Matthew's PoV
Ilang linggo na ang nakakaraan simula ng baliin niya ang buto ko dahil doon sa sinabi ko. Tsk. I just want a hug. Ilang linggo na rin niya akong hindi pinapansin kaya naman I was bored and lonely. I always wanted to see her but she's too busy preparing for our upcoming sports fest. Once I did visit her in the SC office but she just dragged me out and slammed the door. She's so sweet -__- At madalas ko na rin siyang makitang nakikipaghalubilo sa ibang mga lalaki. Nakakainis. WAG KANG NGUMITI SA KANILA! Ngayon ay mula dito sa bintana ng 2nd floor building ay tanaw ko si President na may kausap na lalaki. Tsk. Hindi naman gwapo.
I was looking at her the whole time and it pisses me off whenever she's smiling at kaharap pa niya yung lalaking iyon. Nakatingin pa rin ako sa kanila hanggang sa magsipagpaalaman sila sa isa't isa. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa nakakaboring naming teacher at saka nagheadset. Natapos na ang klase at lunch break na. Dali-dali naman akong lumabas baka sakaling makasabay ko si Pres at hindi nga ako nagkamali ng kalkulasyon(Kalkulasyon pa ang nais XD) papalabas palang siya sa Student Council Office. Pumunta agad ako sa likuran niya para hindi niya ako agad mapansin. Kinalabit ko siya at dali-dali akong pumunta sa harapan niya pagkalingon niya sa likod. Wag na kayong magtaka kung paano, I'm an alien remember? :3
"Ay Anak ng Alieng bakulaw!" Gulat na aniya pagkaharap niya. Kumunot naman ang noo ko
"Bakit may bakulaw?"
"Mukha ka kasing bakulaw eh" Inis na singhal niya. Napangiti ako
"Anong nginingiti mo dyan?"
"Mas mukha namang bakulaw yung kausap mong lalaki kanina eh" Then I smirk.
"Hoy! Wag mong sinasabihan ng ganyan yung kaibigan ko ha? At ikaw chismoso ka rin no? Pati yun alam mo"
"Of course. I am your stalker after all so I know everything and besides you abandoned me this past few days. I feel alone. I was lonely since you didn't pay attention to me" madrama kong sabi.
"And why do I care?"
"I was looking at you the whole time"
"So? As I expected to an alien stalker" Sinabayan ko siya sabay sabing...
"You were looking as well, right?" And then she was caught off guard. I told you.
"N-no I'm not! Why on Earth will I ever look at you?!" Depensa niya but I can barely see her blushing. I know, you're going to fall for me soon...
Andrea's PoV
Ano ba tong pinagsasabi ng lalaking to >_< Kainis to ah!
"I see. See you later then, Pres." At iyan nanaman yung nakakainis na ngisi niya. Umalis na siya sa harapan ko at ako naman ay dumiretso ng Cafeteria para maglunch.
"Andreaaaaaa!" Napalingon ako sa likuran ko at kitang-kita ko si Joyce na malapad ang ngiti habang kumakaway. Ngumiti naman ako sakanya at tumakbo na siya papalapit saakin
"Sabay tayong magluch :)"
"Sige ba"
"Yeeey!" At sabay nga kaming nag-order. Natapos kaming omorder at umupo na kami sa napili naming pwesto.
"Andrea, may gusto ba sayo si Matthew?" Bigla naman akong nasamid matapos niyang tanungin iyon.
*Hukk*
*Cough* XD
"Ano ba yang sinasabi mo. Yung alien na yon gusto ako? Tss. No way"
"Eh bakit lagi siyang nakadikit sayo?"
"Dikit lang siya ng dikit dahil iinisin lang niya ako dahil wala siyang magawa sa buhay, kaya ganun"
"Pero alam mo, bagay kayo. Yiieeee" Mapanukso ang tinging ipinupukol niya saakin. Sinamaan ko naman siya ng tingin
"Tumigil ka nga dyan. Wag mong sasaktan yang sarili mo" I smirk.
"Ano namang ibig mong sabihin doon aber?"
"Diba may gusto ka kay Matthew?"
"H-huh? Wala no. Naga-gwapuhan lang ako sakanya" Pero nakikita kong namumula siya at naging uneasy na siya so... :3
"Sows. Wag mo ng ideny. Alam kong gusto mo siya. Hahaha"
"Hoy! Hindi nga eh." Nagpout pa siya.
