Chapter 20

1.3K 53 5
                                    

Nanonood ng morning show sa TV si Mia nang biglang tumunog ang alarm ng bahay. Alam niyang busy pa si Max sa trabaho ngayon kaya siya na ang nagkusang lumabas para pagbuksan ang kung sino man ang nasa labas. Dalawa lang ang paraan para mabuksan ang gate. It's either through Max's phone or his laptop. Pero nilagyan ni Max ng access kanina ang phone niya. Nakita niya sa cellphone na may mga kalalakihang nasa labas. She entered the code in her phone to open the gate. She was greeted by five men when the gate opened. 'Yong lalaking may asul na mga mata ang nakita niya kanina na tumingin sa screen. Gwapo din ito at maganda ang mga mata pero mas maganda parin pagmasdan ang mga mata ni Max.

"Hi, we are from Perfect Trail. I believe Mr. Black is expecting us today", nakangiting turan ni Blue Eyes. Ngumiti din siya dito.

"Please come in. I'll inform Max that you're here."

Sumunod ang mga ito papasok. Pinaupo niya muna ang mga ito sa sofa bago pinuntahan si Max. Sinilip niya ang ulo sa pintuan ng library. Kabababa lang nito ng telepono ng lingunin siya nito.

"Max, may naghahanap sa'yo. Galing daw sila ng Perfect Trail."

Sabay silang dalawa papuntang sala. Tumayo ang mga ito pagkakita sa kanila.

"Good morning, Mr. Black. I am Dion Grant from Perfect Trail", pakilala nito sabay nakipagkamay kay Max. Tumango si Max dito saka namulsa.

"Are your equipments ready now? Kelan niyo sisimulan ang paggawa ng trail?"

Dion clasped his hands and smiled.

"Yes, our equipments are ready. My men will scout the area first so we can come up for a perfect trail from your house to the main road."

"Good. I expect it to be done as soon as possible."

Dion nodded enthusiastically.

"Yes, of course. We make trails in a flash."

Matapos mag-usap nina Max ay umalis na ang mga ito para simulan na ang paghahanap ng perfect trail. No'ng umaga ding 'yon inayos nilang dalawa ni Max ang painting na natapos kahapon. Pinalagay niya ito sa sala para pumasok ang swerte doon.

She clasped her hands while looking at the painting.

"I think we should put our initials in it", saad nito habang nakatitig din sa painting. Umiling siya dito.

"Sa susunod nalang na painting."

He arched his brows at her.

"There will be another painting?"

"Oo naman. Pupunuin natin ng painting 'tong bahay mo kasi walang kabuhay buhay."

He looked at her, amusement in his eyes.

"Really? So you're now an interior designer too?"

She flipped her hair jokingly.

"Oh, I have so many talents, Mr. Black. Just wait and see. Before this month ends, I'll transform this house of yours from bland and plain to a very magazine-worthy design."

Humalukipkip ito habang tinititigan siya. Parang may kalokohang naglalaro sa mga mata nito.

"Talents, huh? Well, let's see. Maybe I can show you some of mine, too. And maybe one day I'll teach you new talents."

Nagtataka siyang napatingin dito.

"Anong talent 'yon? Nakakaaliw ba namang talent 'yon?"

He smirked and something dark and hot is shown in his eyes.

"Oh, this talent isn't for entertainment but I assure you it is purely for pleasure. Absolutely pleasurable."

Lalong nangunot ang noo niya. Hindi niya maintindihan ang tinutukoy nito.

Working Girls Series# 1: Beautiful NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon