Naging sobrang abala sila Mia buong umaga ng lunes dahil may biglaang order para sa isang birthday party ng isang kakilala ni madam Julie. Pansamantalang sarado sa mga customers ang Lawod sa ngayon dahil priority ang orders at mukhang bigating tao dito sa isla itong kaibigan ni madam. Laking pasalamat niya at pansamantalang nawaglit sa isipan niya ang cold war sa pagitan nilang dalawa ni Max. Ilang araw na niyang hinihintay na magpaliwanag ito sa nangyari pero mas gusto pa yata nito ang magmukmok sa library at iwasan siya lage. Kahit sa pagkain hindi na sila magkasabay. Kung wala lang ang mga aso, iisipin niyang mag-isa lang siya sa bahay na 'yon. Napangiti siya nang mapatingin sa ulam niya at biglang maalala si Cham.
"Ah, sa wakas ngumiti na rin."
Umangat ang tingin niya kay lolo Floro. Kasalukuyan silang nanananghalian matapos magawa lahat ng orders. Kahit closed ang Lawod ay pinapasok parin si lolo Floro dahil suki na talaga ito dito. At napili nitong maki-table sa kanya. Mukhang kilala na nito lahat ng crew at waitress dito kaya siya naman ang pinagkakainteresan nitong makakwentuhan.
"Kung ano man 'yang iniisip mo ngayon, ipagpatuloy mo lang nang lage kang nakangiti", patuloy nito. Siguro napansin nitong kanina pa siya matamlay.
"Naalala ko lang po 'yung kaibigan kong aso. Favorite niya po kasi 'tong chicken nugget."
"Ah, ganun ba? Oh, siya sa'yo na din 'tong nugget ko. Dalhan mo siya, pasasalamat ko sa kanya dahil pinapasaya ka niya."
"Naku, wag na po. Sapat na po itong tinira ko para sa kanya. Hindi po 'yon pwedeng kumain ng sobra-sobra baka po tumaba." Natawa siya sa huling sinabi dahil napansin nga niyang medyo tumaba si cham-cham ngayon pero hindi pa naman ganun kahalata.
"Minsan lang naman. Let him indulge. Deserve ng kung sinuman o anuman na nagpapasaya sa atin ang maging masaya din. Parang si Conchita ko. She always made sure na lage akong masaya noong nabubuhay pa siya kasi sabi niya ako daw ang kaligayahan niya."
Biglang kumislap ang mga mata nito sa pagbanggit na naman sa namayapa nitong asawa. Pero bakit masaya parin ito kahit naiwan na itong mag-isa? Naikwento nitong wala silang anak ni Conchita dahil kinailangan itong operahan sa matres noon dahil sa sakit nito.
"Hindi po ba kayo nalulungkot na wala na ang asawa niyo?"
Unti-unting nawala ang ngiti nito sa mga labi at napatitig sa maja blanca na paborito nitong panghimagas.
"Hija, kaya mo bang bumahing ng hindi pumipikit ang mga mata?"
"Ha? Syempre hindi po. Kahit ayaw natin kusa talagang pumipikit ang mga mata natin pag bumabahing tayo. Matik na 'yun", natatawa niyang sagot kahit hindi niya alam ang kaugnayan nito sa tanong niya kanina. Baka nililihis lang ni lolo ang usapan.
"Parang ganun din pag iniwan tayo ng mga mahal natin sa buhay. Kahit ayaw natin nasasaktan parin tayo. Pero tulad ng pagbahing, hindi pwedeng manatiling nakapikit ang mga mata natin pagkatapos. Kailangan nating idilat ito at magpatuloy. Kahit gaano pa karaming alikabok ang itapon ng mundo sa'yo at ilang beses ka mang mabahing, basta alam mong kailangan mong imulat muli ang iyong mga mata, okay ka."
Natameme siya sa sinabi nito. Napakamatalinghaga naman ni lolo Floro. Pwede pala itong pang-author. Maya-maya ay may naisip ulit siyang itanong.
"Pa'no po dumilat muli kung wala ng dahilan para magpatuloy?"
Bumuntong-hininga si lolo Floro saka inayos sa gilid ng pinggan ang tinidor nito.
"Ang hirap sa inyong mga kabataan ang bilis niyong sumuko. Kahit kailan laging may dahilan para mabuhay. Maaaring ngayon wala pa pero bukas magugulat ka meron na. At kung wala parin, aba eh ikaw na ang maghanap ng ibang dahilan. Ang sabi ni Conchita ko lahat tayo ay nabubuhay para sa isa't-isa. Mabuhay ka para sa ikakasaya ng mga taong nagpapasaya din sa'yo, tulad ng kung paano sila nabubuhay para maging masaya ka. Nung nawala si Conchita nawalan ako ng dahilang magpatuloy. Pero nagising ako isang umaga na naisip kong may dahilan ang Diyos kung bakit nandito pa'ko. Siguro kailangan ko lang mabuhay pa ng mas matagal para marami akong maikwento kay Conchita pag nagkita kami ulit."