"Sabi mo eh" Then I give her a smirk. Nagpatuloy na kaming kumain hanggang sa matapos kami.
"Salamat sa libreee Andrea! Sa uulitin!" Pagpapaalam niya. -_____- Oo, nagpalibre siya saakin ng lunch niya. Ang galing.
Naglakad na akong papuntang SC office dahil marami pa akong aasikasuhin. Dahil ako ang President ng school ay ako ang incharge sa pagpaplano para sa sports fest kasama ng ibang mga officer at mga faculty ng school. Papaakyat na ako ng may mapansin akong nag-uusap sa may gilid ng corridor. Teka, yung alien yun ah. Mula dito sa kinatatayuan ko ay rinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Matthew, mahal kita. Gusto kita matagal na."
"Ganun ba? Okay."
"Huh? Yun lang ang sasabihin mo?"
"Ano bang dapat kong sabihin? Mahal mo ako, oh tapos?" Rinig ko na ang paghikbi ng babae
"Hindi mo man lang ma-appreciate? Kahit man lang sabihin na sorry hindi kita gusto? Hindi yung wala lang? Nakakasakit ka naman Matthew. Bakit ka ba ganyan? Lahat nalang ng magco-confess sayo binabastos mo? Hindi ka man lang maka-appreciate. Manhid ka!" Tapos tumakbo na yung babae. Nakakailang hakbang pa naman ako sa hagdan kaya bumaba ako para pumunta sakanya at saka ko siya kwinelyuhan. Gulat naman siya pero..
"Anong ginawa mo?!" nagkibit balikat naman siya.
"Nothing. Just rejecting a confession." walang kagana-gana niyang sabi. Nagpantig naman ang tenga ko. Tinignan ko siya sa paraang hindi makapaniwala dahil sinabi niya. Napamaang ako.
"Ha? Porket ang gwapo mo ginaganun mo na yung feelings ng iba ha? Hindi mo man lang ba mapahalagahan yung nararamdaman nila tapos ganun lang yung gagawin mo? Ha?! Can you be more considerate?"
"So you were eavesdroping, Pres?"
"Tumigil ka sa pagngisi-ngisi mo dyan! At isa pa, napadaan lang ako dito kaya ko kayo nakita. Pero wag mong ibahin ang usapan. Kaya ako naging Presidente dito dahil gusto kong baguhin ang school na ito, ang pagkakaroon ng pantay-pantay na karapatan sa pagitan ng lalaki at babae dahil sawang sawa na kaming mga babae sa magagaspang niyong ugali. Ang pangbubully lalo na sa babae ay bawal at pati na rin ang pananakit sa damdamin ng mga ito. HINDI MO MAN LANG BA NABASA ANG MGA DINAGDAG KONG RULES AND REGULATIONS NG SCHOOL NA TO?!" Sigaw ko habang kinukwelyuhan pa rin siya.
"Hindi ko naman kasalanan kong masyado akong gwapo para magconfess pa sila saakin. Paulit-ulit nalang. Sinabi ko ng hindi ko sila gusto pero paulit-ulit sila kaya nagsawa na ako. At isa pa, hindi naman ako interesado sa kanila eh" Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at saka niya ako isinandal sa pader. Ano nanamang kamanyakan ang pumasok sa kokote ng lalaking ito!
"Ano nanamang kamanyakan to!" Pilit ko siyang tinutulak pero sadyang mas malakas siya saakin.
"Why won't you ask me why?" Papalapit ng papalapit ang mukha niya saakin kasabay noon ay ang pabilis ng pabilis na tibok ng puso ko.
"Why would I ask you why? Get away from me, you pervert!" Tinutulak ko siya papalayo pero damn it!
"Just say why."
"No. I won't bother to ask you why! Alis!!"
"You'll say why or I'll kiss you. You choose" Nakita ko naman ang nakakaloko niyang ngisi. Bwesit! Bakit ang gwapo niya. Ay erase!!! Damn!
"Sheesh. WHY?!" Pasigaw ko talagang tanong. Mas lalo naman siyang lumapit saakin at saka bumulong.
"Because you're just right for me" And my heart skip a beat. What the hell is he saying?!
BINABASA MO ANG
Her Perverted 'Alien' Stalker
Teen Fiction"I'll make you fall for me as many times as needed." "This may be the end for us. But you will be forever engrave in my heart."