bata.
BINABASA MO ANG
Working Girls Series# 1: Beautiful Nightmare
RomanceMia Catherine Cordova considered herself successful in her career but something wasn't right with her life. She felt lost and empty inside. Madalas niyang maisip ang magpakamatay nalang para matapos na ang lahat ng kahungkagang nararamdaman niya. Ng...