Dahil nagugutom na rin siya ay inaya niya si Lino na kumain muna sila. Meron silang nakitang nagtitinda ng kwek kwek at fish ball. Nahihiya pa itong magpalibre sa kanya.
"Ano ka ba, 'wag ka ng mahiya sa'kin. Syempre hinatid mo 'ko kaya kahit dito man lang makabawi ako."
Napakamot ito sa ulo saka tipid na ngumiti.
"Ilang taon ka na nga pala?", tanong niya dito ng kumakain na sila. Nilunok muna nito ang kinakain nito bago sumagot.
"Ahm, 17 po."
Ang bata pa pala nito. Muli silang natahimik.
"Kayo po, ilang taon na po kayo?", maya-maya'y basag nito sa katahimikan. In fairness, medyo nawawala na ang awkwardness nito.
"25 na'ko."
"Talaga po? Hindi po halata. Akala ko 20 lang kayo."
Natawa naman siya sa sinabi nito.
"Ikaw ha, bolero ka pala. Kunwari ka pang mahiyain."
Namula agad ang mukha nito saka muling napakamot sa ulo. Signature move yata nito iyon kapag nahihiya.
"Hindi naman po. Maganda lang po talaga kayo."
"Oh, siya dadagdagan ko na 'yang pagkain mo. Libre ko lahat."
Pareho silang natawa. Nakakatuwa din palang kausap 'tong si Lino.
Natapos na silang kumain pero walang tindang inumin.
"Masarap sana kung may fresh buko juice dito."
"Gusto niyo po dalhan ko kayo ng buko. Magaling ako umakyat ng niyog."
"Sige ba. Hindi ko tatanggihan 'yan."
Napag-usapan nilang dalawa na ito nalang ang magiging tagahatid-sundo niya sa trabaho. Babayaran niya nalang ito.
Kahit napagod at parang nalamog ang katawan niya sa byahe ay masaya naman si Mia at may bago na siyang kaibigan dito sa isla sa katauhan ni Lino. Na-miss niya na ang mga pinsan niyang mas bata sa kanya. Minsan kasi nagsasawa na siyang laging bini-baby sa bahay kaya mas gusto niyang kasama ang mga pinsan niyang mas nakababata sa kanya dahil nagiging instant ate siya ng mga ito.
"Uy, salamat sa paghatid ha", pasasalamat niya dito ng makababa na siya ng motor nito. Sa mismong harap ng gate siya nito ibinaba.
"Wala po 'yon. Eh baka matalakan ako ni ate Soling kung di ako pumayag", nakatawa nitong sagot. "Saka nakalibre naman po akong kain tapos may maganda pa akong pasahero kaya sulit na din."
Natawa siya sabay kurot sa braso nito.
"Ikaw talagang bata ka napakabolero mo. Pusta ko ang dami mo ng napaiyak na mga dalaginding dito."
Sasagot pa sana ito ng bumukas ang gate. Napalingon siya at nakitang lumabas si Max mula doon. Magkasalubong ang mga kilay nito. May problema kaya sa trabaho nito? Agad namang yumukod dito si Lino.
"Good afternoon po, sir Max."
Tumango lamang si Max bilang tugon dito. Namulsa ito saka magkasalubong parin ang mga kilay na tiningnan siya.
"Ahm, sige po una na po ako", paalam ni Lino sa kanila.
"Sige, basta bukas agahan mo ha?"
Napakamot ito sa ulo at tumango sa kanya bago tuluyang nagpaalam sa kanila.
"What was that about?", untag ni Max sa kanya ilang sandali mula ng makaalis si Lino.
Paglingon niya dito ay nakahalukipkip na ito pero magkasalubong parin ang mga kilay.
BINABASA MO ANG
Working Girls Series# 1: Beautiful Nightmare
RomansaMia Catherine Cordova considered herself successful in her career but something wasn't right with her life. She felt lost and empty inside. Madalas niyang maisip ang magpakamatay nalang para matapos na ang lahat ng kahungkagang nararamdaman niya. Ng...