Tumango-tango siya sabay subo sa dessert niya. Somehow, isa sa mga katanungan niya sa buhay ang nabibigyam ng kaunting liwanag.
"Maraming surpresa ang Diyos, sa bawat paghakbang at pagliko mo hindo mo alam nandyan na pala ang hinihintay mong surpresa, di ba nakaka-excite isipin? Ikaw, hindi ka ba excited malaman kung ano ang dahilan kung bakit ka napadpad dito?"
Napatitig siya sa nugget sa kanyang pinggan at sa berdeng nata de coco sa kanyang fruit salad. Hindi niya mapigilang makaramdam ng mga paro-parong nagkakarambola sa kanyang tiyan.
"Oo nga po, nakaka-excite."
"See? Kung ganyan ang iisipin ng lahat, we'll always have something to look forward to."
"Pero hindi po ba kayo naiinip na makitang muli si Conchita?"
Sa gulat niya'y biglang bumunghalit ng tawa si lolo Floro na ikinalingon ng mga kasamahan niya na nasa kani-kanyang mesa at kumakain din.
"Loko kang bata ka, parang gusto mo na 'kong pumanaw agad, ah. Pero halika may sasabihin ako."
Lumapit siya dito para pakinggan ito at siya naman ang bumunghalit ng tawa sa ibinulong nito.
**********************************
Tumatawa silang tatlo ni Cara at Melba habang palabas ng Lawod dahil sa kwento ni Melba tungkol sa date nito noong linggo. Malapit na itong magkuwarenta pero hanggang ngayon wala paring asawa. Ang sabi nito ay wala pa raw nagkakamaling lalake kaya hanggang ngayon ay single parin ito.
Napalingon si Mia nang mapansin ang isang Wildtrak na naka-park sa gilid at lumabas mula doon si Max na animo isang model sa commercial ng kotse kahit naka white t-shirt at pantalon lang ito.
"Oh my God, mga boring! Sa tingin ko nakita ko na ang tadhana ko at palapit na siya dito. Maayos ba ang buhok ko? My ghad, nakatitig siya dito", tili ni Melba habang iniipit ang buhok sa likod ng tenga. "Grabe ang mga mata niya nakakatunaw at ang mga braso namumutok, sarap pisilin. Sa tingin ko hindi lang braso niya ang masarap pisilin-"
Naudlot ang sasabihin pa nito dahil siniko na ito ni Cara. Malapit na kasi sa kanila si Max at ilang segundo pa ay nasa harapan na nila ito.
"Hi," asiwang bati nito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang ire-react. Kanina lang hindi siya nito kinausap nang magkasalubong sila nang palabas na siya ng bahay.
"Let's go?"
Tatango na sana siya nang palihim na pinisil ni Melba ang kanyang braso. Napatingin siya dito at halos matawa siya nang dilatan siya nito at binulungan.
"Pakilala mo naman kami, bor."
Halos di bumuka ang bibig nito sa pagsasalita para hindi mahalata pero knowing Max, alam niyang napansin nito 'yon.
"Ah, nga pala si Max," napatingin siya dito. Ngayon niya na-realize na hindi niya alam kung paano ito ipapakilala. Ano nga ba sila?
"Max, sina Cara at Melba, mga kasamahan ko sa Lawod."
"Hi," agad itong nakipagkamay sa dalawa. "Nice meeting you "
"Nice to meet you, too", sagot ni Melba na mahigpit parin ang hawak sa kamay ni Max hanggang ngayon. Bumitaw lang ito nang tumikhim si Cara.
"Ah, sige, mga bor una na'ko," paalam niya sa mga ito.
"Sige, Mia. Ingat."
"Ang gwapo ng sundo mo, bor. Nyum", muli'y bulong ni Melba. Lihim nalang siyang natawa habang palapit sa kotse ni Max.
"What?", takang tanong nito sa kanya.
"Kinikilig 'yun si Melba sa'yo. Crush ka na yata."
"Psh, hindi pa nga niya 'ko ganun kakilala."
"So do I."
He winced then opened the door for her. Tahimik lang sila buong byahe pauwi. Hindi na siya nag-abalang usisain pa ito. Maghihintay nalang siya kung kailan nito gustong magpaliwanag.
**********************
Please vote and follow 😀😘🤗
BINABASA MO ANG
Working Girls Series# 1: Beautiful Nightmare
RomanceMia Catherine Cordova considered herself successful in her career but something wasn't right with her life. She felt lost and empty inside. Madalas niyang maisip ang magpakamatay nalang para matapos na ang lahat ng kahungkagang nararamdaman niya. Ng...